Chapter 18

1093 Words
Mika's POV Kim: Si Ara naaksidente! Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi ni Kim. Paano naman maaaksidente si Ara? Mika: Ano? Paano naaksidente? San ba siya papunta? Kim: Ewan ko pero mukhang pauwi dito. Napaisip ako bakit naman siya uuwi dito? Bigla ko naman naalala mga pinagsasasabi ko. Mika: Asan siya? Tara na! Agad agad naman kaming pumunta ni Kim at ate Cyd kung nasaan si Ara. Pagdating namin ay nasa Operating Room na siya. Doc: Kayo ho ba ang pamilya? Mika: Mga kaibigan niya po kami doc. Doc: Hindi maganda ang tama ng kaibigan niyo pero gagawin namin ang lahat. Muling pumasok ang doctor at napaupo nalang ako sa sahig. Walang dapat ibang sisihin dito kundi ako. Kasalanan ko lahat ito. Kim: Ye. Mika: Kim kasalanan ko 'to eh. Tang ina bakit ko ba siya pinauwi. Cyd: Bakit nga ba? Mika: Hahaha, coz your cousin is getting married. She's f*****g getting married! Napayuko naman siya. Mika: Alam mo noh?! Bakit ba hindi nalang kayo naging totoo sakin?! Sana sinabi niyo agad! Kung hindi pa ako niyaya ni Charleen sa engagement ng ex niya hindi ko pa malalaman na ikakasal na siya! Cyd: Sa ibang araw na natin yan pag-usapan Mika, si Ara ang mahalaga ngayon. Mika: Kung sinabi niyo sana ng maaga edi sana hindi ko siya kailangan pauwi. Tang ina naman! Kim: Ye wag mo na sisihin ang sarili mo. Mika: Hindi Kim, kasalanan ko to eh. Ako ang dahilan bakit siya umuwi. Kung hindi ko siya pinauwi edi sana hindi siya naaksidente. Kim: Stop blaming yourself. Wala na andyan na, wala naman na tayong ibang magagawa kundi maghintay at magdasal na sana ligtas siya. Lumabas muna ako at buti na lang may open field malapit sa hospital at nagsisisigaw. "Tang inaaaaa! Bakit ba lagi na lang ako?! Bakit ba nawawala lagi yung mga taong pinapahalagahan kooooo?!" "Nagbago naman na ako! Shiittttt!" Ilan lang yan sa mga isinigaw ko sa kawalan. Bakit ba ganito. Ang unfair naman ng buhay, ako na lang yung pahirapan wag na si Ara. Ako yung kunin wag siya. Bumalik ako sa may labas ng OR at nakitang tulog na si Kim at Cyd. Tinawagan ko naman ang mommy ni Ara at sinabi ang nangyari. Sinabi kong umaga nalang sila umalis at baka kung mapaano pa sila. Nagpalakad lakad lang ako dito habang naghihintay ng kung ano mang sasabihin ng doctor. Sana ligtas siya, hindi ko kakayanin kung pati siya mawawala sa akin. Ilang oras din ang lumipas bago lumabas ang doctor at nagising din sila Kim. Doctor: The patient is safe but we can't assure you kung kailan siya gigising. Mika: What do you mean doc? Doc: She's in coma. I'm sorry. Yinakap naman ako ni Kim at Cyd dahil sa pagsuntok ko sa pader. s**t s**t s**t! Yan na lang ang nasabi ko. Nailipat na si Ara sa kwarto niya. Agad naman akong umupo sa tabi niya. Mika: Daks, I'm sorry. Kasalanan ko kung bakit ka nakahiga ngayon jan eh. Palit nalang tayo. Ako jan ikaw dito, total ako naman yung may problema eh. "Ay naku iha kung naririnig ka ngayon ni Ara baka nabatukan ka na." Mika: Mommy. Tumayo ako at niyakap siya. Ganun ako ka-welcome sa bahay nila at mommy na ang tawag ko sa mommy niya. Mommy: Anak, wag mo na sisihin ang sarili mo. Hindi naman ikaw ang nakabunggo eh. Mika:  Pero mommy ako po ang dahilan kung bakit siya umuwi. Kuya Djun: Ye, ligtas naman na si Ara diba? Yun nga lang magbeauty rest muna siya. Yaan mo na, sobrang stress din sa trabaho eh. Mika: Kuya sorry. Mommy: Stop saying sorry anak, walang magagawa yan. Alagaan na lang natin si Ara. Mika: Sorry po talaga mommy. Para akong batang nasugatan at nag-iiiyak iyak sa nanay niya. Panay naman ang pag-alo sa akin ni mommy. Lumabas muna sila mommy para bumili ng lunch nila. Ako naman ay nakatingin lang kay Ara. Mika: Ara, daks gising ka na oh. Promise papakabait na ako. Naramdaman ko naman ang pagtapik sa akin. Si Camille pala. Cams: Kumain ka na ba Ye? Mika: Hindi pa, bumili pa sila mommy ng pagkain naman. Cams: Napadaan lang ako, nag aasikaso pa si Carol kasi sa shop. Si kambal papunta na din. Mika: Okay lang Cams. Ako nalang magbabantay dito. Cams: Ye, uwi ka muna tapos kuha ka gamit mo. Mika: Mamaya nalang pagkabalik nila mommy. Nang makabalik sila mommy ay kumain muna ako dahil ayoko naman mapagalitan. Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam muna ako na kukuha ng mga gamit ko. Balak ko mag leave ng kahit isang linggo muna. Malapit na ako sa pagliligpit ng marinig ko  ang pagtunog ng cellphone ko. Wow, ngayon pa niya naisipan tumawag. Sinagot ko naman ngunit hindi ako nagsalita agad. "Ye.." Mika: Bakit ka napatawag Rad? Rad: Pwede ba tayong mag-usap? Mika: Nagpapatawa ka ba? Rad: Nope. Seryoso ako. Mika: HAHAHA. Isang taon at kalahati na tayo hiwalay ngayon ka lang makikipag-usap? Dahil ano? Nandun ako sa engagement mo? Wag ka magpatawa please. Rad: Mika please listen to me. Mika: Not now Rad. Nasa ospital lang naman yung kaisa-isang tao na hindi ako iniwan. Puta tinawagan ko siya dahil you're getting married hahaha! Tang ina noh? Nakakagago. Rad: Ye... Mika: I'm hanging up. Bye. Ayoko maging cold sa kanya pero tama na.  I can't afford to lose Ara just because kailangan ko siya tuwing nasasaktan ako kay Rachel. Tama na. Agad akong bumalik sa hospital para bantayan si Ara dahil may business na inaasikaso sila mommy ay nagpresinta na ako na ako na magbabantay kay Ara at dumalaw nalang sa weekends. Pagkarating ko naman sa hospital ay nakita ko si Rachel, ano bang ginagawa niya dito. Cienne: Ye.. Mika: Hi Ara. May dala akong pizza. Yung favourite flavour mo. Gumising ka na jan kundi uubusin ko to. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Gumising ka na please. Rad: Mika, please talk to me. Mika: Not now Rad. I told you not now. Rad: Please. Pinahiran ko ang luhang tumutulo sa aking mata. Bakit ba hindi makaintindi ang mga tao ngayon. Ang gusto ko lang magising na si Ara. Yun lang ang gusto ko at dahil ayokong makipag usap sa kanya ay tinext ko nalang siya. Rad To:Wag ngayon, pag galing ni Ara saka tayo mag-uusap. From: Okay I understand. Nagulat naman ako nang lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa sentido. Ngunit wala akong ibang maramdaman kundi kalungkutan. Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa kama at umiyak. Ara gising ka na please.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD