Natigilan ako ng madatnan ko ang dalaga sa loob ng kwarto ko habang inaayos nito ang damit na isusuot ko. 'Di ko tuloy naiwasang titigan ang likuran nito. Napaka-sexy talaga ng dalaga. Ang kurba ng katawan nito na pagnanasahan mong makita't mayakap. Kaya nga, hindi ko maiwasan ang maging bad mood sa tuwing lumalabas kami. Halos lahat yata ng mga kalalakihan na nakakakita sa dalaga, panay tingin ng mga ito. Isang beses nga ng makita kong nasampal ang isang binata ng nobya nito dahil nakatingin ito sa dalagang si Abegail. Hindi ko rin yata mabilang kung ilang beses ba akong napapabuntong-hininga at napapatiim-bagang dahil lang sa pagpipigil na huwag makapanakit ng kapwa ko lalaki dahil sa mga tingin ng mga ito sa dalaga. Well, hindi ko rin naman sila masisisi. Lakad pa lang kasi nito, m

