Katatapos lamang ng meeting ni North sa isa sa mga high class restaurant sa isang big time na investor. Nakaupo pa sa silya ang binata, at kahit papaano ay kumakain. Hindi na kasi siya nakapag-almusal, nalipasan na rin ng tanghalian. At ngayon halos maghahapon na. Marami kasi kailangang unahing trabaho kaysa sa kaniyang pagkain. Akmang isusubo niya ang huling hibla ng pasta nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nabitin pa siya, at ibinaba iyon. "Sir North," nag-aalalang tinig ang bumungad sa kaniya. "Manang Garing, what's wrong?" "Masama po ang pakiramdam ni East. Kanina pa nga po, hindi kumakain," sagot ng matanda. "Ganoon ba? O, sige, sige." "Maaga na lang akong uuwi. Can I talk to him?" "Sige po, teka lang." Ilang minuto nang marinig niya ang tila mahinang boses ng bata. Nakad

