THIRD PERSON POV "Positive sir, may isa pa dito." Anang kausap ni Jayson sa kabilang linya. Pasimple nilang nilibot ang kabuoan ng hotel. Nakiramdam at sinuri ang bawat sulok ng pinagdarausan ng event. Napansin na nya ang ilang kahina hinalang kilos ng mga ibang taong nagtratrabaho sa hotel na iyon. Binigyan na nya ng balala ang mga tauhan, na maging alerto sa ano mang mangyayari. Gusto sana nyang ideklara ang pagkakaroon ng bomba sa loob ngunit naisip nyang hindi iyon makakabuti kapag nagpanic at nagkagulo ang mga tao. Paano kung marami pala ang kalaban na nasa loob at pagbabarilin na lang ang mga tao kapag nagkagulo ang mga ito? Kailangan mailikas nila ang mga tao ng tahimik at walang nasasaktan or else mahanap lahat ang bomba para mapigilan ang mga pagsabog nito. At isa is

