Kabanata Catorce

2332 Words

Marie Mag 12am na pero wala pa rin si Uno. Nakahiga na ako sa aking kama at nakapikit ang mga mata ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. Bahagya akong bumangon at sinandal ang aking likod sa headboard ng kama. Kanina pa ako nakikiramdam sa pagdating ni Uno pero hanggang ngayon ay wala pa ito. Hindi naman ito ganito ka-late umuwi lalo na't alam nito na nasa bahay lamang ako. Ni hindi man lang muna ito sumaglit sa condo bago pumunta kung saan. Hindi rin nag-text or tumawag na kadalasan nitong ginagawa kapag halimbawang may pupuntahan ito nang hindi ako kasama. Halimbawa na lamang nang minsang dumalo ito sa isang party kasama ang pamilya nito at hindi ako nakasama. Wala na itong ginawa kun'di e-text ako kahit pa puro pang-aasar at mga kalokohan lang ang mga pinagsasabi nito

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD