Ara's POV Sa bawat umaga na nagigising ako, pabigat lang ng pabigat ang nararamdaman ko. Miss na miss ko na si Mika. Miss ka na ang mga halik niya. Ang mga yakap niya. Ang mga ngiti niya. Ang presensya niya. Lahat lahat sa kanya miss na miss ko na. Lahat ng pinadala ko sa kanya tinapon niya lang ayon kay Chel. Sa ilang beses ko pagpunta sa condo ni ate Cha ay laging lasing na Mika lang ang maihaharap nila sa akin kaya't hindi ko na tinutuloy ang pagkausap sa kanya. Ara: Baby, babalik naman si mama Mika diba? Galit ka din ba sakin? Wala na akong makausap sa bahay na to. Halos lahat sila hindi lumalabas ng kwarto o di kaya madaming ginagawa. Pero ramdam ko naman na may galit sila sakin dahil sa nangyari samin ni Mika. Hindi ko naman talaga ginusto yun eh. Iba naman kasi pagkakakilal

