Napasinghap at nanlalaki ang mga mata ko habang itinataas ng dalawang bakla na nag-ayos sa akin ang napakagandang wedding gown sa harapan ko. Hindi ko naiwasan ang mapa 'wow' sa isipan ko habang tinititigan ito. Balot na balot ito ng diamond na nagkikislapan. "OMG! Wow! Ang ganda madam ng wedding gown niyo!" Nanlalaking mga matang bulalas ng isang bakla. "Ang daming diamond! Grabi milliones sigurado ang price nito! Ang bongga madam! Bagay na bagay ito sa iyo! Siguradong madaming hahanga at magiging proud sa iyo nito madam! At tiyak kong maraming kababaihan ang maiinggit sa iyo madam!" Mahabang sambit ng isa pang bakla. "Ikaw na ang reyna!" sabay pa ng dalawang bakla. Ako naman itong napapatulala pa rin at hindi makapaniwala sa ganda ng wedding gown. Halatang napakamahal nito. Ang mga

