Chapter 1

1122 Words
Mika's POV Nagising ako sa amoy ng niluluto ng mahal kong reyna. Nagtoothbrush muna ako bago dumiretso sa kusina ng condo namin. Mika: Baaaaabe! Rad: Hi babe. Goodmorning. Niyakap ko siya mula sa likod at pinanood lang ang pagluluto niya. Mika: Happy 2nd anniversary babe. I planted a sweet kiss on her lips. Rad: Happy Anniversary din babe. Mika: So ilang rounds tayo mamaya? Aray babe masakit. Piningot ba naman niya ako. Ang sakit kaya! Napakamapanakit ng mahal ko. Naupo na muna ako sa may upuan habang hinihintay yung niluluto niya. Rad: Kumain ka na jan. Mika: Hindi ba pwedeng ikaw na lang breakfast ko? Lumipad naman ang hawak niyang pot holder, buti na lang at hindi yung spatula binato niya. Mika: Joke lang babe. Sabay na tayo, subuan mo ako :) Rad: Baby damulag. Mika: Love you :) Hinila ko naman siya at pinaupo sa kandungan ko nang maihain niya ang pagkain nami at muli ko siyang hinalikan sa labi. Busog na ata ako haha. Nang makapag-ayos na ako lahat lahat ay pumasok na ako ng school at ginawa ang daily routine. Tinawagan ko si Rad nang makatapos ako kumain ng lunch. Mika: Hi babeeeeee. Rad: Babeee! Miss you! Mika: Wow babe, so obsess with me? Magkasama naman tayo araw araw ah at magkasama lang tayo kanina. Rad: But wala naman tayong quality time eh. I can feel the sadness in her tone. Pagod na din kasi kami parehas mula sa work at minsan na lang kami makapagdate kaya naiintindihan ko siya. Mika: Quality time nga ba o ano? Rad: Reyes! Ang halay mo! Haha, napakamahiyain naman talaga ng girlfriend ko oh. Pero ayoko naman din kasing nalulungkot siya kaya pinapagaan ko na lang din ang atmosphere between us. Mika: Hahaha, yaan mo mamaya babe. Kahit ilang rounds pa. Rad: Baaaaabe! Hahaha alam ko namumula na to ngayon. Mika: Joke lang. I love you. Rad: I love you more. Behave ka jan okay? Mika: Naman! I'll pick you up at 6 pm sharp, don't be late kung ayaw mong madagdagan rounds mamaya. HAHAHAH. Rad: Baaaaaabe! Mika: Haha! Lunch break's over. See you later. Rad: Bye babe. *tok tok Nagising ako sa aking napakagandang panaginip. It's been a year mula nung iniwan niya ako, pero dito pa din ako tumutuloy sa condo namin. Bumili ako nung ginagamit niyang pabango at iniispray sa sulok ng condo na to dahil hindi ko matanggap na iniwan niya ako. Iniwan ako ng mahal ko. "Mika" Mika: Carol.. Niyakap ko si Carol, siya lang ang nakakaalamm ng nangyari dahil alam kong siya lang din ang makakaintindi sakin, ang effort naman. Carol: Ye, Mika: Wala bang jetlag? Carol: Wala naman, kamusta? Mika: Monthsary sana namin ngayon Carol. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak. Mahal ko eh. Mahal na mahal ko. Carol: Ye, isang taon ka na din hindi nagpaparamdam sa kanila. Mika: Carol pano ka nakamove on? Carol: Tinanggap ko Ye, oo masakit pero yun yung dapat kasi nakita kong mas okay yung normal na buhay para sa kanya. Nakikita ko naman din na masaya siya. Mika: Pero wala naman akong nabalitaan na bago niya ngayon Carol. Bakit ganun? Ano ba to? Challenge? Carol: Hindi ko alam Ye, hindi naman ako si Rachel eh. Mika: Tang ina Carol. Ang sakit pa din, ang sakit sakit. Our relationship lasted for 3 years and 2 months. Ngayong araw sana ang pang 4 years and 2 months namin. Carol: Ye, wag mo ikulong sarili mo dito. Dun nalang tayo sa manila. Atleast dun maaasikaso kita. Pinabayaan mo na lahat ng meron ka eh. Tignan mo namayat ka na. Pano ka babalikan kung hindi ka na kasing pogi ng dati? Mika: Wag ka na nga paasa Carol. Carol: Halika na. Mag-ayos na tayo. Pero imbis na tumulong ay humiga ako sa kama namin at inamoy ang unan niya na may pabango pa niya. Puta naiyak nanaman ako, binalot ng pag hikbi ko ang kwarto namin. Miss na miss ko si Rad. Miss na miss ko na si queeny. Miss na miss ko na ang mahal ko. "Babe" Lumingon ako agad, nababaliw na ata ako. Akala ko andito siya, akala ko babalikan niya ako. Akala ko tinawag niya ako. Guni guni ko lang pala. "Mika" Napatingin ako agad sa pinto ng kwarto ko, bakit siya andito? Binuka niya ang kanyang bisig, tumayo ako at niyakap siya. Mika: Daks, ang sakit sakit. Ang sakit sakit. Ara: Iuuwi na kita sa Manila Ye. Niyakap niya ako ng mas mahigpit namiss ko din ang bestfriend ko. Mika: Ba...kit ka an..di.to? Ara: Alam ko may mali Ye, you stopped tweeting about each other, since then ay nawawala si Carol every 24th of the month. Kaya pinilit ko siya magsalita. Mika: I'm sorry. Ara: You could always count on me Ye. Ilang beses ko ba dapat sabihin yun? Mika: Sorry talaga. Ara: Tatanggapin ko lang ang sorry mo kung magliligpit ka na. Bukas na bukas ay aalis na tayo dito. Tumango nalang ako at kahit nanlalambot ang tuhod ko ay tumulong na ako sa pag lilinis. Habang nililinis ko ang mga pictures namin ay naiyak nanaman ako. Lagi nalang ba? Akala ko sa'yo natagpuan Pag-ibig na walang hanggan Ang ating pagsasama Pinaglaruan ng tadhana Kinuha ko ang picture frame at pinunasan ito. :') Eto yung ang bibo bibo namin maging fangirl at nakapagpapicture pa kami kay ms Gabi. Pero ngayon sa kanya lang ako nakatingin. Ang ganda talaga ng mahal ko. Kahit pa Ako'y bahagi na lamang Ng nakaraan mo Andito lang ako sa'yo Hanggang kailan aasa? Hanggang kailan magdurusa? Hanggang kailan? Hanggang kailan? Nakita ko nanaman yung cutie niyang picture, college pa ata siya neto pinunasan ko ito hinalikan. Syempre pinunasan ko ulit. Hanggang kailan aasa? Hanggang kailan magdurusa? Hanggang kailan? Hanggang kailan? Sa bawat pag punas ko naman ay nababasa ito ulit. Pucha di ba mapapagod tong mata ko kakaiyak? Tanggap kong ako'y Muling masasaktan Pagdurusa sa piling Mo'y pagdaraanan Ramdam ko ang pagyakap mula sa likod ko, suot pa pala niya yung binili naming bracelet sa boracay. Ang tanging tanong ko lang Hanggang kailan? Batid kong hanggang dito na lang Kaya't pipiliting ika'y talikuran Ara: Stop crying daks. Mika: Napuwing lang. hehe. Ara: Patola ka. Ika'y aking lilimutin Hanggang kailan I tried my best para hindi na maiyak, ngumuya ngg bubblegum at kung ano ano. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko , I reached for my phone. Lagi ko naman siyang binabati every 24th. Hanggang kailan aasa? Hanggang kailan magdurusa? Hanggang kailan? Hanggang kailan? To: My Queen Babe ❤️ Happy 50th month babeeee! I love you! ❤️ I still do. Hanggang kailan aasa? At muling pumatak ang luha ko. Sige pa iyak pa, mawawala din lahat ng sakit Mika, mawawala din 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD