"Oh no! Bakit ngayon pa?" reklamo ko habang tinitingnan ang sasakyan. Bigla kong natampal ang sariling noo ng makitang flat ang gulong ng sasakyan ko. Wala pa naman ang kaniyang kaibigang si Len at nagkahiwalay ang schedule nila sa trabaho. Nang mga oras na iyon, papunta na siya sa trabaho. Kagat labi siyang naglakad upang humanap ng taxi. Ilang minuto na lang kasi mahuhuli na siya sa trabaho. Hindi pa siya nakakadalawang minuto sa paghihintay ng taxi ng bigla siyang magulat. "Doc Mendoza?" Bigla akong napalingon sa likuran ko. At 'di ko naiwasang magulat sa kaharap ko. Ilang araw niya rin itong hindi nakita. Akmang magsasalita na sana siya ng unahan na siya ng binata. "Papunta ka na ba ng trabaho?" he asked. "Yes, Sir Andrei," magalang na sagot dito. Pansin niya ang bigla nitong

