Kabanata 7

1020 Words
"Oo!" balik-sigaw ni Selena sa mukha ni North habang walang takot na nakikipagsukatan ng tingin sa binata. "Wala akong nagawa! Pinanood ko lang sila habang, habang," hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Natigilan naman si North habang sinusundan ang bawat galaw ng mga mata ng kaharap. Walang hinto ang pagtulo ng mga luha nito habang walang alinlangang sinasalubong ang tingin niya. "Habang nagmamakaawa sila sa buhay nila!" "Wala akong ginawa! Kung iyon ang gusto mong marinig!" "You're worthless," seryoso pero mariin na sagot ni North sa dalaga. "Huminahon ka, North. Tingin ko, kahit naman sino ay ganoon ang magiging reaksyon." Umaalon pa rin ang malalapad na dibdib ng binata habang hindi pa binibitawan ang braso ng kaharap, at hindi pinuputol ang pagtitinginan. "At kung hindi niya iyon ginawa, ay siguradong hindi niya maililigtas ang pamangkin mong si East," paliwanag ni Greg mula sa likuran. "Magalit ka na dahil wala akong nagawa para tulungan sina Alanna at West. Natatakot ako ng gabing iyon, at hindi ko alam kung ano ba'ng pwede kong gawin na makatutulong sa kanila ng mga oras na iyon." "You are like your reason, nonsensical. Can you just take me to my nephew? I don't wanna waste my time on you," galit pa rin nitong bigkas, at binitawan siya ng malakas. Halos umalog ang ulo ni Selena, at kung hindi siya nakatayo ng maayos ay baka muli na naman siyang bumagsak, sa lakas nang pagkakabitaw ng binata. Nasundan na lamang niya ito ng tingin nang lumakad, at lumabas. Nagtungo naman sa kaniya si Greg habang tila naaawa sa hitsura niya. "Ako na ang hihingi ng paumanhin para sa kaibigan ko. Pasensya na, Miss Ortega." Lumunok siya, at pinunasan ang mga luha sa pisngi. Inayos niya rin ang sarili bago tipid na ngumiti sa pulis. "Dadalhin ko kayo kay East," tanging tugon niya rito. Pasimpleng sinulyapan ni Selena ang katabi sa backseat na si North. Seryosong-seryoso ang imahe nito habang lukot na lukot ang noo. Pakiramdam niya tuloy ay naninikip ang dibdib niya dahil sa nananatiling tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kung siya lang ang papipiliin ay sa police car na lamang siya sumakay, at hindi sa tabi nito. "f**k. Don't stare at me," malalim, at malumanay nitong bigkas habang hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin. Nahiya naman si Selena sa sarili. Umayos ang dalaga nang pagkakaupo, at itinuon ang atensyon sa kalsada. Inilagay ni North ang siko sa bintana, at hinawakan ang ibabang bahagi ng labi. Abot-abot na talaga ng bwisit niya nang makauwi dito sa Pilipinas. Hindi niya kayang i-imagine na nasa tabi niya ang babaeng inasam-asam niyang durugin dahil sa nagawa nitong krimen. Dahil hindi sapat ang ebidensiya, at walang malinaw na imbestigasyon ay wala pa rin na paparusahan sa nangyari sa kapatid niya, at asawa nito. Isang buwan na ang nakalilipas ay wala pa rin malinaw na suspek. Kailangan niyang kumilos, at makahanap ng matibay na ebidensiya. Kahit na niya narinig ang lahat ng nangyari nang gabing iyon ay hindi pa rin siya kumbinsidong walang kinalaman ang babysitter ng pamangkin sa krimen. At gagawa siya ng paraan para malaman ang totoong koneksyon nito sa mga armadong lalake na pumasok sa Castellana mansion, at pumatay kay West at Alanna. "Naglaro ba kayo ni Terrence?" Nakangiti ng malungkot si Selena habang nakayuko para humarap sa mukha ni East. "Yeah, we did. Aunt Selena, I thought you went to the grocery?" "Where's your purchases?" Nag-aarkong mga kilay na tanong ng bata habang sinipat siya ng tingin. Tumindig na tuwid ang dalaga, at hindi alam kung saan ibabaling ang malikot na mga mata. Nakiusap siya sa tiyuhin nito, at sa mga kasamang pulis na sa loob ng apartment unit na lamang sila hintayin, at doon pormal na mag-usap. "Nevermind. Shall we go inside?" tila nainip si East sa sagot niya, at nagpatiunang maglakad. Bumuntong-hininga si Selena bago pinihit ang doorknob. Sinulyapan niya muna ang bata bago tuluyang binuksan ang pinto. Napahinto si East nasa bungad pa lamang ng kanilang unit. Pigil naman ang paghinga ni North nang magtagpo ang mga mata nila ng pamangkin habang siya ay nakaupo sa sofa, at inuluwa ang bata mula sa pinto. Hindi na napigilan ni Selena ang pagtulo ng luha. Marahan siyang bumaba sa tabi, at gilid ng alaga. Bakas sa anyo nito ang pagkagulat na makita ang tiyuhin. "E-east, narito ang tito mo." "East," tanging na bulalas ng binata habang pakiramdam niya ay lumuwag ang dibdib nang masilayang buhay ang anak ng kapatid. Tumayo si North, agad na nagtungo sa harap ng bata, at lumuhod sa harap nito. Pinag-aralan niya ang bawat parte ng mukha, at maliit na katawan ng pamangkin. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at tinitigan sa mga mata. "Thank God! You're okay," garalgal niyang bigkas habang mahigpit na nakakapit sa balikat nito. "Uncle North?" "Yes, yes, East. I'm your Uncle North, your Uncle Hawk, remember?" Nakangiting pag-papaalala niya sa tawag nito sa kaniya nang minsang bumisita ito sa kanila sa Texas. Tumayo si Selena nang yakapin ng binata ang pamangkin. Napangiti siya ng maliit nang makita kung gaano kasaya ang mukha ng tiyuhin nito, may nasisilip din siyang iilang luha sa magagandang mga mata ng binata, magaling lang talaga ito magkontrol para hindi tuluyang bumagsak. Sinakop ni North ang katawan ni East gamit ang magkabilang braso habang nakatingala sa kisame. Kung may ipagpapasalamat man siya sa Diyos ay iyon 'yong kayakap niya ang pamangkin ngayon. May pagkakataon pa siyang alagaan, ingatan at protektahan ang bata sa lahat ng mga taong nagtatangka sa buhay nito. "I'm taking East with me." "H-ha?" nabingi yata si Selena buhat sa narinig. Kasalukuyan siyang nasa kusina para maghanda ng pagkain para sa mga ito. Binitiwan niya ang hawak na baso, at humarap sa tiyuhin ng bata. Sandali pa siyang natigilan, at napakurap nang magsalubong ang mga mata nila nito. "Isasama ko na si East ngayong gabi." "Pero, bakit?" "What do you mean why?" natatawang sarkastiko nitong saad. "Ba- bakit mo siya kukunin?" naguguluhang niyang usisa habang nag-umpisang rumaragasa ang emosyon. "Bakit ko siya kukunin?" "Obviously, East, he is my nephew. He is my family and my responsibility."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD