" Eirrand Pov"
Tinanong ako ni Mich Dave kung ako Ang may gawa sa kanila ay tumanggi ako at nagsinungaling. tinawag nya si mike upang kilatisin ako kung ako ba ay nagsisinungalin o Hindi.
" Mich Dave, Di ko sya mabasa!, Wala syang emotion". bulong nito Kay delubyo pero rinig ko.
" Anong sabi mo?".
" first time lang nanyare to, di ko lam kung nagsasabi ba sya ng totoo o Hindi dahil sa kinikilos nya ay dalubhasa sya sa ganitong panyayare”. Saad ni mike
" Huwag Kang magbintang delubyo kung Wala Kang sapat ng ebidensya na ako Ang may gawa!". Sigaw ko na panagalit sa kanya. Alangan siya lang Ang Galit.
" Di pa tayo tapos Witch Demon!". Umalis sila sa harapan ko pero sadyang pinarinig nya sakin Ang kanilang usapan.
" Kapag napatunayan ko lang na Yan babaeng pangit na Yan na nagbigay ng apple poison Kay snow white ay sisiguraduhin ko na magsisisi sya at kahit babae pa Yan ay papatulan ko,I will give that girl a nightmare she will never forget!". biglang tumingin sakin SI delubyo nun sinabi nya Yan. Pumasok Ang Prof. Walton Watson na sinasabi na suspend Ang buong klase dahil sa nanyayare kaguluhan. Wala rin Nakita sa CCTV na kung sino o paano nilagay Ang mga traps. Nauna na ako lumabas at pinagpulong lahat ng special A.ni mich Dave at alam ko na ako Ang kanilang topic.
" Mich Dave Pov"
Inutusan ko ang buong special A na tuklasin o Kilalanin Ang tunay na pagkatao ni Witch Demon dahil sigurado ako na sya Ang may gawa nito. Dahil alam ko may special ability sya na tulad namin kung bakit sya nakapasok sa special A. Inutusan ko SI Anna at tummy na subaybayan si Eirrand at si aisle naman ay inutusan ko na tuklasin ang nanyayare at makita Ang binura sa CCTV footage at tuklasin din Ang background ni eirrand.
" Ahm, Mich Dave may problema tayo!". napakamot ng ulo SI aisle dahil mukha problemado Ang nuo nito.
" Anong problema aisle, Don't Tell me di mo marecover Ang nadelete na CCtv at Makita Ang background ni eirrand".
" Yeah, Ngayon lang nanyare to at sobrang higpit Ang protector ng data ni eirrand pero nakuha ko ang mga ILANG details sa kanya pero sa CCTV ay napaka husay ng gumawa nito dahil aaminin ko sainyo na mas magaling sya sa akin".
Lahat kami nagulat sa kanyang sinabi dahil isa sya sa pinakamagaling na hacker sa buong Mundo at ngayon lang sya nahirapan.
" Ito an details na nakuha ko Kay Eirrand Fiorra sa dati nyang schools. Napakarami nyang penalties and offense. lahat ng kumakalaban sa kanya ay napupunta sa ospital at higit sa lahat magaling sya sa lahat ng martial arts like Jake Lawrence". Lahat kami nagulat sa sinabi ni aisle ng malaman namin Ang background nya.
" Hahaha Kaya Naman Pala di sumusuko si Eirrand sa hamon at punishment ni Dave dahil mas masahol pa Pala Ang ugali nya sa pinsan ko!".
" Shut up Jake!, Ngayon walang Duda kung bakit sya napasama sa special A. at sigurado rin ako sya rin Ang may gawa ng mga traps at pagbura ng CCTV na Hanggang ngayon di mabuksan ni aisle".
Saad ko sa kanila.
" Kung Ganon Dave, bihasa sya sa martial arts, paglatag ng mga traps like dein at ganun din sa paghack ng mga computer like aisle pero Dave mukhang nakahanap ka ata ng katapat ah dahil di sya Basta bastang kalaban kung ganun". Saad ni toby sakin na may pagkamanghang salita.
" Sa ngayon gusto ko ang ebidensya na sya talaga Ang may gawa dahil gusto ko malaman kung sino ba talaga sya?".
" Kami na bahala ni Anna, mich Dave dahil Wala ni sino man Ang Hindi namin kayang tuklasin ang pagkatao ni sino man. Lalo pa Yun pangit na Yun!". gigil na Saad ni Tummy
" Kayo na bahala at siguraduhin nyo matuklasan nyo kaagad Ang tunay na pagkatao ng pangit na Yun". Saad ko sa kanila.
" Teka lang, may napansin ba kayo Kay eirrand dahil paiba iba ang kulay ng kutis nya pagpasok Dito. nun unang nyang pasok Dito maitim sya, sa mall ng Nakita natin sya kahapon ay light brown Ang kulay tas ngayon ay medyo pumuti sya, Di Kaya nag disguise lang Yan ng pangit para di natin sya makilala". Saad samin ni Ernie na isa sa pinakamagaling kumilatis ng tao o mag disguise.
" Wala.akong pakialam kung ano Ang pag mumukha na meron sya dahil panigurado Naman na mas pangit pa sya na walang makeup at siya palang Ang taong unang bumastos at kumalaban sa akin!". gigil na Saad ko dahil Wala ako pakialam kung ano Ang tunay nya itsura kung maganda ba sya o pangit.
" Di Yan Ang nakikita ko sa kanya dahil perpekto Ang mata nya, ilong nya napakatangos, Ang mga labi nya parang kulay Rosas na natural at Ang hibla ng buhok nya ay napakasilk, sigurado ako na napaka dyosa Ang kanyang kagandahan".
" Hoy! bakla tumigil ka nga sino ba Ang kakampi mo Dito ah, kagandahan ng dyosa pinagsasabi mo baka dyosa ng mga pangit!". Saad ni Tummy Kay Ernie
" Hoy! mas bakla ka pa sakin tummy tandaan mo, I'm a S.A Gecko means alam ko Ang tunay na personalidad ng isang tao kahit pa magtago pa ito ng ibang personalidad at never pa ako nagkamali!".
" Pwes! today nagkamali ka na ngayon like nila aisle at mike". Nagpagting Ang Tenga ng dalawa sa sinabi ni Tummy
" Anong sabi mo!" Saad ni mike
" Palibhasa Kasi Wala Kang alam tignan natin kung magagawa nyo Ang misyon nyo ni Anna sa pinapagawa ni Mich Dave dahil di Basta Basta SI EIRRAND dahil ayon sa Datos na nakuha ko Kay Eirrand at napaka very protective Ang mga ILANG details sa kanyang pagkatao". Saad ni aisle Kay tummy.
" Di nyo kami katulad dahil magagawa namin to!". Saad ni Anna na sumingit sa kanilang pagtatalo.
" Kayo na bahala, tummy at Anna sana meron na kayong maganda na Balita sakin bukas".
" Sure Mich Dave dahil bukas may malalaman na kayo unlike sa tatlo na nag failures today, hahahaha". pang aasar nya sa tatlo.
" Tummy Pov"
Habang sinusundan namin SI EIRRAND ay Nakita namin na pumasok sya sa eskinita at Lugar ito ng mga mahihirap.
" Hello po Nay". pagbati ni eirrand sa matandang babae at nag Mano. Ito siguro Ang kanyang Ina.
" Musta Ang pag aaral mo anak, ituloy mo lang Yan sigurado ako matutuwa Ang iyong ama sa iyong pagbabago". Saad ng Ina ni eirrand.
" Sige po nay, magbibihis lang po ako dahil may pasok pa ako sa mall".
" Sige, hija wag ka masyado magpagod ah".
" opo nay". Yan Ang narinig namin ni Anna pero patuloy parin kami nagmamasid sa kanya. pagkalabas nya ng bahay nya ay pumunta ulit sya sa eskinita at patuloy namin sya sinusundan. hanggang sa mawala nalang sya bigla.
" Sinong hinahanap nyo?". napalingon kamin ni Anna ng biglang may natakip sa ulo namin at may na amoy kaming gamot at nakatulog kami.