Nang bumukas ang pinto ng kotse ay agad na inabot ni North ang pamangkin. Nakatulog na ito habang nasa biyahe. Habang karga ang bata ay hinintay pa ng binata na makababa si Selena bago naglakad. Bitbit niya ang ilang bag habang nasa likod nito. Sandali pa siyang napatigil habang pinanonood ang malapad na likuran ng amo. At ang mukha ng alaga, ang sarap ng tanawin na ito. Hanggang sa mapalingon ito sa kaniya. Huminto din ang binata sa paglalakad. "Why?" takang tanong ni North. "H-ha?" "Wa-wala," sagot ni Selena. "Tara na," Tumango pa ito para yayain siya. "Sige." Maingat na ibinaba ng binata ang pamangkin na mahimbing na ang tulog. Tumuwid siya, at pinanood lamang ang dalaga na hinuhubad ang suot na sapatos ng bata. Umupo ito sa tabi ni East bago nilagyan ng kumot hanggang dibdib.

