"North-" "It's okay. You can go," awat, at kasing lamig ng yelo ang boses ng kaniyang amo. Tinitigan lamang ni Selena ang among nakaupo. Nakatuon ang mga mata sa screen ng laptop. Hindi niya alam kung dahil sa sinag ng araw dito sa veranda kaya masama ang mukha nito. Linya-linya ang mayroon sa noo ng binata. Nagtaas ng tingin si North, at nagsalubong ang kanilang mga mata. "Day off mo pala ngayon. Hindi mo naman kailangan magpaalam. It's your right, you can go wherever you want with Greg." Habang sinasabi niya iyon ay hindi niya pinuputol ang pakikipagtitigan niya sa dalaga. "Ganoon ba?" Muli nang nagtungo si North dahil sa sinagot ni Selena. Kahit gusto niyang magalit ay wala naman siyang karapatan. Wala rin siyang lakas, sobrang pagod ang isip at katawan niya sa trabaho. "Iyong

