BEA'S POV Nagising ako na nasa ospital na ako. Hindi ko maalala kung ano ba ang nangyari sa akin. Bumungad sa akin si inay at ang lalaking mabalbas. Hindi ko siya pinansin at si inay ang kinausap ko. Natawa pa ako ng sabihin sa akin na asawa ko raw 'yong lalaki na 'yon. Ayoko, ayoko talaga dahil si Jeff lang talaga ang gusto kong maging asawa. Matagal ko na kasing gusto si Jeff sobrang crush ko talaga siya. Nakaramdam rin ako ng matinding kirot sa tiyan ko. Sinabi ni inay na sumailalim daw ako sa operasyon. Naiilang na ako dahil hindi pa rin umaalis 'yong lalaki. Naisip ko pa na baka naman jowa ni inay. Pero bakit may iba akong nararamdan sa bawat tingin niya sa akin. Hindi naman nakakabastos ang tingin niya pero para akong hinihigop ng tingin niya. Ang bilis din ng t*bok ng puso ko.

