"Nahuli ninyo ba?" tanong ni North nang bumaling ng tingin kay Diether. "Sorry, Sir North. Pero hindi po," Nakatungong paghingi nito nang paumanhin. Nasapo niya ang noo, sinalat-salat iyon. Sumakit ang ulo ng binata sa ibinalita nito. Parang palos sa dulas ang nagtatangka sa buhay ng dalaga. Nang marinig ang paghikbi ng dalaga ay nilapitan niya ito, at hinawakan sa braso. "Umupo ka muna," magaan niyang anang dito habang alalay umupo. Kahit naiilang ay tumabi na si North kay Selena. Nakatuon lamang ang mga mata nito diretso sa kawalan. Napakurap siya, at umusod pa palapit dito. "Ang totoo niyan, Sir North. May dalawa pang guard ang nasaktan. May dalang kutsilyo ang gustong pumatay kay Miss Selena." "Kutsilyo," gigil niyang usal. Iniyukom niya ang kamao, huwag lang talaga magpapahag

