Mabilis akong nag-shower at nagsuot ng plain v-neck white shirt saka ripped jeans na denim. Tinernuhan ko ito ng sneakers saka backpack kung saan nakalagay ang spare of clothes, laptop, toiletries at makeup pouch ko at sling bag kung saan nakalagay ang wallet and phone ko. Nag-apply din muna ako ng skin care products at nang masiguro na wala na akong nakalimutan ay agad akong lumabas ng unit ko matapos masiguro nan aka-unplug ang mga saksakan at nakapatay ang mga ilaw. Pagbaba ko sa basement parking lot ay nandoon na si Clyden, nakasandal sa hood ng sa tingin ko ay bago nitong sasakyan. It’s the freaking BMW convertible car at kahit na hindi namin napag-usapan ay alam kong ipagpipilitan nito na siya ang magda-drive at gamitin iyon at dahil medyo whipped ako sa kanya ay wala akong magag

