Chapter 10

5351 Words
Trenta minutos nang nakaalis si Clark pero nanatiling nakasalampak si Anya sa sahig.  Hindi na niya mapigilan ang mga luhang nagna-nais humilagpos, na pigil-pigil niya kaninang kaharap si Clark. Dama niya ang muling pagkadurog.  Ngayon niya napagtanto na isang malaking kamalian ang pagbalik niya sa bansa.  Habang patuloy ang pagluha at pagtangis, 'di niya maiwasang muling balikan ang nakaraan. Gabi na' y hindi PA rin siya dalawin ng antok. Lagpas-lagpasan ang tanaw niya sa bubungan. Naka plaster ang ngiti na animo'y nananaginip sa kawalan. Nang may biglang siyang marinig mula sa labas. Sipol? May sumisipol sa labas ng bahay? Mabilis na bumangon si Anya, kilala niya ang ipit na boses na iyon. Lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang silid ng Lola Mareng niya. Hinawi niya ang kurtinang nagsisilbi nitong pintuan.  Nakita niyang mahimbing nang natutulog ang lola niya bagamat ika-walo pa lamang ng gabi.  Marahan at patingkayad siyang humakbang paatras patungong pinto palabas.  Nang maipinid, mabilis niyang tinungo ang halamanan sa may likod-bahay. “Clark?” Anas niya sa dilim. Pagyakap mula sa likod ang nagpa-ngiti kay Anya. Hinarap ang nagmamay-ari ng mga kamay na ngayon ay mahigpit na nakapulupot sa baywang niya. “Did you miss me?" Bulong ni Clark. Sunod-sunod na pagtango ang ginawa niya bilang tugon. "I miss you more..." Sambit ni Clark. Hinagkan siya nito sa noo, dinaanan ang talukap ng mata pababa sa kanyang pisngi at ngayon ay masuyong humahalik sa kanyang mga labi.  Nakakalunod na sensasyon. Ngunit bago pa man tuluyang lumalim ang matamis na halik ay pinakawalan ni Clark ang mga labi niya. “We need to be careful, baby.” Ang tila nahihirapang  wika ni Clark. Napansin ni Anya na bihis na bihis ang lalaki. As always, she finds him so handsome in his suit. Saka niya na-alalang kaarawan pala ng gabing iyon ni Rada. Mukhang nahulaan naman ni Clark ang iniisip niya. “Kung hindi ka komportableng naroon ako ay puwede namang..." “Hindi. Naiintindihan ko Clark, “ putol ni Anya sa sasabihin pa niya.  “Hmm? Hindi ka na magseselos kay Rada?” Umiling ang dalaga at ngumiti. “That’s my girl,”  sambit ni Clark, na lumiwanag ang mukha. “Kaya, sige na, baka mahuli ka pa,” pagtataboy ni Anya na hindi na nawala ang mga ngiti sa labi.  Ikinulong muli ni Clark sa mga palad nito ang kanyang mukha at akmang dadampian ng halik nang matigilan ito. “I’d rather kiss you there.” Sabay halik sa kanyang noo at talukap ng mata nang paulit-ulit. “Baka hindi ako makapag-pigil.” dagdag pa ni Clark na sinabayan ng pagkindat na sinagot ni Anya ng hagikhik. Sinaway na niya ang nobyo at itinaboy nang paalis.  Kahit hirap niya itong pakawalan. "I love you," sabi ni Clark. "Oo na. Dali na at mahuhuli ka na," kunwa'y pagtataboy ni Anya, pero kilig na kilig. "I said I love you," pangungulit na lambing ni Clark. Nasa harap na ito ng manibela. Kunwa ay nagtatampo. Sobra ang kagalakan ni Anya sa inaasal ng kasintahan. Nilapitan niya si Clark. Dumukwang at inilapit ang mga labi nito. "Mas mahal kita," bulong niya sa kasintahan, sa pagitan ng halik. Habang hatid-tanaw ang sasakyan ay nakapaskil ang mga ngiti sa labi ni Anya.  Nag-uumapaw ang kasiyahan niya. Napaka-suwerte niya at may tugon na pagmamahal ang damdamin niya para sa binata. “Anya?” Si lola Mareng na humahangos papasok ng bahay.  Si Anya ay kasalukuyang nasa lababo at naghuhugas.  Nilingon niya ang matanda, at tanto niya ay mukhang may nasagap na namang tsismis ang lola niya sa plasa, base sa kilos nito.  “Ikuha mo nga muna ako ng mai-inom, at Diyos ko, grabe ang balita ngayon sa bayan.” Napangiti si Anya hindi nga siya nagkamali. Ang lola niya ang uri ng tao na akala mo siyang laging apektado sa mga nababalitaan sa labas. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig mula sa pitsel. “Hay habaging langit. Alam mo bang nahuli raw ni Senyor Ramon sina Rada at Clark sa hindi kanais-nais na tagpo sa may kamalig?” Patarantang bulalas ni Lola Mareng. Nabitawan ni Anya ang tangang baso na dadalhin na sana sa lola niya. Lumarawan an sobrang pagka-bigla sa mukha niya. Talo pa niya ang nasabugan ng totoong bomba. Bigla siyang nakaramdam nang panghihina. Nagtatakang napatingin naman si Lola Mareng sa kanya.  “Ano bang nangyari at nabitawan mo iyang baso? Diyaskeng bata ire at hindi nag-iingat. Mabububog ka pa niyan.” Ani lola Mareng sa pag-alala. Ang mga mata ay mga nasa bubog na nagkalat sa lapag. “P… asensya na po lola dumulas po ang baso.  I…ikukuha ko na lang po uli kayo ng panibago.”  Mabilis siyang tumayo at tumalikod.  Gusto niyang maiyak sa narinig. Puno sya ng mga katanungan. Parang bombang sumabog at kumalat sa kabayanan ang balita tungkol sa pagkakahuli ni Senyor Ramon sa anak na si Rada at Clark.  Naging bali-balita rin ang napipintong pagpapa-kasal raw ng dalawa na inayos na ng kani-kanilang mga pamilya.  Natural na hindi papayag ang mga Buenavista na hindi mapanagutan ng isang Zantillan ang pangyayari.  Dahil isa iyong malaking kahihiyan sa partido nila. Katatapos lang ng misa sa simbahan ng marinig ni Anya na may sumisitsit sa kanyang likuran.  Paglingon niya ay nakita niya si Kate na sumesenyas.  Saglit siyang nagpaalam Kay lola mareng  at nilapitan ang kaibigan.  Hinila siya ni Kate sa munting hardin ng simbahan. “Kuya wants to talk to you,” agad na sambit ni Kate sa mahinang boses. “Ha?” Tanging na-isagot niya. Kinabahan siya. Nilingon niya si Lola Mareng na abala sa pakikipag-usap sa mga kasapi ng simbahan. “A…asan siya?” Tanong niya. “In the car. Come with me please.” Pakiusap ni Kate. Marahan siyang tumango kahit may pag-aalinlangan.  Matagal na rin niyang nais na makausap si Clark.  Gustong niyang malinawan sa lahat ng mga nangyayari.  Kahit na nagdudumilat na ang katotohanan ay gusto niyang malaman at marinig mula mismo kay Clark ang panig nito. “Ako na ang bahala kay Lola Mareng. Ipagpapaalam kita,” ani Kate kahit  halatang nenerbiyos. Tumango siya. May lamlam sa mga mata ng kaibigan habang nakatitig sa kanya. Animo nakiki-simpatya. Alam ni Anya malamang ay may alam na si Kate sa namamagitan sa kanila ng kapatid nito. Nagpati-anod siya sa hiling ng kaibigan. Naipagpa-alam siya nito sa lola niya at ngayon nga ay nasa harapan na siya ng nobyo.  Napansin niyang medyo hapis ang pisngi ng binata bakas sa mukha na may dinaraing na problema.  Ang mga tumutubong pinong mga balahibo sa mukha ay tila hindi na nito napagkaka-abalahang ahitin.  Kumislap ang mata nito ng makita siya.  “Clark?” Mabilis siyang pumaloob sa sasakyan nito. Mabilis na kinabig siya ng nobyo at niyakap ng mahigpit.  Kakatwang wala siyang maramdamang galit para rito. Hinagkan siya ng binata sa mga labi. Naipikit niya ang mga mata nang madama ang init ng halik nito. “ I missed you,“samo ni Clark sa nobya. "Oh God, she missed him too."  Saglit na natigilan si Clark pagkuwa’y diretsong tinitigan siya sa mga mata. “Anya, hindi ko pinasisinungalingan ang mga balita,” seryosong wika ni Clark habang matiim na nakatitig kay Anya.  Napasinghap lang siya.  Pakiramdam niya anumang oras ay huhulagpos ang mga luhang kanina pa pinipigilan. Maagap siyang kinabig ni Clark. “Oh no, baby, please don’t cry. It's killing me,” himig na nahihirapang tinuran ni Clark. “What you heard is not what you think. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang lahat o kung saan ako magsisimula. But I’ll fix everything."  Paliwanag ni Clark. "Just be with me..Just trust me…okay?” Mahigpit na niyakap niya ang binata. Ang lahat ay may rason at karampatang paliwanag.  Kung anuman ang nasa likod niyon ay naniniwala at nagtitiwala siya kay Clark.  Ganoon karubdob ang pagmamahal niya rito. Laking gulat ni Anya nang mabungaran sa labas ng pintuan ng bahay nila si Donya Isabel ng umagang iyon.  Datapuwa’t nakangiti ay nailang siya sa uri ng titig ng ginang.  Nakaramdam siya ng kaba. “Magandang umaga sayo Anya,” bati ni Donya Isabel, na alanganin ang mga ngiti nito. “M…magandang umaga rin po Donya Isabel. Pasok po kayo,"  magalang niyang ganti. Niluwangan niya ang bukas ng pinto upang makapasok ang ginang sa kabila ng panginginig ng kanyang mga kamay. “Hindi na hija." Tanggi ni Donya Isabel. "Maaari ba kitang makausap?” Nilingon nito ang  hardin nila sa di kalayuan. “Nakita kong marami kayong tanim na gumamela maaari mo ba akong ma i-pasyal roon?” “S…sige po.“ Nagpati-una siyang naglakad patungong hardin. Nagsimulang kumabog ang dibdib niya.  Ano’t narito ang ginang? Anong sadya nito sa kanila? Umibabaw ang munting takot sa kanya. “Napaka-ganda. Tulad ko’y mahilig ka rin pala sa mga gumamela?” “O…opo,” marahan niyang sagot. Saglit na namayani ang katahimikan sabay silang nawalan ng kibo ni Donya Isabel.  Nagpapakiramdaman at parehong nananantiya.  Maya maya’y narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ng Donya. “Anya…ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa." Tumingin ng diretso sa kanya ang ginang.  "Batid mo naman siguro ang mga nagkalat na mga bali-balita, hindi ba?" Tumango siya sa sinabi ng ginang. Itinakda na namin ang kasal nina Rada at Clark subalit likas ang pagtanggi ni Clark." Saglit na huminto ang Donya. Siya Anya naman ay tuluyan nang nakaramdam ng pangamba at takot. "Nakapagtataka dahil batid namin minsan sa buhay niya ay minahal niya si Rada.  Hindi malihim ang anak ko pagdating sa pakikipag-relasyon niya.  Ang totoo ay ikinagulat kung may namamagitan pala sa inyong dalawa.  You're so young.” Huminga ito ng malalim. Napahugot man ng hininga ay tahimik na nakinig si Anya, kahit na gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan sa sobrang kahihiyan sa ginang.  Nagpatuloy si Donya Isabel. “I'm not against  you hija. Hindi ko sinasaklawan ang bagay na iyon.  But I want my son to be a good man.  We wanted him to become responsible for his own action. Sana'y nauunawaan mo ang ibig kung sabihin.” Hindi na napigilan ni Anya ang mapa-iyak.  Batid nniya kung ano ang nais na ipaunawa ni Donya Isabel.  May nabanaag siyang simpatya sa mukha nito, naroon ang kalungkutan at hindi pagka-gusto sa ginawa.  Mula sa dala nitong bag ay may hinugot itong hindi kalakihang sobre.  Hinawakan siya nito sa kamay, pinisil iyon at ipinaloob doon ang puting sobreng hawak. “Dont get me wrong about this Anya, pero malaki ang maitutulong nito sa inyo ni lola Mareng lalong-lalo na sa'yo.  Sikapin mong maabot ang iyong mga pangarap. Bata ka pa matalino at napakaganda. Marami pang magagandang oportunidad at pagkakataon ang darating sa buhay mo." Hirap na hirap ang loob ni Anya. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang ina ni Clark. Litong-lito siya hindi niya alam kung paano haharapin ang mga sirkumtansiya ng pagmamahal niya sa binata. "Hindi namin mapipilit si Clark na sumunod sa aming kagustuhan hangga't nalalaman niyang naririto ka lang sa San Isidro, Anya. Knowing Clark, we know he loves you. Nawa’y nauunawaan mo ako hija. Nakiki-usap." "Ako rin ay nakiki-usap po sa'yo, Donya Isabel. Dalhin mo paalis sa lugar na ito ang perang inia-alok mo sa aking apo. Huwag mong daanin sa suhol ang bata." Gulat at sabay na napalingon kay Lola Mareng ang dalawa. Naroon ang matanda. Seryoso ang mukha. Habang pinanonood sila at base sa mga salita nito malinaw nitong narinig ang lahat. "L...lola?" Si Anya na nakaramdam ng takot at pag-aalala. "Lola Mareng..." si Donya Isabel na akmang magpapaliwanag. "Mahirap lang kami pero mayroon kaming dignidad at iyon ang hinihingi ko sa inyo para sa aking apo.  Ako na ang nagsasabi sa'yo. Bukas, bago sumikat ang araw, ni anino ni Anya ay hinding-hindi na makikita ni Clark.  Maaasahan niyo ang aking salita. "Lola Mareng..." Si Donya Isabel na magpupumilit sana. Subalit tinapos ng mga salita ni Lola Mareng ang nais pa sana nitong sabihin. "Mawalang-galang na sa'yo, Donya Isabel. Ayaw kong maging bastos, pero makaka-alis ka na." “That’s enough. You've drink too much.”  Inagaw ni Rence ang bote ng tequila sa kamay ni Anya.  Bumalik rin ang lalaki sa apartment kinahapunan upang makausap sana ng maayos si Anya.  He adored her so much. Malaki ang nagawang sakripisyo ng babae para sa kanya.  He loves her.  Hindi tamang pagsalitaan niya ito ng mga bagay na makasasakit sa damdamin nito. Naabutan niyang umi-inom mag-isa ang babae, nakasalampak sa sahig, ni walang pakialam kung anuman ang itsura nito.  Nagtagis ang bagang niya.  Seeing her weary and hopeless enraged him to commit murder for the one who’s responsible for her distress. Umigting ang kanyang panga. Pilit na hinabol ni Anya ang bote ng alak sa kamay ng binata. She smiled at Rence. She’s already tipsy. “Hey sweetheart! Are you still mad at me?” Mapula na ang mukha ni Anya at nakararamdam na ng konting pagkahilo.  Nasapo nito ang ulo.  Si Rence ay lumapit at inalalayan ang dalaga na makatayo upang mailipat sa sofa.  “Oh thank you sweetie. Have you...have you eaten?” Tanong ni Anya. “Yeah,” matipid na sagot ni Rence. Nang masigurong maayos na sa sofa si Anya ay binalikan niya ang mga nagkalat na bote at goblet sa sahig upang iligpit. Isinandal naman ni Anya ang ulo sa couch dahil mas lalong tumindi ang nararamdamang pagkahilo.  Literal na naipikit niya ang mga mata. Naramdaman niya ang pagguhit ng kirot sa bandang puson. Nagpumilit siyang tumayo. Naisip niyang sa taas na lang magpahinga at baka maabala pa si Rence. “I’ll just go upstairs. Nalasing ata ako. We’ll talk tomorrow, okay?” Ani Anya sa nakatalikod na si Rence.  Hustong nakakailang hakbang na siya nang biglang umikot ang kanyang paningin. Tumindi rin ang kirot sa bahagi ng kanyang puson.  Hindi na niya namalayan ang pagkabuwal ng tuluyan. Mabuti na lamang at mabilis na nakalapit si Rene kay Anya.  Sa mga bisig na niya bumagsak ang dalaga.  Kinabahan si Rence nang makitang namumutla ang babae at nagpapawis ang noo.   She passed out.  Alam niyang hindi lang dala ng alak kung bakit tinakasan ng malay ang babae.  Mabilis niyang binuhat si Anya at isinakay sa kotse upang maisugod sa pinakamalapit na ospital. Puting kisame ang unang tumambad kay Anya sa pagmulat ng mata. Inikot niya ang paningin sa paligid. Puro puti, hula niya ay nasa isang  pribadong kuwarto siya.  Naramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura na parang hinahalukay.  Gusto niyang masuka nang dumaan sa kanyang pang-amoy ang pamilyar na amoy ng ospital. Parang pinaghalong gamot at panlinis.  Natutop niya ang bibig upang pigilan ang nagbabadyang pagduwal. Bigla ay nangasim ang kanyang sikmura. Si Rence ay nakatalikod at tahimik na nakamasid sa salaming bintana. Bumalatay sa kanyang mukha ang pagtataka at pilit na inalala ang nangyari.  Lumingon ang lalaki ng maramdaman ang kanyang paggalaw.   Agad niyang nginitian ang binata, nag-aalala s'yang baka masama pa rin ang loob nito sa kanya. “Hi, you okay?“ Ani Rence at tipid na ngumiti. “Yes,” sagot ni Anya. Lumapit ang binata nang magpilit siyang bumangon. “Let me help you to the cot!” Anito. She nodded.  Rence adjusted the bed so she can positioned herself comfortably. “Thank you.” She took a deep sigh. Tinitigan ang kaharap. “Rence, tamang pahinga lang naman ang kailangan ko at hindi mo naman ako kailangang ipa-ospital." Rence took a deep aggressive breath. “Believe me you needed it and your attending physician said so as well,” sagot ni Rence, na kinakitaan ng kapormalan ang mukha. "You passed out..." "Ah what?" Nagtaka na siyang tuluyan. Hindi na bago sa kanya ang pag inom-inom ng alak, although occasionally lang. Pero ni minsan ay hindi sya nawalan ng malay ng dahil lang sa nalasing siya.   Bakit sya mawawalan ng malay sa pagkakataong ito?  Nagtaas siya ng kilay sa paraang nagtatanong. Napansin niya na masyadong seryoso si Rence. “You're... You're pregnant.” Mahinang usal ni Rence. "W... What did you say?" Nalalabuan siya. Ano bang sinasabi ni Rence. Tahimik na inabot ni Rence ang dalawang papel sa lamesita at inilahad sa kanya. Kinuha niya ito at pinasadahan ng mata. Iyong ang resulta ng mga ginawang pagsusuri sa kanya. Anya’s eyes widened with shock and disbelief. Nagbukas-sara ang bibig niya ngunit, walang salitang kumawala mula roon.  “Oh God...I'm stupid.” marahang usal ni Anya. Nang mag-sink in sa isip ang natuklasan, marahas na tumingin muli kay Rence.  “How’s the baby? Is the baby, okay?”  Sunod-sunod na tanong niya. Bakas sa mukha ang labis na pag-aalala. Dumaan sa kanyang isip kung paanong para lang siyang uminom ng tubig sa pagtungga ng alak ng walang pakundangan. Ginagap ni Rence ang mga palad niya at masuyong hinagkan. “Yes, the baby is fine. You dont have to worry, sweetheart ." Nagtubig ang mga mata ni Anya, tumulo ang luha mula roon. Kahit papano ay naging panatag ang loob niya na ligtas ang dinadala.  Base sa resulta ay nagkaron siya ng placental abruption na kung hindi naagapan ay maaaring mauwi sa pagkakahulog ng sanggol. Sinisisi niya ang sarili sa kapabayaan. How could she not know that she's pregnant sa tanda niyang iyon.  Mabuti na lamang at naroon si Rence.  Ngunit nangangamba siya sa maaaring maging epekto nito sa binata. Pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maihaharap pa rito. “I’m sorry, sweetheart. Oh crap! “ Sa kawalan ng masabi ay napasubsob si Anya kay Rence Humihingi ng lubos na pang-unawa.  Pinahid ni Rence ang mga luha niya, gamit ang mga daliri nito. “Its okay. So, what's the plan?” “We're going back to the States as soon as possible,”  garalgal ngunit determinadong tinig na sagot ni Anya. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Rence. Ngunit hindi na nagsalita. Ikinuyom ang mga kamay. Alanganing ngumiti sa babae. “Okay. But, for now get some more sleep, lady.  I’m just right here beside you."  Anito, bago masuyong hinagkan sa noo si Anya. “Sir, pasensya na po at nagpumilit pumasok. Para pong palos eh, may kakulitan.”  Ang kakamot-kamot sa ulong wika ng sikyu kay Clark. Sa tabi nito ay si Rence na madilim ang mukha.  Nagulat si Clark nang makita roon ang lalaki. Ito ang kahuli-hulihang tao na inaaasahan niyang makaharap sa araw na iyon. “Sige na, Karding, ako na ang bahala sa kanya.” Tumalima ang sikyu na patuloy sa paghingi ng paumanhin. “What do you want?” Clark asked in a cold voice. “We need to talk.” si Rence. “Without even asking me?” “I don’t ask, I tell.”  Magaspang na sagot ni Rence. Gustong mapamura ni Clark sa ka-arogantehan nito. Pinili niyang magpakahinahon, na kung tutuusin ay madali lang sa kanyang palayasin ito sa lugar.  Sa isang pitik lang may pagkakalagyan sa kanya ang mayabang na lalaking ito. “It's an engagement party, don’t even try to ruin it.” Hindi nagsalita si Rence, ngunit naroon ang balasik sa mga mata. Tila naghahamon na ikina-init nang husto ng ulo  ni Clark. "Ako ang magsasabi kung kailangan nating mag-usap. Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad palabas." Taboy niya kay Rence, na nanatiling nakatayo at diretsang nakatitig pa rin sa kanya.  Pinili niyang talikuran ang lalaki at naglakad papasok sa hotel. Kapag nagpumilit pa si Rence ay baka mapilitan siyang ipadampot ito sa mga pulis. But Rence followed him with a simmering frustration. Walang nagawa ang mga sikyung humarang dito sa pinto. Nasundan siya nito hanggang sa loob ng grand ballroom kung saan gaganapin ang enggagement party. "You got her pregnant.” Sambulat ni Rence sa malakas at mataas na tono. Napukaw nito ang interes ng mga panauhing nasa loob na ng bulwagan at natuon ang buong pansin sa kanila nang iilan. He turned to glare at Rence. Nagdilim ang kanyang mukha. “What the hell are you talking about? I tell you fabricating stories is not a good idea at this moment.  You will regret it. So shut up and get the f**k out of here,” Clark warned. Sumisingasing na ang ilong niya sa galit. At talagang sinusubukan siya ng kaharap. “Darling, what’s going on? Who is he?” Si Eva na lumapit na sa dalawa. Nasa tinig ng babae ang pagtataka. She glanced at Rence. “My lady, my apologies, but your husband-to-be got another woman pregnant." Walang kagatol-gatol na rebelasyon ni Rence. Napasinghap ang babae, hindi makapaniwala sa narinig. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawang lalaki. Ngunit sa kabila ng pagkagulat ay nanatili itong kalmado. "You don't deserve Anya," balik ni Rence kay Clark sa nanggagalaiting tinig. May mga nagbulungan. May nadismaya sa eskandalong iyon ni Rence. At ang iba naman ay tila naaliw na para lamang nanonood ng isang palabas sa pelikula. “What’s your problem huh? You think you’re a better lover than me?” Singhap ni Clark, na hindi na rin mapigilan na sumambulat ang galit.  He doesn't even care what others think about Rence's scandalous move to ruin his reputations. What he's concerned is…sino ba ang bubugoy-bugoy na ito na ang lakas ng loob na akusahan siya.  Ano ba ang alam nito sa kung ano ang namamagitan sa kanila ni Anya?  Wala itong alam at kung anuman ang kalokohang dala nito at ginugulo s'ya ay siguradong hindi niya mapapalagpas.  Gusto na niyang magpakawala ng suntok para matauhan ang lalaki. “The problem is you...you don’t know how to treat a good woman.” “A good woman who was an expensive whore.” balik ni Clark. Rence gritted his teeth.  Kumuyom ang mga kamao. “Don’t you dare call her a w***e again.” Pagbabanta nito kay Clark. Nanlilisik ang mga mata. “But she is.  She is slutty whore.” Clark mockingly said. Ang totoo ay gusto niya lang galitin ang lalaki subalit ang sumunod na ginawa nito ay hindi niya napaghandaan. Inilang-hakbang ni Rence si Clark at sumubsob ang lalaki sa mga naroong lamesa.  Tuluyan nang nagkagulo sa loob dahil sa komosyon.  Napahawak si Clark sa labi kung saan tumama ang kamao ni Rence. Nalasahan niya ang mainit na likido mula roon. s**t the guy is so f*****g strong. At talagang papatulan na niya ito.  Nagkamali ito kung inaakalang may mahaba siyang pasensya. Nagkamali ito ng binangga. He was indeed a disastrous enemy. Akmang susugurin niya ang lalaki nang awatin siya ni Vince na noon ay nakalapit agad. He growled in so much anger. Pakiramdam niya ay naisahan siya. Subalit ang mga sumunod na salita ni Rence ay hindi niya kinaya. “I’ll told you not to call my mother a w***e, you f*****g bastard.” Malakas na sigaw ni Rence habang dinuduro siya. Rence is now raging like a bull, na anumang oras ay handang muling sumugod at magpakawala ng isa pang malakas na suntok. Awat-awat na ito ng dalawang lalaki na mabilis ring nakalapit. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. He froze. He shook his head to clear it. He was shocked. He wasn’t even breathing.   Did he heard right? Damn it. What on earth is he talking about? The guy is huge like him.  And he was claiming Anya as his mother? Disbelief came in his huge eyes.  Kumakabog ang dibdib niya . Parang bombang sumasabog sa harap niya ang rebelasyon nito. It's shattering him into pieces. “She... She's you're…w…what? Anya's yours mother? How come? H…how old are you?” Clark asked nervously.  Hindi magkamayaw sa pag tanong. May pilit na nagsusumiksik sa utak niya na nagpapanginig ng kanyang mga kalamnan. Holy Christ...Anong klaseng biro ito ng tadhana? "Hindi ko obligasyong magpaliwanag sa'yo.  Ngayon kung wala ka rin lang naman magandang plano sa nanay ko, lumayas ka sa buhay niya." Matigas na bitaw ni Rence. "You heard me? Get the hell out of her life for good." Clark stared blankly at him. Sa tanang buhay niya ngayon lang nangyaring wala siyang maibatong salita sa kung kanino man. Saka lang niya napagtanto ang isang reyalisasyon na ang kaharap ay buhay na alaala ng nakaraan na pilit niyang binabalikan. Anya was right, he was a fool, a total fool without knowing. Bakit hindi niya naisip ang mga posibilidad na iyon? Oh Anya what have you done? “What a nice reception to a father ha?  He looks like you when you were at his age. So persistent and an arrogant beast. " It was Rafael Samaniego.  Sabay na napalingon sa lalaki ang dalawa. Si Clark ay hindi makabawi sa pagka-bigla, samantalang si Rence ay kumunot ang noo at may pagtatanong ang mga matang binalingan si Clark Lubos ang pagdududa. Pagbukas ng pinto ang naulanigan ni Anya sa likuran. Ngunit nagpatuloy siya sa pag-aayos ng mga gamit niya. Ngayong araw na ito ang labas niya sa ospital sa dalawang araw na pamamalagi roon.  Ang totoo ay naiinip na siya, ngunit suhestiyon ng doctor na mamalagi muna s'ya sa ospital ng isang araw upang maobserbahan at masigurong magiging maayos ang lagay niya at nang dinadala. “Great. You said, you'd never leave me huh? Ive looking for you for the whole day." Ani Anya. Nasa tinig ang tampo kay Rence. "Nabigyan na ako ng clearance ng doktor. Anumang oras ay maaari na tayong lumipad pabalik ng New York." Aniya sa patuloy na pagsasalita. Nagtataka na si Anya ng walang sagot mula sa lalaki.  Bumaling siya paharap. She froze when she met his gaze.  It was Clark who entered the room. Sumagi ang kaba sa kanyang dibdib. Ah, gusto na niyang mainis sa sarili. Bakit ba sa tuwing makakaharap niya ang lalaki ay mistula siyang kinikilig na teenager. Kinalma niya ang sarili. Pinagtakhan niya ang pagiging masyado nitong pormal.  Nagtataka rin siya kung bakit alam nitong naririto siya sa ospital. Bumaba ang mga mata niya sa hawak nitong boquet ng mga pulang rosas. Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya. Banayad na humakbang si Clark palapit sa kanaya. Nataranta siya.  Inabot nito ang pumpon ng mga bulaklak. Kauna-unahang pagkakataon na naka-tanggap siya ng kumpol ng bulaklak mula rito. Nagtatakang kinuha niya iyon kay Clark. “Alam kong gumamela ang gusto mo. Pero masyadong matagal ang biyahe pauwing San Isidro. Baka pagbalik ko hindi na kita makita dahil i-iwan mo akong muli.” Malumanay na wika ni Clark sa harap niya. “What it is this time, Clark? Please wala ako sa mood para patulan lahat ng pomposity mo.” Pagtataray niya. Pilit tinatabunan ang bumabangong pangungulila sa binata. Ano bang mga pinagsasabi nito. Pati mga kilos ay kakaiba ni hindi sya nilulubayan ng tingin. Very  pretentious. At naiinis siya dahil aminin man niya sa hindi ay labis ang naging tuwa ng puso niya nang masilayan ang binata. Ngunit kung ang lahat naman ay pagpa-panggap lamang, para saan ang ligaya niyang nadarama? Nagulat siya nang bigla siyang kabigin ng lalaki at yakapin. Naramdamn niya ang pag- alog ng dibdib nito. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla. “I’m sorry. I'm sorry for judging you that easy. Please forgive me. I’m such an idiot.” Sambit nito, andon ang hirap sa pagsasalita. Nalito si Anya. Ano ba ang nangyayari? She was stunned when he cupped her face. Pagsuyo ang nakikita niya sa mga mata nito.  Fondness. Napalunok siya. Kakatwa lahat ng mga ikinikilos ni Clark. “I know everything. Everything that you hid from me.” He took a deep breathe and groaned. Napatigagal ang dalaga. Sinukluban ng kung anong panlalamig sa katawan. Nagpatuloy si Clark. “Gaano ba kahirap para sa'yo ang magtiwala sa akin, Anya?  Tunog-basag na ang boses nito. "Hindi ka ba talaga naniniwalang kaya kitang protektahan? That I can stand by you by all means? I told you just to trust me. Right, baby?” She gasped.  Gustong madurog ng puso ni Anya sa nakikitang agony sa mukha ni Clark. He broke down and sobbed. “Part of me died when you left.  Hinalughog ko ang buong San Isidro just to find you. Maging dito sa Maynila ay naghanap ako.  Hindi ko makita ang rason kung bakit ka umalis. Nag-alala nang masyado ang mama. She said, she offered you a huge of money and you left. “I didn't,” sagot ni Anya sa pagitan ng pagluha. Ilang beses na umiling. “”I know that now. Mama told me the truth.” Tumikhim ang lalaki para alisin ang bara sa lalamunan na nagpapabigat sa dibdib nito. "I’m mad. Ilang beses kitang isinumpa sa isip ko. That someday I will make you pay for my insanity.   I’m sorry for being a pompous bastard." Huminga ng malalim si Clark bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko lubos-maisip kung paano mo nagawang palakihin si Rence ng mag-isa.  You were young then. Having a baby at sixteen? Seventeen? Damn it, it makes me feel incompetent.” Sambit nito na nahihirapan. Nahilam sa luha si Anya. Ang mga naririnig mula kay Clark ay labis na nagpapahirap sa kalooban niya. Pinahid nito ang mga luha sa kanyang pisngi at ginawaran niya ito ng marahang halik sa pisngi. "Rence was the reason why I'm still alive. He was my strength." Anya's voice trailed off, sobbing. "That's why I admired you most." "Believe me. Kung paanong hindi naging madali sa akin ay higit lalo kay mama sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga nangyari.  Now I understand why she and Kate keep hiring investigators. She wanted you back and make it up to you. Kahit na alam ko kung nasaan ka ay hindi ako nagsabi kila mama. Naisip kong para saan pa. You made your choice and that wasn't me." A smiled formed on his lips. "Masokista rin pala ako dahil kahit pinaniwala ko ang aking sarili na hindi ka karapat-dapat ay hindi ako tumigil sa pagmamahal sa'yo. "Kaya nang bumalik ka ginawa ko ang lahat. Took you in my suite in the hotel, in my apartment, in my beach house in Batangas." "I wanted you back because it was you from the start. You're always be my baby." Hindi mapigilan ni Anya ang magalak sa mga naririnig  mula kay Clark. Hindi niya sukat akalain na ito pala ang nasa likod ng lahat na iyon. Tumataba ang puso niya. "Why you made me believe that Rence was your lover?" "I did not, marahang sagot ni Anya. "You're the one who put it in your head." "That's why I feel bad, sambit ni Clark. “How’d you know?” tanong ni Anya.  “See this?” Itinuro nito ang putok sa labi. “What the hell is that?” “Rence did this.” Natutop ni Anya ang bibig. Hindi makapaniwala sa ginawa ni Rence. “I deserved it... I was a total jerk. Could you forgive me?" Anya smiled. “You are my Hibiscus love, Clark, at nabuhay ako para patuloy kang mahalin." "I'm sorry for being so weak. I was young then, confused and vulnerable," masuyong pagsamo ni Anya kay Clark. Hinaplos niya ang mukha ng binata. 'I'm sorry for not telling you the truth. Ayaw kong saklawan ang pagtingin at pagmamahal mo sa iyong mama." Hindi nakasagot si Clark, lumarawan sa lalaki ang labis na paghanga sa kanya. Suddenly, Clark kissed her.  Marubdob at matamis. Nang may maalala siya. Kumawala siya kay Clark na gusto pang habulin ang mga labi niya. “What happened to you and Rada? Paanong?” “Baby maraming panahon para diyan. Come on just kiss me. I miss you so much.” Protesta ni Clark. “But I saw you kissing her at the back of their mansion?” si Anya na ayaw tumigil. “Did't I?” “O huh?” Kumunot ang noo ni Clark, inalala sa isip ang mga pangyayari nang araw na iyon.  Nang lumiwanag ang mukha nito. Napangiti. “So that’s the real cause of your jealousy,"  wika ni Clark, nanunukso dahilan para mamula si Anya. “I did not kiss her. Napuwing siya kaya hinipan ko sa mata. Next time, baby, if you want to eavesdrop, make sure malinaw na nakita ng mga mata mo ha? Yan tuloy we end up making love. Making Rence,“ wika ni Clark, habang tumatawa. Umirap si Anya. Clark kisses her again and she responded passionately. Nang ito naman ang bumitaw dahil may naalala.  Anya groaned in protest.  Lumuhod si Clark at idinaiti ang taynga sa kanyang tiyan masuyong humaplos doon. “Hello there, sweetheart! My name is Clark and I’m your daddy! Please welcome me in your life!” Naluha si Anya sa tagpong iyon. Alam niyang nais na bumawi ni Clark sa mga taong nawala. “I love you. We're getting married soon.” Sabi ni Clark. “But what of Eva?” Tanong ni Anya. “Itold you I can fix everything in one snap.” Then he cupped her face and kissed her passionately. His phone rings at tila ayaw huminto, at gusto talaga silang abalahain. “Oh bummer. I think it's urgent, just a minute” Tumango si Anya at pinanood ang lalaki.  Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Nabahala siya ng kumunot ang noo ng lalaki. “Tell him I’ll be at his office first thing tomorrow morning." Narinig niyang Wika ni Clark. "Okay… thank you.” Napabuga sa hangin si Clark pagkatapos makausap ang nasa kabilang linya. “Problem? “ she asked. “Not Really. It's kind of the daredevil is on his way back home.” “Daredevil?” si Anya na kumunot ang noo. “Alexander Zaavedra." "OH! The feral." “You know him?” Nagtataka na tanong ni Clark. “Of course, everybody knows him. Every girl loves and fantasizes his steely body." “Do you?” Clark asked. He glared at her. “Oh I love yours! It was platinum.” Kindat ni Anya. Isang halakhak mula kay Clark ang pumuno sa silid. “I love that. Kiss me again.” “With pleasure.” Malambing na sagot ni Anya. "Hmm. Why don’t you two look for a hotel and get a room huh?” It was Rence. Nakangiti ang lalaki habang nakasandal sa may hamba ng pinto. “I love that idea son.” "Marry my mother first." Ani Rence na kunwa'y seryoso. "Sure did. Usapang lalaki. This time wala nang kawala ang mommy mo." Sagot ni Clark. "Then my aproval will be yours. Can I have the number of the hotel? I'll make you two a reservation." Sabay na napahalakhak sina Anya at Clark sa tinuran ng anak. ….………………….END…………………… Till our next love story. ❤️ Yours truly, Riankearyne
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD