BEA'S POV Nagising ako nang bandang alas onse nang gabi dahil tumunog ang phone ko si Chelsea tumawag sa akin. "H-hello Chels," inaantok na sagot ko sa phone ko. "Hello friend, puwede mo ba i-check ang condo ko? Para kasing may nakalimutan akong i-off kanina." Saad sa akin ni Chelsea. "Okay sige, baba ako ingat ka sa pagda-drive." Sabi ko sa kanya. "Thank you so much, friend. Dalhan na lang kita pasalubong galing kay mom, love you." "Love you din, friend." balik na sabi ko sa kanya. Umuwi kasi ito sa bahay ng mom niya kaya bababa muna ako para tingnan ang unit niya. Alam ko naman ang passcode kaya walang problema. Lumabas ako sa unit ko at sumakay sa elevator pababa. Sa totoo lang inaantok pa talaga ako. Kaya pakapikit pa ako ngayon nang makarating ako sa unit niya ay sinilip ko

