Chapter 15

1359 Words
Ara's POV Kinakatok ko ngayon ang kwarto ni Yeye dahil usapan namin ay maaga kami aalis. Ara: Yeye! Yeye! Patuloy lang ako sa pagkatok, nakalock kasi ang pinto niya. Hahampasin ko na sana ng malakas ang pinto niya nang bumungad sakin ang isang wet look na Mika. Napalunok nalang ako, shet ang pogi. Mika: Laway mo tumutulo na. Sa kalutangan ko akmang papahidan ko ang aking labi ng bigla siyang tumawa. Mika: Tungaw, joke lang eh. Nagwapuhan ka nanaman sakin daks. Tsk. Ara: Hangin mo, tara na tara na tara na. Mika: Di halatang excited ka ano? Ara: Eh kasi ngayon ka lang pupunta dun na kasama ako. Sinabi kaya sakin ni mami na napunta ka noon dun. Mika: Hahaha, oh I remember, syempre inuna kong ligawan family mo haha. Pero hindi naman natigil pagpunta ko dun kahit naging kayo pa ni Shiela. Ara: Inuna mo pamilya ko , tignan mo tuloy kung nasan tayo. Bigla naman niyang ginulo ang buhok ko. Mika: Bulong ka ng bulong jan. Tara kumain na tayo. Ara: Pasan mo ko Ye. Mika: Hay nako, may magagawa pa ba ko? Oh sakay na. Ara: Wahaha, labyu bes. Mika: Style mo bulok. Humalik naman ako sa pisngi niya, bakit ba. Haha. Nagtungo naman kami sa kusina, wala pang pagkain dahil kami nalang ang nandito. Mika: Ano gusto mong pagkain? Ara: Magdrive thru nalang kaya tayo or dun na mismo kumain? Mika: Sige, ano ba gagamitin natin? Si baby ko or baby mo? Ara: Baby natin. Mika: Baby ano? Ara: Ah eh ano.. ano kasi ano.. baby ko nalang para hindi tayo mabilad sa araw, mejo malayo din ang byahe natin oh. Mika: Tara na :) Pumunta na kami sa pinakamalapit na Jollibee at kumain na. As usual yung order namin pang 5 tao haha. After namin kumain ay nag simula na din kami magbyahe. Nagpatugtog naman ako at sinabayan namin ni Mika ang mga tugtog. Bigla naman tumugtog yung kantang sad song ng we the kings. s**t lang bakit andito to, sino naglagay sa cellphone ko hahaha. Mika: Uyy yan yung kinanta ni queeny nung nagdate tayo with Shiela. Ara: Ok ka lang Ye? Lipat ko na ba? Mika: Sus, para sa'yo yan diba. Siya lang ang kumanta haha. Ara: Pano kaya kung nauna ka magconfess kay Shiela? Mika: Ewan ko, we never got to that point anyway. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang makahulugang ngiti. Ara: Sana sinabi mo ng mas maaga. Mika: Sana sinabi mo din yung about kay Shiela. Natahimik kami at pinakinggan nalang ang tugtog. Mika: Pero okay lang yun daks, haha. Masaya naman ako sa nangyari. Nagkaroon ako ng chance makasama si Rad for 3 years. Ara: Masaya ka talaga kay Chel noh? Napakamasokista ko talaga ano? Tinatanong ko pa yung mga bagay tungkol sa mahal ng mahal ko hahaha. Sakit pre. Mika: Masaya daks. Alam mo ba bonding namin? Dance battle, kaso never ako nanalo haha. Ara: Seryoso?! Eh ang galing mo kaya sumayaw nung nagpartner tayo sa may timezone! Mika: Seryoso, mas magaling siya sumayaw pero mas hot ako pag nasayaw hahaha! Ara: Oyy! Kayo ha! Mika: What?! Ikaw nga may pagnanasa sakin, yung ex-girlfriend ko pa kaya? HAHAHA. Pucha parang kinakarayom yung puso ko, hahaha. Ara: Oyy wala akong pagnanasa sa'yo! Mika: Ipakita ko man abs ko ngayon? Ngumiti pa siya ng nakakaloko pero umiling nalang ako. Naramdaman ko naman ang pagpindot pindot niya sa pisngi ko. Mika: Wala daw pero namumula ka haha. Ara: Eeeehhh ano ba Ye! Pinalo ko ang braso niya at siya naman ay tumawa lang haha. Ara: Ye, how was Chel as a girlfriend? Mika: She's sweet, caring. Teka nga pucha, papaiyakin mo ba ako? Haha! Ara: Mahal na mahal mo talaga eh noh? Mika: Mahal ko pa, pero moving on na nga diba. Talaga to. Bigla naman tumugtog ang The way you look at me. Nagkatinginan kami ni Mika at tumawa. Mika: Daks, ano? Lahat ba ng connected satin andyan sa phone mo? Hahaha. Ara: Nakooo Ye, si Cienne ang naglagay neto. Talaga yung airport na yun. Mika: Bad mo hahaha! Sumabay nalang ako sa pagkanta, may paghawak pa ako sa kamay ni Mika at ginawang mic yung suklay ko. Tawa naman siya ng tawa. Mika: Baka kaya hindi tayo pinagtagpo nung una para matuto tayo. Ara: At sa ikalawang pagkakataon ay tayo na talaga ang para sa isa't isa. Mika: Drama haha, matulog ka nalang muna jan. Ara: Wake me pag inaantok ka ha. Mika: Yes boss. Naramdaman ko naman na may tumapik sa akin. Andito na pala kami sa bahay. Sinalubong naman kami ng pamilya ko ng isang mahigpit na yakap at halik. Mommy: Namiss kita anak! Ikaw din iha, ang tagal mo ng hindi pumasyal dito ah. Mika: Ay mommy, nalipat ho ako at sobrang busy po hehe. Wow, mommy? For real? Hahha kinilig ako ng slight. Mommy: Oh anak, dun na kayo ni Mika sa kwarto mo ha. Ara: Sige Ma, akyat na muna kami ng makapagpahinga to si damulag. Umakyat na kami ni Mika at agad naman siyang nahiga, napagod sa byahe to at mukhang knockout na din siya. Inayos ko muna ang aming mga gamit at nahiga na din ako. "Anak" Narinig kong tawag ni Mommy habang kumakatok, nakatulog din pala ako. Pagdilat ko ng aking mata ay halos lumuwa na din ito. Jusko napakalapit ng mukha sakin ni Mika at nakayakap pa siya sa akin. I can't spell KILIG without "I" in it. HAHA. Naramdaman ko nalang ang pagtampal sa noo ko. Mika: Kung kinikilig kang katabi ako, wag mo masyadong ipahalata. Bumangon na ako agad at pinag hahampas siya ng unan. Mika: Ah yan gusto mo ha. Pinaghahampas na din niya ako, syempre lugi ako matangkad siya haha. Nagkulitan lang kami at nang marinig naming kumatok ulit si mommy ay bumaba na kami. Nakipaglaro muna si Mika sa mga pinsan ko at ako ay tumulong kay mama sa kusina. Mommy: Anak, kayo na ba ni Mika? Ara: Ay ma, hindi po hehe. Mommy: Ayy alam mo anak, napakalambing na bata ni Mika. Ara: Oo nga ma, wala namang duda dun. Mommy: Mahal mo noh? Kita ko sa mata mo. Ara: Mahal na mahal ma, kaso nung sinabi ko sakanya huli na ang lahat. Wait ma, hindi ka galit? Mommy: Dalaga na talaga ang anak ko. Anak, kahit anong mangyari, ako ang unang iintindi sa'yo. Napakabuting bata ni Mika, natutunan ko na ding mahalin iyang batang iya. Ara: Ma? Pati ba naman ikaw kaagaw ko pa? Nakaramdam naman ako ng malakas na batok. Mommy: Sira ka talagang bata ka. Ara: He he I love you mommy. Mommy: I love you too anak, labas ka na dun at salubungin ang bagong taon. Humalik naman sa pisngi ko si mommy at lumabas na ako. Pinagmasdan ko lang si Mika at ang mga pinsan ko. "10.. 9" Nagsimula na silang magcountdown. Ako? Heto nakatingin lang sa mahal ko. "3..2.." Lumingon naman siya at ngumiti. Tila nag slow mo ang paligid. Namatay ako saglit sa kanyang mga ngiti. Tumigil sa pagtibok ang puso ko at biglang bumilis. Mamamatay talaga ako ng maaga sa babaeng to. Nakita ko namang papalapit na siya sa akin. Mika: Happy New Year daks! Ara: Happy New year din mahal ko. Mika: I wish this year would be a better one. Ara: It will be daks, I promise you. It will be :) Niyakap ko siya mula sa likod at niyakap naman din niya ang mga kamay kong nakayakap sa kanya. Ara: Love you. Mika: Oyy narinig ko yun. Love you din bes. Bes. Hahaha, sa susunod hindi na yan bes mwahaha. Ara: Daks, promise me you'll be with me for life. Mika: I won't promise. Gagawin ko daks, for life. You'll always be special to me and you'll always have that place in my heart. Yiieee kilig yan. Ara: Baliw ka. At isiniksik ko ang ulo ko sa likod niya. Eh sa kilig naman talaga ako haha. Ayoko pang ipilit ang sarili ko lalo't nakikita kong nasasaktan pa siya. Mas masasaktan lang siya kung pati ako dadagdag sa problema niya. Darating din ang panahon para sa ating dalawa Ye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD