Ian's POV "Maupo ka na lang diyan, Gio." Pang-aasar ni Roi kay Gio nang maipasok ulit ni Roi ang isang bola. "Huwag kang masyadong mayabang, Laurente," sambit naman ni Gio habang prenteng nakaupo sa upuan niya. "Ako lang ba? Bakit parang determinado naman atang talunin ni Roi si Gio? At nawala pa ang pagtawag nito ng Kuya." It's Jhodel. Yes, Gio is older than Roi, pero nakakapagtaka nga na hindi nito ito tinatawag na kuya ngayon. "Gio is courting Carrie, that is the reason why," sambit ni Chester, mukhang narinig nito ang usapan namin ni Jhodel. "Woah! Malakas talaga ang kamandag ni Carrie, 'diba Ian?" Narinig ko ang pang-aasar ni Jhodel sa'kin. Imbes na magsalita pa ay tinuon ko na lang ang panonood. It's about Latina again. Bakit sa lahat na lang ng lugar ay maririnig ko ang panga

