JEFF'S POV Ang plano ko na pumasok sa trabaho ay hindi na nangyari. Umabot kasi kami ng umaga na. Kaya tanghali na ay mahimbing pa rin ang tulog ng langga ko. Hinalikan ko siya at bumangon na ako para umuwi muna sa unit ko. Nakasalubong ko si Hanna at nakakapaglakad na ito pero paika-ika pa. "Jeff, bakit hindi kana bumalik kagabi?" Tanong niya sa akin. "Kasama ko si Bea. Bakit ikaw lang nasaan si Ara?" Tanong ko sa kanya. "Pinauwi ko na siya hindi ko na siya kailangan. Nakakainis naman siya napakabagal niya." "Okay, then hanap ka na lang ng makakasama mo. And please Hanna 'wag mo na akong hahawakan o kung ano man dahil ayoko na magselos si Bea." Pagbigay alam ko sa kanya. "Bakit ba sobra mo siyang sinusunod?" Naiinis na tanong niya sa akin. "Dahil mahal na mahal ko siya." Sagot k

