Maganda ang ngiti sa labi ni Selena, at North habang pinanonood si East na tumatakbo, palapit sa kanila. Nakasuot ito ng private uniform school. Habang bitbit sa kamay ang isang cute na lunch box. Marahang ibinato niya ang tingin sa tiyuhin nito. Naroon pa rin sa mapulang labi ng binata ang matamis na ngiti habang sayang-saya ang mga matang pinagmamasdan ang pamangkin. "You look good, li'l buddy!" puri ni North kay East nang huminto ito sa tapat nila. "Thank you, Uncle Hawk." Hinawakan niya ang buhok nito. Hindi na niya ginulo, katulad nang nakasanayan niya. Luminga siya sa katabing dalaga, nahalata pa niyang nagulat ito kaya natawa siya. "He looks good, right?" "O-opo naman po," natatarantang sagot ni Selena, at nagmamadaling itinuon ang atensyon sa alaga. "Mana sa akin?" "P-po

