Alinlangang tingin ang ibinato ni Selena sa dalawang binata. Magkatabi ang mga ito sa sofa habang walang kibuan. Ewan niya ba kung imagination niya lamang ang nararamdamang tensyon sa pagitan ng mga ito. Lihim niyang itinuon ang mga mata kay Greg. Hindi naman niya mahuhusgahan kung galit ang mukha ng pulis. Sa wari ng dalaga ay parang nag-iisip ito ng malalim. At nang kay North naman lumipad ang mga tingin niya ay napakurap siya. Nakahalukipkip, nakatitig sa sahig ang binata habang may linya ang maputi nitong noo. Mukhang badtrip! "Hi, ma'am! Check lang po," sambit ng nurse nang pumasok sa loob, at nagtungo sa tabi ni Selena. Ngumiti siya, at inihanda ang sarili sa kung anong gagawin nito. Habang may kung anong inililista sa hawak na clipboard ay napalinga siya nurse nang bumulong i

