BEA'S POV Maaga akong nagising dahil may pasok ako ngayon. Six pa lang ng umaga, kasalukuyan akong naghihintay akong bumukas ang elevator. Kinuha ko muna ang phone ko dahil sabay kami ngayon ni Chelsea.Tumunog ang elevator hudyat na may lalabas. Pareho kaming nagulat ni Jeff hindi ko inakala na dito siya nakatira. Basang-basa ito dahil mukhang kakagaling lang sa pagjogging. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko ito nang pilit lang kasi hindi naman kami close. "Good morning, have a safe flight Langga," saad niya sabay takbo paalis. Ano daw Langga? Nakalanghap ba 'yon ng alikabok sa labas? Nababaliw na yata. Sumakay na ako sa elevator at sakto paglabas ko ay nandiyan na si Chelsea. "Good morning, friend. Bakit parang biyernes santo ang mukha mo?" Tanong nito sa akin. "Good morning rin

