“Can we talk about us?” “Yeah, but not now. Matutulog muna ako, I’ll inform you na lang kung kailan tayo puwedeng mag-usap,” wika ko dito matapos ang ilang sandali. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya bago magsalita. “Okay. Sleep well,” sabi pa nito using his deep voice. Hindi ako nagsalita at agad na lang na in-end ang tawag. Inilapag ko ang cellphone sa side table saka huminga muli sa kama, pumikit ako at binalot ang sarili ng kumot hanggang sa tuluyan akong makatulog. I’m still working on night shift kaya nang magising ako ng around 6 P.M ay agad akong kumilos at lumabas ng kuwarto. Wala na akong malinis na damit sa bahay nila Honey kaya uuwi muna ako sa condo ko para doon na maligo at kumuha ng mga malilinis na damit. Gulo-gulo pa ang buhok ko

