“Good morning, Dr. Smith!” Magkatabi kami na nakaupo ni Dr. Martinez sa harapan ng computer sa nurse station at kasalukuyan na nag-o-organize ng chart nang bigla itong magsalita ng malakas. Mabilis na nag-angat naman ako ng tingin at nakita ang fresh na fresh na si Cody. Nakasuot ito ng scrub na siyang pinatungan niya ng white coat, batok nito ang stethoscope at nakalagay naman ang mga kamay sa dalawang bulsa ng coat niya. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito na halatang bagong shower at malapad ang pagkakangiti na naglalakad palapit sa amin. Nilingon ko si Dr. Martinez at nakita na nakangiti itong pinapanood ang paglapit ni Cody, hindi ko mapigilan ang mapailing saka ibinalik na lamang ang tingin sa computer. Simula ng malaman kong may gusto siya kay Cody ay hindi ko mapigilan n

