Carrie's POV
"Let's go?" Napasulyap ako kay Roi nang magsalita ito sa tabi ko. Napasulyap ako kay Chester na nasa tabi ko. We are seatmate.
"No need, Roi. Kaya kung mag commute," sambit ko na lang.
Chester and I had planned to go out after school, pero nalaman ko na binutas ni Roi ang gulong ng kotse ni Chester kaya ang ending hindi kami matutuloy.
"Come on, Carrie. Kaya naman kitang ihatid kaya bakit kailangan na mag commute ka?" Sambit pa nito.
"Magpahatid ka na, Carrie," It's Chester.
"Pero, Ches--" Natigilan ako nang masulyapan ko si Nicole sa gilid na nakatingin sa'min. Dahil naalala ko ang ginawa nitong pagsabunot ay gusto ko na inisin siya. Muli kung sinulyapan si Roi bago ngumiti. "Pero kung mapilit ka ay bakit naman ako tatanggi?" Tanong ko nang nakangiti na. Bago makaalis kasama si Roi ay napansin ko pa ang pagsimangot nito at pagdabog.
I just shook my head at what she did. Why is she forcing herself on someone who doesn't like her? She's beautiful, and I'll admit that, but why does she prefer Roi?
All the HCC students know that Laurente's cousin is a playboy, kaya nga hindi ako nag hesitate na payagan silang ligawan ako. I know that, just like me, they just want to play.
"Binutas mo raw ang kotse ni Chester?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.
Nag-iwas ito ng tingin sa'kin at hindi nagsalita.
"You should stop doing that, Roi," sambit ko habang umiiling.
Oo at alam ko na playboy sila at papalit palit ng babae, pero sa ibang bagay ay alam kong mabait sila. Ang ayaw ko lang ay ang pagiging babaero nila at kapag nakakakita ako ng gaya nilang mga lalake ay naaalala ko si daddy na pinagmukhang tanga si mommy.
"I just hate it. He knows that I am courting you, pero anong ginawa niya? Niligawan ka niya rin--"
"Then stop, Roi. Hindi ko naman kayo pinipilit na ligawan ako--"
"Wala naman akong sinasabi na pinipilit mo ako. Stop? That will never happen, Carrie. Hanggang wala kang minamahal hindi ako titigil," sambit nito ng seryoso.
Natawa ako kaya napatingin siya sa'kin.
"Minamahal? Really? Naniniwala ka roon, Roi? You are certified a playboy kaya bakit nagpapaniwala ka sa salitang 'yon?" Umiiling na tanong.
Gusto kong humalakhak. He is playboy.
"Can't you see, Carrie? Wala na akong ibang niligawan nang nagsimula akong ligawan ka. Playboy ako noon, pero ngayon? Seryoso ako."
Tinaasan ko siya ng kilay at muling napailing.
"Alam mo na katulad mo ay papalit-palit rin ako. I date anyone, wala akong pinapalampas. I'm a playgirl, Roi, kaya bakit ka magseseryoso? Anong pinaghahawakan mo na sasagutin kita?"
He glanced at me and gave me sleepy eyes. I can't deny that he is handsome, and I can't also deny the fact that he has the same eyes as his uncle. I bit my lip when the eyes of his uncle flashed in my mind.
Bakit kailangan na pumasok siya sa isip ko?
They say that Roi is a bad boy, maybe because he is always fighting, but for me? He is not a bad boy. Between Chester and Roi, Roi is the one who can joke around with me. Roi has the power to make me laugh.
"I don't care if you are a playgirl. Wala akong pake kung halos lahat sila rito ay nanliligaw sa'yo. Na kahit ang pinsan ko nililigawan ka. Uulitin ko, hanggang sa wala kang inihaharap na mahal mo ay liligawan kita."
Tumigil ako sa paglalakad, natigilan rin ito. "Alam mo kung hindi kita kilala, maniniwala ako sayo, pero kilala kita eh," natatawang sambit ko bago maglakad at linagpasan siya.
"Kilala rin kita. Nagpapaligaw ka, pero wala kang sinasagot," sambit pa niya at narinig ko ang mabilis na yapak nito para maabutan ako.
"Ows? Sure ka? Hindi ba kalat sa HCC na kinama na ako ng lahat?" Matapang na sambit ko nang nasa tabi ko na siya at sinasabayan na ako sa paglalakad.
"Siguro kung nakilala kita rito mismo sa HCC, baka maniwala pa ako, pero nakilala kita sa labas. Mas naniniwala ako sayo, kaysa sa sabi-sabi nila," sambit nito at hinawakan ang kamay ko.
Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa narinig.
"Ano? Inlove ka na?" Tanong nito kaya natauhan ako.
Pinanliitan ko siya ng mata "Tigilan mo ako, Roi Laurente," natatawa ulit na sambit ko, pero kindatan niya lang ako.
"Pwede mo bang subukan tong lipstick? Parang pangit kasi ng shades," sambit ko sa kanya nang makapasok na kami sa kotse niya.
"What? You want me to use that?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Kaunti lang. Ayokong ilagay sa labi ko agad kasi matt siya, mahirap tanggalin," sambit ko at lumapit sa kanya.
Wala itong nagawa nang lagyan ko na ang labi niya. Gamit ang daliri ay kinalat ko iyon ng mabuti sa labi niya.
"Maganda naman," sambit ko habang nakatitig sa labi niya.
"Sagutin mo na kasi ako," napasulyap ako sa kanya nang sabihin niya iyon. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Roi--"
"So that I have a freedom to kiss you," sambit nito.
"Baliw," sambit ko at umayos sa pagkakaupo. Saka ko lang napansin na hindi maayos ang pagkakasara ng pinto sa banda niya. Sinabi ko iyon sa kanya kaya binuksan niya at muling sinara. Napailing ako nang pilit niyang tinatanggal ang lipstick na nilagay ko.
"Hindi ka naman pagkakamalang bakla kaya ayos lang yan," sambit ko pa sa kanya.
Ian's POV
"Mauna na ako," paalam ko sa mga naiwan pang professor sa faculty.
'Yung dalawang 'yun! Sinabi ko sa kanila na pumunta rito sa office, pero ni anino nila ay wala akong nakita.
Sa maghapon ay tatlo lang ang subject na papasukan ko. Alas 2 pa lang, pero pwede na akong umuwi dahil wala naman na akong klaseng papasukan. Ang mga klase lang talaga ni Mrs. Sande ang papasukan ko, but if the dean wants to give me another subject to handle, then that's fine for me.
"Naging maayos ba?" Tanong ko agad nang sagutin ni Jhodel ang tawag ko. Tungkol iyon sa meeting niya sa mga aangkat ng mga bulaklak, malapit nanaman kasi ang paghaharvest ng mga bulaklak.
"Of course. Huwag kang mag-aalala, maayos ang naging pag-uusap namin," sambit nito.
"Good," sambit ko at pinatay na ang tawag. Nang marating ko ang kotse ko ay sasakay na sana ako, pero natigilan ako sa pagbukas, pero sumara rin na isang pamilyar na kotse.
It was tinted, so I couldn't see who was inside, but since that car belonged to Roi, it must have been him. But if that's him, why is he here? Wala na ba itong klase?
Imbes na buksan ang pinto ng kotse ko ay tumungo ako sa kotse niya. Kumatok ako, hindi pa agad iyon nabuksan. Kinatok ko ulit at mas nilakasan ko ang pagkatok at sinamahan pa ng paghila para sana buksan ang pinto.
Tumigil ako nang unti-unting nabuksan ang bintana.
"Wala ka bang klase--" Lumipat ang tingin ko sa nakaupo sa passenger seat. Nakalimutan ko kung anong sasabihin ko nang makita ko kung sino ang nandoon.
It's Latina, and now she is busy putting lipstick on her lips. Kumunot ang noo ko at napasulyap kay Roi nang makita ko na may lipstick pa ang labi. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman ang ginawa nila at iniisip ko pa lang ay parang gusto ko na siyang hilahin at pasakayin sa kotse ko.
"Tito, wala ang sunod na professor namin." Roi said, pero hindi ko siya pinansin.
Napasin ko ang pagkatigil ni Latina bago sulyapan ako. When I saw her panicking, I couldn't help but laugh in my mind. Pagkatapos niya ako pangitiin kanina?
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila nang seryoso.
"Ihahatid ko lang si Carrie," sambit naman agad ni Roi.
"Walang aalis. Binutas mo ang kotse ng pinsan mo, Roi, so it's better to wait him. Sabay na kayong umuwi," sambit ko agad.
Tinignan ako ni Roi na animo'y hindi sang-ayon sa gusto ko.
"He can commute, Tito. Matanda na siya," sambit pa nito.
"Gusto mo bang makita ang gamit mo sa labas ng bahay?" Tanong ko.
"Tito--"
"Mag cocommute na lang ako, Roi. Bukas mo na lang ako ihatid," sambit ni Latina at ngumiti pa kay Roi.
Mas lalong kumulo ang dugo ko. Damn! Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?
"But, Carrie--"
Hindi na niya pinatapos si Roi nang lumabas na ito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Roi bago tuluyang lumabas sa kotse.
"Tawagan mo ako kung nakarating ka na," pahabol pa ni Roi kay Latina. Kumaway lang si Latina at naglakad na paalis.
Tinaasan ko ng kilay si Roi kaya nakasimangot itong kinuha ang phone. Mukhang tatawagan niya si Chester.
"Mauna na ako. Sabay kayong umuwi ni Chester," sambit ko sa kanya.
"Fine, Tito." He said.
Naglakad ako papasok sa kotse at pinaandar iyon. Nang makalabas sa gate ay nakita ko si Latina na nakaupo sa waiting shed at naghihintay ng masasakyan.
Lalagpasan ko lang sana siya, dahil sa inis na nararamdaman, pero nang maalalang naka skirt lang ito ng maikli ay naisip ko baka mabastos ito.
Carrie's POV
May tumigil na kotse sa harap ko. Hindi ko sana iyon papansinin, pero bumaba ang bintana nito at nakita ko si Ian, I mean Sir Ian.
"Pasok," sambit nito ng hindi tumitingin sa'kin.
Inirapan ko siya at hindi siya pinansin.
"I said, pasok, Latina," pag-uulit nito at ngayon ay nakatingin na ito sa'kin ng masama. Did I do something wrong? Bakit ganoon siya nakatingin?
"Ayoko. Baka makita tayo ng mga pamangkin mo," sambit ko sa kanya at binuksan na lang ang phone ko.
Muli akong napasulyap nang bumukas ang pinto.
"Teka, 'yung gamit ko," sambit ko nang hinila niya ako at pinasakay sa passenger seat. "'Yung gamit ko!" Inis na sambit ko pa.
He just gave me serious look bago binalikan ang ilang gamit ko na naiwan sa inuupuan ko kanina.
Pagpasok nito sa driver seat ay padabog niyang ibinigay sa'kin ang ang libro ko.
"Anong problema mo?" Inis na sambit ko.
Hindi ito nagsalita at nagsimula lang sa pagdadrive.
"Ano ba! Kidnapping 'to!" Bulyaw ko pa. Sinulyapan niya ako at nananatili doon ang masamang tingin.
"Ibang klase ka rin no?" Sambit nito at mabilis na ginilid ang kotse niya. Muntik pa akong mauntog, buti na lang at mabilis ang kamay niya na hinarang ito.
"Hindi ko naman sinabi na pasakayin mo ako! Kung labag naman sayo na ihatid ako, kayang-kaya kong mag commute!" Bulyaw ko agad sa kanya.
Napatalon ako sa gulat nang tapikin nito ng malakas ang manobela.
"Sa tingin mo ba laro lang ang ginawa natin sa isla?" Galit na sambit nito kaya nakagat ko ang labi ko.
Napaiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nang buksan niya ang tungkol sa isla. Of course, not! Hindi iyon laro. Ni hindi nga ako makatulog tuwing naalala ko 'yun. Ni kahit na lasing ako noong gabing iyon ay hindi ko iyon nakalimutan! Paulit-ulit iyon sa isip ko.
"L-Let's just forget that. Mali ang nangyare noon at ang tamang gawin ay kalimutan 'yun," sambit ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Kalimutan?" Natawa ito. "That's your f*****g first, Latina, pero gusto mong kalimutan?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
Tinignan ko siya, and this time ako naman ang tumingin ng masama sa kanya.
"Then what do you want me to do!?" Inis na bulyaw ko na.
Ian's POV
Natigilan ako nang tanungin niya iyon. Pati ako ay hindi rin alam ang sagot. I should be happy, right? Na hindi niya ako hinahabol. Na hindi niya sinasabi na panindigan ko siya. That I still enjoy being a single, pero bakit parang mas gusto ko na maghabol siya? Na panindigan ko siya?
Galit ako sa nangyare kanina, lalo na noong makita ko na may lipstick sa labi ng pamangkin ko at siya ang kasama nito. Naghalikan sila.
Napapikit ako nang muling nag play sa isip ko ang posibleng nangyare.
"What? Bakit hindi ka makapagsalita ngayon? Sabihin mo kung anong gagawin ko dahil sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ko alam, Ian. Turuan mo ako, tutal ay professor naman kita. All I know is that what happened on that island should be forever there. Why? Because it's f*****g wrong! Iniwan kita roon pagkatapos nang nangyare dahil gusto ko na iwan rin doon ang ala-alang 'yun. Pagkakamali 'yun! Gawa lang 'yun ng alak!"
Seryoso akong tumingin sa kanya. Nanghina ako nang marinig ang sinabi niya
"Gawa ng alak? Iwan doon ang ala-alang 'yun? So are you saying na hindi mo kagustuhan ang nangyare? Na pinagsisisihan mo 'yun?" Seryosong tanong ko.
And when she nodded, napapikit ako.
"Leave my nephew. It's better to stop them from courting you. Pangit tignan na nililigawan ka nila pagkatapos ng nangyare sa'tin," sambit ko at pinaandar na ang kotse.
Tahimik kami. Wala akong planong magsalita, pero hindi naman pwede iyon dahil kailangan kong malaman kung saan ko siya ihahatid.
Imigting ang panga ko nang sabihin nito na sa bahay ng kaibigan niya siya magpapahatid. Kaibigan? Lalake? Tsk!