"Sila lang po ang nasa loob ng unit." "Sila lang po ang nasa loob ng unit." Paulit-ulit iyong naririnig ni North sa isip. Parang isang sirang plakang nakadikit sa kaniyang tainga. "Oh, damn it!" gigil niyang wika, at ang nakayukom na kaliwang kamao ay halos madurog ang lamesa nang ikalampag niya roon. Bwisit siyang sumandal sa kinauupuan. Napapagod siya sa kaiisip kung anong ginagawa ng babeng iyon, at ng kaibigan nang sila lamang ang nasa loob ng unit. Tumindig ang nayayamot na binata, at nagpalakad-lakad, pabalik-balik. Para bang sinisilihan ang kaniyang pwetan. Hindi siya makapag-pokus sa harap ng laptop sa kabila ng sangkaterbang trabahong dapat niyang unahin. Naiisip pa lamang ni North kung anong puwedeng mangyari sa dalawa ay gusto na niya agad lumipad sa bwisit na apartment bu

