After 6 years....
Mainit pa ang ulo ni Razzo mula sa dapat na masayang bakasyon na naging out of the country gone wrong. Hindi niya akalain na ipinadeport siya ng bansang Hongkong pabalik dito sa Pinas.
Sumakay sa plane pabalik ng Pinas. Sa sobrang init ng ulo niya nasigawan niya pa nga ang isang flight attendant dahil nagpa abiso na siya noong una na wala siyang balak kumain, ngunit nagserve pa rin ng meal para sa kanya
Badtrip na badtrip siya hindi naman kasalanan na ipinanganak siyang sobrang guwapo. He never expected na ganoon klase ang mga tao sa Hongkong. Sukat ba naman pagkaguluhan siya ng dalawang beses ng mga kababaihan. Una sa mall at pangalawa sa isang public market sa Central District.
"Hindi naman ako artista at wala akong kamukhang artista para mapagkamalan di ba. Most of all ang dumugin ng napakaraming tao." Aniya.
Ang report ng Hongkong National Police sa embassy ng Pinas ay nakakagulo daw siya. Si Razzo daw ang naging cause ng traffic dahil pinagkakaguluhan siya ng napakaraming babaeng Hongkong national at ibang lahi.
Natatawa lamang ang mga employee sa embassy ng Pinas sa kaso niya. Bagamat full effort ang pag asikaso at paghingi ng paunmanhin kay Razzo ay wala na silang magagawa pa para pauwi siya sa Pinas. First time lang daw nila naka encounter ng ganitong pangyayaring. Ipinadeport ang isang tourist dahil sa sobrang kagawapuhan. Suggestion nila dapat daw nagsuot man lang daw siya ng shades at sumbrero para maitago ang mukha at iwas dumog ng mga tao.
Bago pa lumabas ng embassy si Razzo ay nagpapicture pa kanya ang mga nasa opisina pati guard. Malaking problema para kanya ang nakunan ng mga press media sa Hongkong malamang baka naibalita rin dito sa Pinas ang nangyaring pagpapadeport sakin.
Sa arrival pa lang sa airport ay may nakita na siya ng mga local media. Dinedma niya lang at nagpatuloy sa paglakad sa pag aakalang may celebrity silang sasalubungin ng interview. Pero nagkamali siya pag labas niya sa exit habang hatak hatak ko bagahe. Sinalubong ako ng mga News reporter at mga Cameraman.
Nun una ay nagtaka pa siya pero naalala din niya kung bakit siya pinuputakti ng mga taga media.
"Sir ano pong masasabi ninyo na dahil po sa sobrang kagawapuhan ninyo kaya kayo ipinadeport." Tanong ng maabilidad na reporter na unang nakalapit sa kanya.
"No camera please!" Sabay iwas ni Razzo sa kanila.
Patuloy siyang naglakad pero sinusundan pa rin si Razzo ng mga reporters. Nangungulit pa rin sila na magbigay siya ng pahayag. Umabot na tuktok ang ulo niya ang init ng ulo.
"Would you mind, Im still stress dahil sa bad experience ko. Kayo kaya madeport." Bulyaw niya sa mga reporter.
"Ang bilis naman kumalat ng balita." Bulong niya sa sarili niya.
"Magbibigay na lang ako ng pahayag soon as makausap ko na mga lawyers ko." Saad niya.
Matapos niyang sabihin yun ay kaagad niyang binitbit ang bagahe para sumakay agad ng taxing pumarada.
"Sa Crown Peninsula Hotel." Utos niya sa driver ng taxi.
Habang binabagtas ng taxi ang kahabaan ng Emerald Avenue sa Ortigas.
Napako ang tingin niya sa isang babaeng may pagkakahalintulad ang mukha kay Lyka. Lumabas ang babae sa isang gusali at nagtuloy tuloy na naglakad sa sidewalk.
"f**k she looks like Lyka!" Sambit niya.
"Ano po yun Sir?" Tanong ng driver
"A....wala manong sundan mo lang yun babaeng naglalakad."
Nang tumapat na sa babae ang sinasakyan kong taxi. Napagmasdan niyang maigi ang mukha ng babaeng kamukha ni Lyka. She really looks like Lyka even her body and the way she moves mapagkakamalan talagang siya si Lyka. Maliban sa kulay itim nitong buhok at paano manamit.
Napakaiksi ng suot nitong kulay black na candy high waist compy short na halos makita na ang kanyang tumbong, Hapit na hapit naman sa kanyang katawan ang white longsleeve shirt outfit. All in all kamukhang kamukha niya talaga si Lyka.
"Manong driver pakibaba na lang itong gamit ko sa hotel, kahit sa guard puwede na. Ang sabihin mo kay Sir Franz Razzo Thompson itong maleta okay." Mabilisan na bilin niya sa driver
"Franz Razzo Thompson po?" Paglilinaw ng mamang driver.
"Good!"
Kaagad siyang dumukot ng isang libong piso para ibayad sa taxi driver.
"Sir bakit po?" Tanong ng driver.
"Keep the change, basta gawin niyo na lang inuutos pakipara na po."
Pagkahinto ng taxi driver ay agad siyang bumaba para habulin ang naturang babae. Tumakbo siya nang tumakbo kahit di niya alam kung saan ako pupunta o nagpunta ang sexyng babae na kamukha ni Lyka.
Pagtawid niya sa pedestrian nakita niyang tumawid ang babae sa kabilang kalye. Pumasok siya sa isang malaking building na pamilyar kay Razzo Ang building na iyon ay kumpanyang pag aari ng pamilya ng kaibigan niyang si Zac.
Habol hininga siyang pumasok sa loob, Sa wakas huminto ang babaeng hinahabol niya sa reception.
"Lyka!"
"Yes Mister Hottie?"
Nagulat ako nang isang bading pala ang nilapitan ko.
"I....Im sorry I... thought ikaw yun kakilala ko. Pasensya na." Mautal utal ko na sabi ni Razzo sa gay na kaparehas lang pala ng suot ng damit.
Mabuti na lamang at umatras agad siya kaya nabaling ang paningin niya sa pasilyo patungong elevator. Nakita ko niya si Lyka na naghihintay ng pagbukas ng elevator. Nang makalapit ako sa kanya ay masusi niyang pinagmasdan halos matulala siya sa ganda ni Lyka.
"Excuse me, gagamit ka din ba ng elevator?" Untag niya kay Razzo na nakatulala.
Parang wala sa sarili si Razzo na pumasok sa loob ng elevator. Tila nilagyan ng glue ang mga mata niya na hindi na naialis ng pagkakatingin sa babaeng kamukha ni Lyka. Sa tagal nang pagmamasid niya sa babae, nagtataka siya kung bakit parang hindi siya nito kilala; kung siya si Lyka.
Ramdam ni Razzo na naintimidate sa kanya ang babae sa ginagawa niyang pagtitig sa. Hindi mapakali ang babae sa tingin niya'y aware na siyang tinitigan ni Razzo, kaya nang tangkain niyang lapitan ang babae.
"Manyak!" Pagkasabi ng babae ay tinuhod niya ang kabuhayan showcase ni Razzo.
"f**k solid yun!" Wika ni Razzo na namilipit at napasandal sa sulok ng elevator.
"Yan ang nababagay sa tulad mong manyakis!" Sabay labas ng babae sa elavator.
"Hindi nga si Lyka yun. Grabe siya!" Daing ni Razzo.