"Nandito ang iba sa mga nakasaksi ng araw na yun, alam niyo ang bagay na ito. Na ang iniidolo ninyo, ang pinagpapantasyahan ninyo ay isa pa lang freak at may kakayahang magpalit ng anyo. Kaya ngayon gabi na ito sabihin mo samin Lyka kung anong klase kang nilalang?"
Nagumpisa umabot sa panga ko ang panginginig ng kamay ko. Hinawakan ko sa braso si Jill.
"Huwag kayong maniniwala sa babaeng ito! Gumagawa lamang siya ng kuwento." Giit ko.
"Pero lods kuha ng cctv sa gymnasium yun video paano mo masasabi na gawa gawa lang ni Jill ang lahat ng ito." Wika ng matabang estudyante.
Nagkaroon ng bulung bulongan sa mga estudyante ang isiniwalat ni Jill tungkol sa sikreto ni Jill.
"Guys huwag kayong maniwala ako na nagsasabi sa inyo hindi totoo ang ipinaparatang ni Jill kay Lyka, nandoon din kami ni Hanz noong araw na yun." Pagtatangka ni Zac na mapaniwala ang mga estudayante sa kanya.
"Weh siyempre kakampihan mo si Razzo dahil tropa mo." Sigaw ng isang estudyante.
"Oo nga kaibigan mo din si Lyka palagi namin kayong nakikitang magkausap." Isa pang sigaw ang narinig ko sa kumpulan ng mga estudyante.
Unti unting nagsisipaglapit ang mga estudyante samin ni Jill kung saan kami nakatayo sa gitna ng ballroom.
"Sabihin niyo yun totoo ano ka ba tlaga Lyka?"
"Oo nga, ano ka ba talaga? Isa ka bang freak?"
"Nakakatakot naman siya kung totoo yan."
Samut saring reaction ng mga estudyante ang naririnig ko. Unti unti sila lumalapit samin.
Napatingin ako kay Lyka. Naawa ako sa kalagayan niya ngayon. Ramdam ko ang takot niya, napapaatras na siya ng ilang hakbang paakyat sa hagdanan.
"Your Freak!?" Sambit ni Jessica kay Lyka.
"Hindi totoo yan, hindi totoo yan sinasabi ninyo." Nanginginig ang boses ni Lyka habang sinasabi yun.
"Frenny tell us the truth." Utos ng second placer sa pageant na nasa tabi lang ni Lyka.
"Hindi ako freak, hindi!" Mariing sabi ni Lyka.
Lalo pang nagsisipaglapitan ang mga estudyante kay Lyka. May isa pa ngang lalaking estudyante ang lumapit kay Lyka para kunan siya ng picture at video. Napahagulgol dahil dito si Lyka.
"Tigilan niyo si Lyka, She's pregnant baka makasama sa pagbubuntis niya ang ginagawa niyo." malakas na sigaw ko.
Ngunit may ilang pang mga lalaki ang lumapit kay Lyka at gaya din ng una ay upang kunan siya ng picture at video. Silang din ang mga dating humahanga kay Lyka at nagpapakalat ng mga pictures niya para magtrending, ay sila din ngayon ang magpapakalat ng nabunyag na sikreto ni Lyka.
Mabilis akong umayat ng platform ng hagdanan para awatin ang mga estudyanteng nakalapit kay Lyka. I was forcing to leave Lyka. Hatak, tulak mailayo ko lang sila sa pinakamamahala kong si Lyka. Kailangan ko siyang protektahan lalong lalo na ang magiging baby namin, she is in her three weeks pregnant kaya maselan pa ang pagbubuntis niya. I grab someone and punch him in his face nang tutukan niya ng camera si Lyka.
"I said leave her alone!" Sigaw ko.
Hinarangan ko ang mga lumalapit kay Lyka. Naramdaman kong humawak sa bisig ko si Lyka. Nilingon ko siya at nakita she was shedding in tears sa takot.
"Stay right behind me Lyka. Huwag kang lalayo, I will protect you." I said on her.
Dumami pa silang gustong makalapit kay Lyka kaya naman kumilos na sila Captain, Zac, Lee and franco. Tinulungan na nila ako awatin ang mga estudyanteng nagtatangkang makalapit kay Lyka.
"Ang lumapit, Giba." Pagbabanta ng malaking boses ni Captain sabay himas ng kaliwang palad niya sa kamaong nakatikom.
Isa lang ang ibig ipahiwatig nun ni Captain hindi siya mangingiming gamitan ng dahas ang sinumang lalapit samin. Kilalang kalmado, mabait at tahimik ang six footer na si Captain pero Im sure bulagta ang sino mang makakatikim ng suntok niya.
"Defend the ball!" Sigaw ni Captain.
Sinasabi niya ito sa laro namin pero mas madalas kapag sa championship ng basketball. Nakuha ng tropang fuckboys ang utos ni Captain. Nanulak na ng mga estudyante si Zac at Lee para makagawa ng dadaanan namin ni Lyka. Gaya ng ginagawa sa court kapag hawak ko na ang bola.
"Tara Razzo gaya ng dating gawi."
Inassist ako ni Captain habang inaalayan ko si Lyka sa pagbaba ni Lyka. Bitbit niya ang napakahabang dulo ng kanyang gown. Walang nagtangkang lumapit pa samin. Pumuwesto ang pinsan kong si Franco sa likuran ni Lyka para walang magtangka sa paglampas namin sa mga estudyanteng napapalibutan kami.
Kunti na lang at makakalabas na kami pero paglingon ko mukhang susundan pa din kami ng mga estudyante. Bigla na lamang namatayan ng ilaw ang buong gymnasium.
"Razzo!" Sambit ni Lyka sabay napakapit sakin.
"Razzo ilayo muna si Lyka pagkalabas natin dito, ilolock namin ang pinto para hindi na kayo masundan ng mga kapwa natin estudyante." Wika ni Zac habang nangangapa kami sa dilim.
Naging maingay ang mga nasa loob ng ballroom kaya humakbang na kami ng mabilis ni Lyka para matunton ang pinto. Sa wakas may sumilaw na liwanag galing sa labas nang magbukas ang pinto.
"Bilis Razzo, Lyka lumayo na kayo dito." Sigaw nila Zac at Lee.
Matapos namin makalabas ng pinto ay agad na isinara muli ni Zac at Lee ang pinto
"Sige na Razzo. Hanggat kaya pa namin pigilan ang mga tao sa loob." Muling sigaw nila Zac.
Atubiling sumama sakin si Lyka ng nang bawiin niya sakin ang braso niya.
"Please Lyka come with me, ako lang makakatulong sayo lalo na ngayon alam na nila ang lahat sa sikreto. Ilalayo kita dito magtatago tayo sa Batangas, private resort namin sisiguradihin kong walang makakaalam na naroon ka." Sunod-sunod kong sabi para lamang sumama sakin si Lyka.
"Please Lyka patawarin mo na ko pero I swear nagsasabi ako ng totoo. Naging tapat ako at napatunayan nais lang ni Jill na sirain tayong dalawa."
"Maniwala ka sakin Lyka kahit huling beses na to Lyka please maniwala ka sakin."
Nakayukong nagpupunas ng mga luha si Lyka. Nagumpisa ako sa paghakbang palapit sa kanya at pagkatapos ay hinawakan ko ang mga kamay."
"Just for now Lyka, kahit ngayong lang." Wika ko. Pagpupumilit ko sa kanya.
"Sige na Lyka sumama ka na kay Razzo. Sambit ni Lee.
"Salamat." Baling ni Lyka kanila Zac at Lee.
Hindi na ko nag aksaya ng panahon kaagad kong dinala si Lyka sa parking at pagkasakay namin ng kotse ay niyakap ako ni Lyka.
"Your safe now Lyka, youll be safe now."
Ngunit nang maghiwalay kami ni Lyka para paandarin ko na ang kotse. I was horrified when I saw Lyka full of blood in his body.
A-anong nangyari? Bakit duguan si Lyka na kasama ko ngayon dito sa kotse. All the while she was okay aside from shedding in tears. Bakit ngayon naliligo siya sa dugo.
"Razzo..."
Hindi maprocess ng utak ko ang mga nangyayari, A few hours ago masaya ang lahat dressed up with fine tuxedos and gown, until pumasok si Jill exposing Lyka's secret that my girlfriend was turning into a living doll sometimes and here duguan si Lyka. Napaatras pa ko nang abutin ako ni Lyka ng nababalot sa dugo ang kaniyang kamay.
"Razzo bakit mo ko iniwan?" She uttered in a very squeaky voice. Nakakatakot ng sobra.
Kasabay ng paglunok ko ng laway at pagtulo ng pawis saking sentido ay bigla na lamang nagbago ang paligid. Nandito na kami sa mundo ng Avarlone kung saan namatay si Lyka. She was lying in my arms with no life.Namatay siya dahil naganap ang propesiya tungkol sa kapahamakan dito sa mahiwagang mundo ng Avarlone. She was killed by the Beast told in the prophesy, ako ang pumatay sa kanya. Dahil ako ang katuparan ng nasa propesiya. Gaya ng naganap noon ubod pait akong humihiyaw at umiiyak.
"Pinatay ko ang pinakakamahal kong Babae, ang Reyna ng Avarlone!"
Isang malalim na paghugot ng hininga ang nagpagising sakin.
"Damn panaginip lang pala ang lahat."
Napabalikwas pa ako ng bangon.
Nakatulog na pala ako dito sa sahig habang nakasandal dito sa kama. Gumulong pa ang bote ng iniinom kong alak nang matabig ko ito ng kaliwang kamay ko.
"Lyka..."
Napayuko at nasimulang umagos ang luha ko nang maalala ko ang lahat.
"Stupid life, f**k that curse, damn s**t that prophesy!"
Ito ba ang kapalit ng buhay ni Lyka after she saves me at tanggalin ang sumpa niya sakin. This is a hell, living without her is mas masahol pa ito sumpa ng aking ina sa mga Diyos at Diyosa.
"Napakagago ko, napakabobo, stupid, brainless, wala kong silbi."
Kinabukasan....
"Cuz gising na, halika na pumasok na tayo."
Franco was gently tapping my legs para akoy gisingin but I still close my eyes dahil until today ay wala pa rin akong balak pumasok. Wala na kong gana sa buhay matapos mawala sa buhay ko si Lyka. Ayaw ko nang mabuhay, I couldn't find reason to move on at magpatuloy pa sa buhay ko. All I wanna do is to stumble in my messy room.
Franco was still tapping me to wake up.
"Next week finals na kapag hindi ka nakapag exam babagsak ka sa mga subjects mo."
"Wala akong pake kung bumagsak ako just leave me alone." Bulong ko.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. May kung sino pa ang pumasok na sa tingin ko gaya ng araw araw na nangyayari ay pipilitin nila akong pumasok sa school.
Tinakpan ko ng mabaho at nanlilimahid na unan ko ang tengga ko. Ayaw kong marinig ang anu man sasabihin nila sakin.
"Anak ang yaya Julia mo ito, sige na anak pumasok ka na sa school, para maayos at malinis ko na rin itong kuwarto mo."
"Umalis na kayo." Mariing sabi ko.
"Anak, Razzo nalulungkot akong nakikita kang ganyan. Magbalik ka na sa dati."
Dala ng inis ng pagkawala na ng antok ko ay nag ipon muna ako ng lakas para bumangon. Pag bangon ko ay ibinato sa study table ko ang unan na nakatakip sa ulo ko.
"Ang sabi ko, leave me alone! Malabo ba intindihin yun. Huwag niyo kong istorbohin. Wala na akong balak pumasok, wala na rin akong balak na kahit ano sa buhay ko. Now would you mind gusto kong mapag isa!"
Matapos kong sigawan sila Yaya Julia at Franco ay bumalik ako sa pagkakahiga saking kama.
Ilang segundo pa ang nakalipas nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Papa sa damit kong sando.
"Ganito na lang ba gusto mong gawin sa buhay mo, ang magmukmok at sirain ang sarili mo."
Nanlilisik ang mga mata ni Papa sakin habang nakatiim bagang ang kanyang bibig.
"Julian huwag mo naman saktan ang apo ko, intindihin mo naman ang sitwasyong pinagdadaanan niya. It's not easy to anyone na malimutan ang nawalang pinakamamahal natin sa buhay."
Awat-awat ni Grands si Papa na halos kulang na lang eh saktan ako.
"Pero hindi yun rason para mawalan ka na ng respeto sa yaya mo!" Mariin sabi ni Papa.
"I said, I wanna be alone bakit hindi niyo ba maintindihan yun na gusto kong mapag isa. Bakit wala bang nakakaintindi sakin na nasasaktan akong nawala sakin si Lyka."
I felt the watery in my eyes while I'm explaining them.
"Hindi ba obvious. Im struggling and in pain, Im find it hard coping to continue my life nang wala si Lyka."
"Kaya ba ganito na lang gusto mo mangyari sa buhay mo. Look at you mistula ka ng ermitanyo! Napakabaho at napakadumi ng kuwarto mo kailan mo pa gustong magmove on sa pagkakawala ni Lyka." Sigaw sakin ni Papa.
"Hindi ko gustong maging ganito ako. Nahihirapan ako Papa hindi ko kayang tanggapin wala na si Lyka..." tiningnan ko isa-isa sila Franco, Yaya Julia at si Grands. Malungkot ang mga mukha nila, parehas sila Yaya Julia at Grands na niiyak na dahil sakin.
"Lahat tayo nalulungkot sa pagkawala ni Lyka pero kailangan pa rin natin mamuhay ng maayos." Giit ni Papa.
"Ang galing-galing niyo para sabihin sakin yan palibhasa kasi hindi kayo ako. Hindi niyo nararamdaman ang paghihirap ko kung sabagay wala nga kayong pakialam noon kay Mama hindi ba." Pabalang kong sagot kay Papa.
Isang malakas na suntok sa sikmura ang tinamo ko mula sa kamao ni Papa.
"Julian ano ba? Kausapin mo lang ng maayos si Razzo hindi mo kailangan saktan siya." Bulalas ni Grands nang sintukin ako ni Papa.
Natumba ako sa sahig at namimilipit sa sakit. Naramdaman kong umaagos ang luha ko sa hinagpis habang hawak ako ng aking lola na nag aalala sakin.
"Apo huwag mong isipin na balewala lang samin ang pagkawala ni Lyka. Malungkot din kami sa sinapit mo pati ng Mama mo. Nauunawaan din namin ang pinanggagalingan mo. Tulad mo nangyari din sa Papa mo ang ganito, namatay din si Rose bago niya nakilala ang Mama mo. Humarap din siya sa ganitong kalagayan, naging mahirap din sa kanya ang bumangon sa pinakamalungkot na bahagi ng buhay niya. Ako lang ang naging katuwang sa pagpapalaki kay kuya Wesley mo at Andrew." Salaysay ni Grands.
"Makakatulong sayo itong sasabihin ko sayo Razzo. Masama ang tingin mo sakin bilang Ama pero heto ang totoo. Hindi niyo nakikita magkapatid ang paghihirap ko magmula pa kay Wesley. Sadyang itinago ko ang kahinaan ko para lang maitaguyod ko ang mga Kuya mo. Nasa giyera ako sa Mindanao nang mga panahon nagluluksa ako sa pagkamatay ni Rose. Ginawa ko ang lahat para mabuhay, iginapang ko sila para maitaguyod gaya ng paggapang ko sa panaganib sa giyera sa Mindanao. Hindi ako sumuko alang-alang sa mga kapatid mo noo at nang iwan ako ng Mama mo sa kadahilanan para mailayo ka sa panganib nasakatan na naman ulit ako. Isa akong militar Razzo kaya hindi ko pinakita sa inyong magkakapatid mahina ako. Pero ang totoo niya katulad mo rin ako na may mga gabing malungkot at lumuluha ako mag isa."
"Mas masakit pa ang mga dinanas ko sayo noon kung alam mo lang." Patuloy ni Papa.
"Kaya Razzo apo tulad ng Papa mo bumangon ka, buoin mong muli ang sarili mo. Namimiss na namin yun dating Razzo na pogi, magaling dumiskarte, maraming achievements pati mga babae. Magbalik ka lang sa dati Razzo kahit gabi-gabi mag uwi ka ng babae dito sa bahay mo. Hinding hindi ka na namin sesermonan basta huwag ka lang tutulad kay Kuya Andrew mo na maraming binuntis na babae tapos wala namang pinakasalan."
Ibinangon ako ni Grands mula sa pagkakahiga ko sa sahig. She tries to comfort me like she always do to me whenever I feel lonely at namimiss ko si Mama noong bata pa ko. Niyayakap ako ng lola ko everytime na may pagtatalo kami ni Papa noong bata pa ko.
"Akala ko ba nagbago ka na?akala ko ba nang dahil kay Lyka kaya nagbago ka. Why don't you prove yourself to us na talagang binago ka ni Lyka simula nang makilala mo siya. There is no truth of all ng mga sinasabi mo noon, anong saysay ng pagkawala ni Lyka kung mas masahol ka pa ngayon kaysa sa noon."
I remember when I was a kid walang mga salita noon si Papa ang tumatama sakin but now iba yun impact. Tumatagos sa puso ko ang mga sinasabi niya. The tears in my eyes went down on my cheeks.
"Bigyan mo nang katuturan ang pagkawala ni Lyka, it's unfair to Lyka na matapos ka niyang isalba, ilaan niya qng buhay niya para sayo at heto gusto mo wasakin ang sarili mong buhay. Stop being self centered that you don't care about some others na ikinalulungkot din namin ang pagkawala ni Lyka. Bigyan mo ng halaga ang pagkawala ni Lyka."
I feel like a gun hitted me in my head. Sapul na sapul ako sa mga sinabi ni Papa. Binuksan niya ang isip ko na kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang buhay ko. Kailangan ko pa rin lumaban sa buhay kahit wala na si Lyka. I cry a lot while I'm down on my knees. Narealize ko na tama si Papa sinasaktan ko at sinasaktan ko ang lahat sa ginagawa kong pagdadalamhati sa pagkawala ni Lyka.
Naramdaman kong umalis na sila Yaya Julia, Franco. Maya maya ay tinalikuran na din ako ni Papa at lumabas na din ng kuwarto. Naiwan na lang na kasama ko ay si Grands na umiiyak din.
"Iho tulungan mo ang sarili mo huwag mong hahayaan matalo ka ng kapighatian. Kung nakikita ka ni Lyka ngayon tiyak na ikalulungkot niya ang nangyayari sayo."
Hinawakan ni Grands ang pisngi ko habang tinintingnan niya ko. Whe i look at Grands face she's trying to convince me na kailangan ko nang kumilos para sa sarili ko.