Ara's POV
Naikwento sakin ni Mika yung text niya kay Chel, grabe yung iniyak niya nung gabing yun. Gustong gusto ko na nga sunduin si Chel at dalhin sila sa malayo para lang maging masaya na si Mika eh. Masokista lang hahaha.
Nasa office ako ngayon dito sa grill, syempre dapat hands-on ako sa business ko tapos kami na magmamanage ni Mika... ay hahaha. Bago yun kailangan pala munang mapana ang puso niya hahaha.
*Ting
Lablab
From: Bansot :(
To: Ano problema Ye?
From: Nalulungkot ako :(
Vocal na siya sa mga nararamdaman niya, gaya niyan pag nalulungkot siya tapos pag namimiss niya si Rad, sinasabi niya sakin. Anything na nararamdaman niya ultimo pag natatae na siya sinasabi niya pa. HAHAHAHA. Hindi naman ako nagmamadali, she should take her time para wala ng sabit sa future haha.
Lablab
To: Ikain mo nalang yan.
From: So busy, can't go out.
Wait back to work na mehh!
Pagkaen lang naman katapat ng taong yun, hindi ko naman siya matitiis nakoo. Iniwan ko muna ang grill at bumili ng pagkaen para sa kanya. Nang makarating na ako sa school ay pinaabot ko nalang ang binili ko sa guard at sinabing ibigay kay Mika.
Nang makarating ako sa grill ay agad kong chineck ang phone ko. Walang text message pero merong notification from twitter.
She tweeted: You can't buy happiness but you can buy donuts and that's kind of the same thing ❤️Waaaah! Thank you. #HappyTummy
Bigla namang tumawag si Mika kaya't sinagot ko naman ito agad.
Mika: Thank youuuuu!
Ara: Kainin mo na yan, haha. Malungkot ka pa ba?
Mika: Hahaha! Alam mo na sagot jan.
Ara: Masiba ka talaga, mamigay ka jan!
Mika: Oo naman haha sige na thank you ulit! Bye!
Iba talaga ang epekto ng donut sa babaeng yun, isang donut lang masaya na siya kaya binilhan ko ng isang buo para sobrang saya niya na hahahah.
Mika's POV
Busy ako sa kung ano man ginagawa ko ng lumapit si manong guard sa akin at nag abot ng isang box ng donut. Nakita ko namang may note na nakadikit dito.
Daks,
A donut a day, keeps the badtrip away. Pero ingat sa diabetes! Hahaha! Share your blessings.
GandAra
Aww napakathoughtful naman ng bestfriend ko.
Cha: Nice, from your admirer?
Mika: Ay hindi, galing kay Ara yung bestfriend ko.
Cha: Ang sweet naman niya.
Mika: May saltik lang yun hahah. Kuha ka :)
Cha: Ay hindi na asdfhjksdflh
Isinalpak ko lang naman yung isang buong donut sa bibig niya haha dami pang daldal eh.
Sinamaan niya lang ako ng tingin bahala siya jan haha.
For the first time, ngayon lang ulit ako magpopost after our break up. Nang makapagpost ako ay tinawagan ko na si Ara para makapagpasalamat. After ko tumawag ay pumunta ako kay ate Mich at binigyan siya. Pagbalik ko sa room namin ay nakabusangot pa din si Charleen.
Mika: Uyy sorry na.
Cha: Ewan ko sa'yo. Humanap ka kausap mo.
Mika: Aww sorry na wag ka na magalit oh.
Kumuha ako ng donut at nilagay sa platito, naglagay nalang din ako ng note.
Pag abot ko naman sa kanya ng note at donut ay napangiti naman siya.
Cha: Havey! Haha Donut be sad.
Mika: Haha happy eating.
Nang matapos na ang trabaho ko ay saktong papunta na ang kambal para sunduin ako.
Cienne: Mika! Your baby is back :)
Mika: Seryosooooo?!
Cams: Yep. Nasa bahay na siya ngayon :)
Mika: Oh my!! Lezgoo naaaa!
Nang makarating kami sa bahay ay agad kong hinanap ang baby ko.
Mika: Babbyyyyyy!!
Ara: Uyy Ye, anjan ka na pala :)
Agad agad ko namang niyakap ang baby ko, jusko miss na miss ko na to.
Ara: Para kang bata jan Ye.
Mika: Bakit ba namiss ko to.
Di ko parin siya binitawan at hinalik halikan ko pa.
Ara: Tara :)
Mika: Saan?
Ara: Gamitin na natin yang baby mo. Tagal ko ng hindi nakasakay sa motor mo noh hahaha.
Mika: San niyo ba kinuha tong baby ko?
Ara: Hahaha, nanjan lang naman talaga siya Ye, may nasira lang si ate Kimmy and ngayon lang namin naalala hahaha.
Mika: Tara :) Kapit ka maigi ha.
Pinaandar ko na ang baby ko. Namiss ko to sobra.
Ara's POV
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Mika, ang alam ko lang nag-eenjoy ako haha. Syempre, sakanya ako nakakapit eh, nakayakap rather hahaha, chansing.
Dinala niya ako sa Rizal Park.
Ara: Ye, bakit dito tayo pumunta?
Mika: Just enjoy the show :)
Maya maya pa ay nagsimula na ang show na sinasabi niya. Isang fountain show kung saan may iba't ibang kulay ng ilaw na nagsisilbing kulay ng tubig at iba pa. Well hindi ko maipaliwanag, ang alam ko lang sobrang nakakarelax.
Napatingin ako kay Mika, nakita kong nagpipigil siya ng luha. Siguro naalala nanaman niya si Chel.
Ara: Ye, wait lang ha.
Tumungo lang siya. Sa di kalayuan ay nakakita ako ng pwedeng ibigay sakanya.
Ara: Kuya, magkano to lahat?
Tindero: Ay mam, 100 lang po.
Ara: Sige kuya eto bayad ko oh. May bolpen ka ba jan kuya atsaka papel? Kahit yung maliit lang?
Tindero: Eto po mam.
Nagsulat ako ng maikling note para kay Mika. Bumalik na ako at agad agad kong inabot ang binili ko sa kanya.
Mika: Ano to?
Ara: Ano ba yan?
Mika: Bakit may ganto?
Ara: Basahin mo kasi yung note, nang hindi ka nagtatanong jan.
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Hahaha. Napakaobvious naman kasi ng tanong niya. Parang adik. Nagpost nalang ako sa twitter
I'm glad na sa simpleng ginagawa ko ay natutulungan ko siya. Simple lang naman ang nakalagay sa note:
Here's a balloon to lift your spirit up :)
Mika: Salamat daks, nag uumapaw na saya meron ngayong araw haha.
Ara: Wala yun, ikaw pa ba? :)
Mika: Goodnight :*
She kissed my forehead at nagtungo na siya sa kwarto niya. Nang makahiga na ako, muli akong nagcheck ng twitter
Napatakip nalang ako ng unan at nagsisisisgaw. Gago kinilig ako.