Araw ng lunes. Kaagad akong natigilan sa paglalakad papuntang dining ng makita kong naroon na ang binatang si Andrei kasama ang grandma at mommy nito. "Oh hija, halika ka na't mag-almusal," alok sa kaniya ng Lola Carla. "Good morning po sa inyo," wika ko sa mga ito. Tumugon naman ang dalawang ginang maliban sa lalaking seryosong nakatingin sa magazine na hawak nito. Ngunit kaagad din nitong binitiwan at saglit akong sinulyapan. Bilang isang Personal Assistant, nakasaad din sa kontrata na kailangan kong sumabay kumain sa mga ito. "Mag-iingat kayo ha. Hijo, ang pagmamaneho," habilin ng Lola Carla sa amin. Hindi ko naman naiwasang mapakagat-labi. Pakiramdam ko kasi parang hindi ako nagtatrabaho sa mga ito kung tratuhin ako ng dalawang ginang. "Ingat kayo hija, anak," wika naman n

