“Magpahinga ka na anak, kami na ang magbabantay sa Mama mo.” “Okay lang po ako, Papa,” mabilis na sagot ko dito at tipid na ngumiti. Napabuntong hininga naman siya sa sagot ko at seryoso ako na tinignan. Kasalukuyan kaming nakaupo sa gilid kung nasaan ang casket ni Mama. Maliwanag na ang kalangitan ngunit kami lang dalawa ni Papa ang nandito ngayon dahil na rin sa nagpahinga na ang iba kong kasama nang magdamag. Tahimik na rin ang buong paligid hindi katulad kanina na medyo maingay dahil sa iilang bisita na nagkukuwentuhan. Dito sa loob ng bahay naisipan ni Papa na iburol si Mama para na rin makapunta ang iba naming kamag-anak. “Pero hindi ka pa nakakatulog simula ng dumating ka dito at tatlong araw na ang nakalilipas,” sabi pa ni Papa. Tipid na nginitian ko lamang ito at

