Chapter 14

2282 Words
"Ten.....tenentenenten.....I present to you, Hope Asea De Sanjose. Lumuwas ng probinsya ng single, umuwi ng Maynila na taken!" Umiling iling ako at bahagya pang tumatawa habang tinatanggal ang sapatos at medyas ko, "Gago!" Inaasahan ko kasi na wala dito sa dorm si Chelsy at nandoon sya sa bahay nila sa Batangas. Nagulat na nga lang ako, nung pag bukas ko ng pintuan ng dorm, ay nandoon sya nakaupo sa kama nya. "Chika naman dyan! An9 nangyari? Lumuwas ka lang eh" tanong nya sa akin at bumaba mula sa pagkakaupo nya sa kama nya. Ibinaba ko ang mga bag na dala ko sa sahig bago naupo sa upuan namin sa kainan, "Wala naman. Namasyal masyal lang kami." Tinaasan nya ako ng kilay, "Oh tapos? Nanliligaw na sya non?" Umalis ako sa pagkakasandal ko sa upuan, "Nilinaw nya na nagsimula sya manligaw nung inaya nya ako kumain sa labas." "The f**k? Real quick? Speed lang?" Hindi ko sya sinagot at kinuha ang pitsel ng tubig at saka baso. Habang nag sasalin ako ng tubig ako ay hindi ko maiwasan na mapangiti nung maalala ko yung pag uusap namin kanina sa sasakyan nya bago ako bumaba. "Wait, so you mean nung 2nd year ka pa may gusto sa akin?" Tanong ko sa kanya. Umiwas sya ng tingin sa akin at bahagyang kinagat pa ang pang ibabang labi nya, "Yeah" he said in a low voice. Napahampas ako sa dashboard nya, "Pukingina! Seryoso?!" "Hey, you're so loud" sabi nya at bahagya pang nakakunot ang noo nya. I licked my lower lip a little before giving him a small smile, "Aysus, noon ka pa pala may gusto sa akin. Bakit hindi ka nanligaw?" Tumikhim sya, "Because I was scared, and torpe." Natawa naman ako sa kanya, pero agad din nawala nung may maalala ako. "But you said one time nung hinatid mo ako after natin kumain, na you're only doing that kasi gusto mo maging magkaibigan tayo." He nodded his head, "I only said that because I don't want to shock you, and I want it to take it slow." Tumango tango naman ako sa kanya at humarap sa bintana. Nandito kami sa labas ng dorm ko at nakatigil ang sasakyan nya. "But I was already courting you back then, you just didn't notice." Doon ako napalingon sa kanya ng gulat, "What?!" He chuckled before returning his gaze in front. Hinampas ko naman sya sa braso nya kaya napatingin sya sa akin ulit. "So you mean nung nag paalam ka sa Bicol---" "I only did that because I want you to know that I will court you, kahit na nanliligaw naman na ako noon pa. Ayoko naman sabihin na nanliligaw na ako that time kahit hindi mo alam" putol nya sa sinasabi ko. "Earth to Hosea!" "What the f**k?!" Tinuro ni Chelsy yung baso ko, at doon ko napansin na puno na pala ang baso ko. Agad kong ibinaba ang pagkakahawak ko sa pitsel at ininom na ang tubig. "Lutang ka ba o ano?" Tanong ni Chelsy sa akin at nakapamewang pa. Umiling ako, "Wala, may iniisip lang." Tumalikod sya sa akin at naupo sa kama ko, paharap sa akin, "So bakit ka nandito sa Maynila ulit?" Nilunok ko muna ang tubig na nasa bibig ko, "Eh ikaw, bakit ka nasa Maynila? Diba nasa Batangas ka dapat ngayon?" Nag iba ang timpla ng mukha nya bigla, pero agad rin syang ngumiti sa akin, "Ayoko sa Batangas. Mas gusto ko dito sa Maynila. Eh ikaw?" Sumandal ako sa sandalan ng upuan at itinaas ang isang paa, "Well, sa condo ako ni Icerael kasi mag babagong taon kaya umuwi na kami. Saka pupunta ako bukas sa hospital kung saan nag tatrabaho si ate." Nginisian naman ako bigla ni Chelsy, "Doon ka mag babagong taon? Baka iba ang pumutok ah." Hinagisan ko sya ng twalya na nakuha ko sa gilid ko, at sapul iyon sa mukha nya. Tumatawa naman sya habang tinatanggal ang twalyang nakatakip sa mukha nya. "Gago!" Sigaw ko at tinaas ang middle finger ko. Hindi naman na sya nag salita pa, dahil busy sya sa kakatawa. Pumasok nalang ako s abanyo para makapag buhos, dahil naiinitan na ako. Simpleng Adidas shorts na (gray na binili ko pa sa Taytay) ang pang baba ko, at maroon na loose shirt. Hindi ko naman na binasa ang buhok ko, kaya itinali ko iyon sa messy bun bago lumabas ng banyo. "Hoy, Hosea" agad na sabi ni Chelsy sa akin pag tapak ko sa labas ng banyo. Nasa kama na nya sya ngayon at nakadapa. "Oh?" "Diba magka pair tayo doon sa project tungkol sa pag gawa ng Electronic notepad?" Tanong nya kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. "Oh tangina, oo nga pala. Wala pa tayong nasisimulan doon" sabi ko habang sinasampay ang twalya ko. Tinignan ako ni Chelsy, "Exactly, kaya we need to buy materials na right now." "Napakamot ako sa buhok ko, "Oh sige sige. Mag jeep nalang ako papunta sa UPTC, baka sakaling may makita ako doon na gamit." "Samahan na kita, para hindi ka na mag jeep. Mausukan ka pa" sabi ni Chelsy habang bumababa sa hagdan ng double deck namin. Yung shorts lang ang pinalitan ko dahil okay naman na yung pang itaas kong damit. Naka maong shorts na ako ngayon bilang pang baba at yung maroon shirt pa rin ang suot ko. Si Chelsy ay naka denim shorts na black, at crop top na red. Hinayaan ko nalang din na naka messy bun ang buhok ko dahil tinatamad naman na akong ayusin iyon. "Tara na, para makuwi din at masimulan" aya ni Chelsy at sinuot na ang sneakers nya na itim. Ako naman ay sinuot ko na ang puti kong sneakers (na medyo kukay brown na) saka tumayo. Naabutan ko na kinukuha ni Chelsy ang susi ng sasakyan nya sa gilid ng pintuan saka binuksan ang pinto. "Wala ka talagang sense of fashion noh" puna ni Chelsy sa akin habang nag lalakad kami sa pasilyo. Bumuntong hininga ako, "Tangina ang mahalaga may suot na damit." Umiling iling nalang sya at hindi na muli nag salita. Hanggang sa makababa kami ay walang nag sasalita sa amin pareha. "Oh, hati tayo ng bibilhin ah" sabi nya habang tinitignan namin pareha ang listahan ng kakailanganin. Tumango ako sa kanya habang tinatype ang mga kailangan kong hanapin na gamit. Pukingina nalang, goodluck sa pag hahanap sa mga gamit. Sa office warehous ako muna pumunta para mag check kung meron ba silang binebenta. Inihaharap ko lang sa kanila yung phone ko, at hahanapin nila sa laptop nila kung may binebenta silang ganon. "Mam yung LCD at Microcontroller lang po meron kami" sabi nung lalaki sa akin. "Sige po kuya. Nasaan po iyon nakalagay?" Tanong ko naman sa kanya. "Mam nasa third aisle po iyon" magalang na sagot nung lalaki sa akin. Ngumiti ako, "Salamat po." Pagkarating ko sa third aisle ay nakita ko naman na agad sa kanang bahagi yung LCD at Microcontroller. Pagkatapos non ay pumunta ako muli sa counter para bayaran ang binili. Mga 7pm nung mag text sa akin si Chelsy na magkita na sa tapat ng Mcdo. Agad naman akong nag punta doon at nakita ko na agad si Chelsy na nakatayo habang nakayuko sa phone nya. "Pst! Tara!" Aya ko nung makarating sa pwesto nya. "Ano, nabili mo lahat?" Tanong nya sa akin at tumango ako. "Ikaw ba?"  Tumango naman sya sa akin kaya nag lakad na kami papunta sa parking lot. "Mahabang gabi na naman ito" sabi ni Chelsy pagkapasok namin ng dorm. Naupo na kami pareha dito sa sahig, "Simulan na natin." Tahimik lang kami habang gumagawa ng pukinginang project na ito. Paminsan minsan ay tumatayo kami para mag unat unat at kumuha ny tubig o makakain, o dikaya ay papasok sa banyo. "Gaga, dito iyan ilalagay!" "Boba ka ba, sabi dito sa instruction, dito!" Nag tatalo na kaming dalawa kung saan ilalagay yung LCD namin. Wala pa kami sa gitna ng project at nag tatalo na kami agad. Nung nakita kong humikab na si Chelsy ay napatingin ako sa orasan namin na nandito sa dorm. "3am na pala agad, ganon kabilis?" Bulong ko pero narinig ni Chelsy iyon. "Matulog na tayo muna, may lakad ka pa mamaya sa hospital diba?" Humihikab na sabi ni Chelsy habang nag uunat pa. Nag pagpag ako ng kamay, "Okay, lets sleep. To be continued bukas, I mean mamaya kasi umaga na." Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tunog ng cellphone ko. Muntik pa nga ako mauntog dahil sa pagkabangon ko ng biglaan. Tumayo ako, at naramdaman ko na nandilim paningin ko at bahagyang nahilo kaya humawak ako sa pader at ipinikit mga mata ko. "Huy, anyare sayo?" Rinig kong sabi ni Chelsy. Nung humupa na ang pagkahilo ko ay dahan-dahan ako nag mulat ng mata at tinignan ang orasan namin. "Tangina, 12 na?! May appointment ako kay ate ng 2pm eh!" Gulat kong sabi at dumeretso agad sa banyo para makaligo na. Sa sobrang pagmamadali ko maligo ay nahilam pa ako sa shampoo habang nag sasabon ako, kaya napabuhos ako ng tubig ng wala sa oras. Pag labas ko ng banyo ay nakapalibot sa akin ang twalya ko dahil hindi ako nakakuha ng damit na isusuot ko sa loob ng banyo, dahil sa kamamadali ko. Kumuha ako ng simpleng plain black dress ang kinuha ko bago ako pumasok muli ng banyo para doon mag bihis. Lumabas ako ng banyo habang pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang twalya ko. Nakita ko pang pinagmamasdan ako ni Chelsy habang ngumunguya sya ng pagkain nya. "Ano pagkain?" Tanong habang hinahanger ang twalya ko. "May pork steak dito, nag luto ako" sagot ni Chelsy sa akin at tumango naman ako. Nag lakad ako papunta sa kainan namin at naupo. Saktong pagkaupo ko ay ang pagtayo ni Chelsy kaya naptingin ako sa kanya, pati sa suot nya. "Saan lakad mo?" Tanong ko habang pinapasadahan ko sya ng tingin. She's wearing her denim jumper pants at tanging tube na kulay black lang ang suot nya panloob. "Duh, sasamahan ka. Alangan namang hayaan kita na mag commite edi nakalanghap ka na ng alikabok sa labas" sagot nya sa akin. Napangiwiw ako, "Sa hospital, ganyan suot mo? Naglolokohan ba tayo?" Nag taas sya ng kilay sa akin, "Oo naman noh!" Natawa nalang ako at napailing, "Ikaw bahala." Ako na ang nag hugas ng pinagkainan namin, habang si Chelsy ay nasa banyo ginagawa ang ritwal nya. Pagkatapos ko mag hugas ay saktong lumabas si Chelsy sa banyo, kaya ako naman ang pumasok sa loob ng banyo. Paglabas ko ay nag susuot na ng rubber shoes na gray si Chelsy, galing Chanel. Nahiya naman sapatos ko. Umiling nalang ako at kinuha ang rubber shoes ko na puti, na galing Nike at iyon ang sinuot ko. Kinuha ko na rin ang denim jacket ko at itinali iyon sa bewang ko. Mahirap na baka lamigin pa ako mamaya. Mula Katipunan, kinailangan namin pumunta sa Ortigas dahil nandoon yung Hospital kung saan nag tatrabaho si ate. Hindi gaanong traffic dahil December 30 ngayon. Malamang yung traffic ay nandoon sa express way dahil uwian ng mga tao ngayon sa probinsya nila. "Hindi ka talaga uuwi sa Batangas?" Tanong ko kay Chelsy habang nasa byahe kami papuntang Ortigas. Umiling sya, "Ayoko mag long drive eh." Napakunot naman ang noo ko, "Okay ka lang ba?" Nilingon nya ako saglit at bahagyang natawa pa, "Okay ako. Ikaw, okay ka ba?" "As you can see, I'm alive amd breathing naman" sagot ko at nag tawanan kami pareha. Pagkarating namin sa hospital, saglit na mag park si Chelsy bago kami pumunta sa clinic ni ate. Tinignan ko ang wrist watch ko habang nag lalakad kami para tignan ang oras. "1:50 na, sakto lang." Pinaupo muna kami sa labas mg clinic ni ate habang iniintay yung time ng appointment ko. Habang nakaupo kami ay pinagmamasdan ko ang paligid ng hospital. Hindi ko maiwasan na mapangiti habang inaalala ko noon nung bata ako kung gaano ako katakot sa hospital. Tuwing bibisita kasi kami sa hospital sa Albay, nung mga panahong hindi pa ganap si ate na doctor dito sa Maynila, ay takot na takot ako pag nakakakita ng hospital. Pananaw ko kasi noon na kung makakita ako ng ospital o pumasok kami sa ospital, ay mamamatay na ako. "Ms, Hope Asea De Sanjose" basa nung nurse doon sa clipboard nya. Tumayo ako, "Ako po iyon." "Pwede mo na po makita si doktora" nakangiting sabi nung nurse sa akin at binuksan ang pintuan ng clinic ni ate. "Oh Hosea, Chelsy, maupo muna kayo" nakangiting sabi ni ate sa amin pag pasok namin ni Chelsy ng clinic nya. Sumunod naman kami at naupo muna kami ni Chelsy habang iniintay si ate. "Hosea, dito ka maupo" sabi ni ate at itinuro ang upuan na nasa harapan ng mesa nya. Nilingon ko si Chelsy saglit saka ako tumayo at naupo sa sinabing upuan ni ate. "May nag bago ba sayo? May masakit ba?" Tanong sa akin ni ate habang may binabasa sa clipboard nya. Umiling naman ako, "So far ate okay lang naman. Pagka napapagod o nauusukan, doon ako hindi nakakahinga ng maayos." Nag angat sa akin ng tingin si ate bago ibinaling ang tingin kay Chelsy, "Nagagamit naman ba yung oxygen na binili ko sa dorm nyo?" "Opo ate Heaven. Ginagamit iyon ni Hosea pag minsan sinusumpong. Natututo na nga po ako kung paano gamitin iyon eh" sagot ni Chelsy kay ate. "Basta kung may mangyaring hindi maganda, just call me" seryosong sabi ni ate sa aming dalawa at nag tanguan naman kami. Saglit pa kaming nag tagal doon sa clinic ni ate bago kami lumabas. "Tara kain tayo, meryenda. Libre ko" aya ni Chelsy at hinatak na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD