Huminga ako ng malalim saka tinignan ang oras mula sa cellphone ko, 3:20 A.M. Muli akong napatingin sa nakasarang pinto na nasa harapan ko—ang pinto ng unit ni Clyden. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo dito, nagdadalawang-isip kung kakatok ba ako o i-e-enter na lang ang code saka dire-diretsong papasok na para bang walang nangyari. Ngunit hindi kaya ng konsensya ko na gawin ang pangalawa kong naiisip kaya heto ako at nangangalay na ang mga paa dahil kanina pa talaga ako nakatayo. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Honey ay mas naliwanagan ako at ang lahat ng bumabagabag sa isipan ko ay parang bula na biglang naglaho. Bigla ko rin napagtanto ang ginagawa nilang pag-a-adjust para sa akin kaya bakit hindi ko magawang mag-adjust para sa kanila? Masyado akong naging foc

