Kabanata Dos

1399 Words
UNO "Dalhin n'yo 'yan dito." Ang matigas kong utos sa apat kong body guard. Putok na ang labi. Dumudugo ang ilong at maga na rin ang isang mata ni Miguel dahil sa natamo nitong mga suntok sa 'kin at sa aking mga tauhan. Nabigla rin ako nang makita ko ang gagu sa birthday party ng ama ni Matthew at walang pag alinglangan nitong binastos si Althea. Hindi talaga marunong lumugar ang hayop kahit na hindi niya bulwarte ay kinakana! Dinala namin ito sa parking area sa likod ng hotel. Habang hawak sa dalawang balikat ng dalawa kong tauhan ay iniharap nila sa akin si Miguel. "Ikaw gagu ka, ilugar mo 'yang pagiging mayabang at pagiging bastos mo a? Piliin mo kung sinong babastusin mo!" ang malakas na sabi ko sabay inundayan ng isang malakas na suntok ulit sa mukha. "P-para kang bata Uno. Unang-una hindi ko siya pinilit na makipagsayaw sa 'kin! Akalain mo bang masyadong praning 'yong kaibigan n'yo at madaling magselos?" hirap na hirap na itong magsalita ngunit maangas pa rin. "Gago! Bantay namin ang galaw mo! Kilala namin ang tulad mo. Sa tingin mo ba uubra ang kayabangan mo ngayon dahil sa isa kang Corpuz? This is not a Corpuz territory boy!" Ang ani ni Carl na tinapik pa ang pisngi nito bago nagpakawala ng isang malakas na suntok sa sikmura. Napa-igik si Miguel. Ngunit matalim pa rin itong tumingin sa 'min. "Malalakas lang ang loob n'yong gulpihin ako dahil mag-isa lang ako. Lalo ka na Uno! matapang ka lang dahil may mga tauhan kang nakabuntot sa 'yo! Swerte ka pa rin bata, dahil hindi ako nag dala ng tauhan ko. Pero kung one on one fist fight, akala mo ba mananalo kang bakla ka?! Pwe!!" Ang nakangisi nitong sabi at dumura ng dugo. Nagpanting ang aking tainga! Parang sinilaban ng apoy ang dib-dib ko sa galit na nararamdaman ko para sa gagung 'to! "Bitawan n'yo!" ang utos ko sa dalawang tauhan kong may hawak sa kanya. Binitawan nila ito at napaluhod. Bahagya pang napasubsob sa lupa dahil na rin sa nanghihina na ito. Malakas ko itong sinipa sa tagiliran! "Tayo!" ang malakas kong sigaw. "Tumayo ka gago! " ang segunda ni Matthew. Nakatingin lang si Vince at Noah sa 'min habang nakangisi. Muli ko sana itong sisipain ng malakas nang dumating si Alexie at Rowel. Si Rowel ay isa sa malapit na kaibigan ni Miguel at dating classmate naman ni Alexie. "Spare him Uno, bugbog sarado na siya! Wala siyang laban sa inyo." Aburido nitong pagmamakaawa. Tiningnan ko lamang siya at muling hinarap si Miguel. "Uno magkaibigan ang daddy n'yo please spare him! Ako na ang bahala sa kan'ya." Ang pakiusap nitong muli at humarang sa 'kin. "Tumabi ka d'yan pare! H'wag kang mangialam." Ang madiin kong sabi at hinawi ko siya paalis sa aking harapan. "s**t! Parating na si Arielle! " Ang tila nag- aalalang bulong nito. At hinarap ako ulit at nakikiusap na lubayan na si Miguel. Ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Sinubukan na rin umawat ni Alexie na 'di na mapigilang mapaiyak. Ngunit hinila lang ito ni Matthew palayo. "Hayaan mo sila Rowel, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya ng mga 'to!" Ang mayabang at nakangisi pa rin na sabi ni Miguel. Gagu talaga at ubod ng yabang! Halos hindi na nga makatayo dahil sa tinamong bugbog. At hirap na rin itong magsalita pero hindi pa rin nawawala ang angas at yabang nito! Muli ko sana itong uundayan ng suntok nang maagaw ang pansin namin lahat ng isang humaharurot na ingay ng motor-siklo! Walang nakahuma sa 'min ng mabilis na pumarada ang isang Ducati 1199 sa mismong harapan namin. Mabilis na umibis ang sakay nito at tinanggal ang suot na helmet! Nakasuot ito ng full black motor gear. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa babae habang papalapit ito. Tila ba nag-slow motion ang lahat ng galaw sa paligid ko. Ang babaeng laman at gumulo sa isipan ko ilang taon na ang nakakaraan. Narinig ko pa ang mga pagsinghap ng mga nasa paligid ko. Pati ang mahinang pag-anas ng pangalan nito mula kay Rowel. "Arielle..." Walang nakahuma sa 'min nang mabilis nitong undayan ng malakas na suntok at tadyak ang dalawa kong tauhan. Ang dalawa sa apat ko pang tauhan ay sumugod rin ng suntok sa babae ngunit mabilis na naiwasan niya ang mga iyon. Wala man lang tumama sa mga suntok na pinakawalan ng aking mga tauhan. Isa-isa silang bumagsak. Hindi siya normal na babae lang. Damn, this woman! This woman have all the power to dominate in all fights! Naalala ko pa ang ginawa nito sa dalawang lalaking ginulpi nito sa disco bar. Kung paano niya ilampaso ang dalawang lalake at partida pa, lasing noon ang babae. And look what she did to my men? Ang mga tauhan ko ay malalaking tao at malalaki ang mga katawan. Pero tinaob lang niya ng walang kahirap-hirap. Nagpakawala ito ng sunod-sunod na suntok at sipa. Ano bang klasing babae ito, hindi ito katangkaran ngunit pinatumba ang mga tauhan ko sa isang iglap. Akma sanang bubunot ng baril ang isa kong tauhan ngunit bago pa niya ito nagawa ay nakahuma na ang isang kamay ng babae sa 'kin hawak ang isang baril na may silencer. Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis ako nitong hinawakan sa leeg. "Subukan mong bumunot ng pasabugin ko ang utak ng amo mo!" ang matapang na sabi nito habang nakatutok ang baril nitong hawak sa aking sintido. Ang kaliwa naman nitong braso ay nakasakal sa aking leeg. Shit! She's fast. May kapayatan ang babaeng ito pero dama ko ang lakas niya base na rin sa p'wersang pinapakawalan nito sa aking leeg. "Are you okey Alfred? " ang baling nito kay Miguel. "I'm fine, babe. You're just on time." Ang tila wala lang na sagot ni Miguel. Inutusan ng babae ang mga tauhan kong itapon ang mga baril ng mga ito. "You better follow what she said. Hindi 'yan nagbibiro." It was Rowel. Pilit na tumayo naman si Miguel at hinarap nito ang isa kong tauhan. "Drop all your guns bago pa manginig ang kamay ko at makalabit ko ang gatilyo!" matigas na ulit ng babae. "Sundin nyo ang sabi niya. Drop all your guns men," ang mahinahon na utos ko sa aking mga tauhan. Isa-isang nilapag ng mga tauhan ko ang kanilang mga baril. Pinakuha naman niya ang mga iyon kay Rowel at pinatapon sa malayo. "Ikaw ang sakit ng suntok mo sa 'kin punyeta ka! Mas malakas pa sa suntok ng amo mong bakla! " Ang gigil na sabi ni Miguel sabay suntok. Sapul ang tauhan ko sa panga. Nagpanting ang tainga ko sa sinabi ng gago. Gusto ko sana manlaban ngunit alam kong wala rin naman akong magagawa. Walang rin naglakas loob na gumalaw sa kanila. Ang mga kaibigan koy pawang naistatuwa. Habang tumatagal ay lalong dumidiin ang pagkakasakal ng babae sa leeg ko at med'yo nahihirapan na rin akong huminga. "That's enough Alfred. Rowel, take your car! " ang utos nito ulit kay Rowel na mabilis naman tumalima. Nang pumarada si Rowel ay mabilis nang sumakay si Miguel. Nang makaalis at makalayo na ang sasakyan ni Rowel ay pabalya ako nitong binitawan. "Don't you ever dare to do a move, hindi ako magdadalawang isip na pagbabarilin kayo!" her warned. Ang mga mata niyang matiim at matalim tumingin. Mga matang ibang-iba kapag tumatawa ito at masayang nakikipag-sayaw kay Miguel. Hahabulin pa sana ito ng isa sa mga tauhan ko pero pinigilan ko na. Wala rin naman itong magagawa maghahanap lang ito ng karagdagang sakit ng katawan. Mabilis na sinuot ng babae ang helmet nito at pinaandar ang motor siklo at mabilis na sumibat. "Woooh... That's one bad ass! I want that kind of woman. Fierce and strong yet sexy! Suwerte talaga ni Miguel!" Ang bulaslas ni Klient na nakatayo sa isang tabi. Everyone glared at him. "What? Come on guys! Admit it or not, she's f*****g hot!" Ang tila wala lang na komento nito. Hindi pansin ang panglilisik ng mga mata sa paligid. Habang tinatanaw pa rin nito ang malayo nang motor ng babae. I was surprised at myself, dahil sa isip ko'y sumang-ayon ako sa sinabing iyon ni Klient. It's been a years since then, and now I saw her again. Alam kong hindi ito ang huli namin pagkikita, nararamdaman ko. Magkikita pa kami. And I'll do anything to see her again. I'll swear...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD