BEA'S POV Pagkatapos nang appointment namin sa OB ay dumiretso na kami sa office ni papa. Binati ko si Jackson ng makasalubong ko siya. Pero 'yong asawa ko naman ay bigla na namang kumuno't ang noo. Kaya sinabihan ko siya. "Daddy, bakit ganyan noo mo? Sige ka tatanda ka niyan lampas kapa naman sa calendar." "Tssk. Lampas man ako sa calendar nakabuo naman ako hindi lang isa kundi tatlo pa." Pagmamayabang nito. Tumawa naman ako kaya lalo nagka salubong ang kilay nito. "Ang gwapo mo kapag suplado ka sa akin. Smile kana diyan friend ko lang 'yon si Jackson. Mabait kasi siya taga-hatid lagi ng meryenda ko," sabi ko sa kanya. Buong akala ko okay na pero mali yata kasi inirapan ako. "Ito naman dapat magthank you ka sa kanya kasi inaalagaan niya ako dito. Seloso mo naman! Diyan kana nga!"

