Napapikit si Selena habang matiyagang nakaupo't naghihintay sa loob ng sasakyan ni Greg. Iniwan siya rito ng pulis, at pumasok sa loob ng Castellana's Company. Naiinis pa rin ang dalaga dahil hindi talaga siya hinayaan ng tiyuhin ng alaga na pumasok, at tumulong sa loob. Nang imulat niya ang mga mata ay natanaw niya nang palabas si Greg. Hindi na siya nakatikis na hintayin na lamang ito sa loob. Kaya umibis siya ng police car. "Ano na, Greg?" "Nakita na ba si East?" magkadaupang palad na tanong ni Selena habang nakamulagat sa binata. "Hindi pa pero inutos na ni North na i-check ang mga CCTV. Huwag ka nang mag-alala." Napahinga siya nang malalim, at napaisip. Sigurado namang nasa loob pa rin ang bata pero hindi pa rin dapat sila makampante. Hindi ibig-sabihin na nasa loob ito ay wala

