"North-" "Don't let anyone in," harang agad ni North sa sasabihin ni Anna habang sinasalubong siya sa tapat ng pinto ng opisina niya. Nakanga-ngang nilagpasan nila ang kaibigan ng amo, hatak-hatak pa rin siya sa kamay ng binata. Dinala ni North si Selena sa isang silya bago tuluyang umupo. Inokupahan nito ang nasa gitnang silya, at inilapag ang hawak na lunch bag. Alangang tiningnan niya ang amo. Madilim pa rin ang anyo nito habang binubungkal ang dala-dala niyang pananghalian. "Para kanino 'to?" "Kung hindi para sa akin?" Parang bubuyog ito nang bulong nang bulong. Nagsisimula na ang binata na ilabas ang laman ng bag. Napatingin si North nang tulungan siya ng dalaga sa paglabas ng mga tupperware. Hanggang sa hinayaan niya na lang ito, pagkaraan sumandal siya at pinanood na lamang

