Chapter 3
Mabilis lang ang naging pagturo ni Sir. Jarred Nakakahanga ang pagpaliwanag niya sa lesson, talagang maiintindihan namin.
Naging mabilis lang din ang buong araw ko, namalayan ko nalang naglalakad na ako pauwi.
Malayo pa lang ay tanaw ko na ang bahay namin at tila na-excite ako bigla nang makitang may mga bata ro'n. Patakbo't-lakad ako para mabilis na makauwi.
Pagkarating ko sa bahay agad na sinalubong ako ng mga kapwa ko bata na may kinakaing chocolate.
“Bashang dumating na kuya mo,”saad pa ni Dose.
Hindi pumasok pero nagawang makapunta dito sa bahay. Galing-galing Dose.
“K.”
Dumeretso nalang ako sa loob para makita na si kuya. Nakita ko namang nasa sala ito habang may katabing babae?
Wait? Sino naman siya? Sa pagkakaalala ko wala naman akong kapatid na babae kasi dalawa lang naman kami ni kuya.
Thirteen years ang gap sa'kin ni kuya so bale 25 years old na siya. Buong akala ni mama hindi na masusundan si kuya kaya lang sa kabutihing palad may dumating pang isang nilalang at walang iba kundi ako.
Nagtatrabaho siya sa Dubai at ngayon lang siya nakauwi sa loob ng tatlong taon.
“Oh Bashang and'yan ka na pala,”saad ni kuya bago lumapit sa'kin.
Hindi na ako nagulat nang bigla ako nitong kargahin. Agad naman akong napangiti sa ginawa nito. Miss ko na kayang kinakarga ni kuya.
“Namiss kita kuya,”nakangiting saad ko bago yumakap.
Yinakap naman ako nito pabalik at agad na ginulo ang buhok ko. “Laki mo na ah?”
Agad naman akong umangal sa paggulo nito ng buhok ko.
“Kuya naman eh...”
Natawa nalang ito sa inasta ko. Naglakad naman siya patungo sa babaeng katabi niya kanina.
“Babe, ito nga pala si Bashang. Kapatid ko,”pagpapakilala pa ni kuya.
Babe?
Agad naman siyang napangiti kaya gumanti na rin ako.
“Hello Bashang, I'm Thalia Jammie Diño but you can call me ate Thalia. Girlfriend ako ng kuya mo,”pagpapakilala pa niya.
“Akala ko babe po pangalan mo ate, Thalia pala...”
Agad naman nagkatinginan sila ni kuya bago sabay na natawa.
Anong meron? Anong nakakatawa sa sinabi ko?
“Tawagan namin 'yon ng ate mo Bashang,”ani pa ni kuya.
Ah tawagan.
Ma-try ko nga rin kay kuya Tyler.
Speaking of kuya Tyler, biglang nanlaki ang mata ko nang iluwal siya ng cr namin.
Bigla itong lumabas.
Wait bakit siya nandito?
Dahil sa pagkagulat, dali-dali akong bumaba mula sa pagkakakarga ni kuya.
Baka isipin niya feeling baby pa ako huhu.
“Bata?”gulat na tanong nito sa'kin.
“K-kuya Tyler...”nag-aalangan pang sabi ko.
“MAGKAKILALA NA KAYO?”sabay na tanong ni kuya at ni ate Thalia.
“Oo,”sagot ni kuya Tyler.
“Opo,”sagot ko naman.
“Pa'no?”kunot-noong tanong ni ate Thalia.
“Isa siya sa estudyante na tuturuan namin ate,”sagot naman ni kuya Tyler.
Ate?
“Oh okay-----nga pala Bashang tutal magkakilala na kayo. Itong si kuya TJ mo ay kapatid ko.”nakangiting sabi ni ate Thalia.
Magkapatid.
Naku pa'no na 'yan?
Girlfriend ni kuya si ate Thalia na siya namang kapatid ni kuya Tyler.
Papayag kaya sila na maging boyfriend ko si kuya Tyler?
Pwede ba 'yon?
Magjowa sila tapos magiging magjowa rin kami ni kuya Tyler.
Hala!
B-babe...
Chapter 4
“Kapatid mo pala si kuya Blour?”
Andito kami sa balkonahe.
Natawa naman ako sa tanong nito, “Kapatid mo pala si ate Thalia?”hindi rin makapaniwalang tanong ko.
Sabay kaming natawa.
“Maybe we're destined to each other bata,”nakangiting saad nito bago tumingin ng deretso sa mga mata ko.
Ano raw? Kailangan ba talaga umenglish?
“A-ano po?”tanong ko naman.
Muli na naman siyang natawa. “Wala, sabi ko ang cute mo.”
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.
“Naku kuya Tyler ha? Baka mamaya malalaman ko crush mo na pala ako.”pagbibiro ko pa.
Natawa na naman siya. Agad naman ginulo nito ang buhok ko.
“Masyado ka talagang madaldal bata hahaha,”
Bigla akong napangiti dahil sa pagtawa niya. Ang cute talaga niya kapag nalabas ang dimple.
“Bata?”biglang pagtawag nito.
“Po?”
“Isa ba sa nagturo sainyo kanina si Jarred Gonzales?”
Biglang pumasok sa isip ko 'yong kanina.
“Opo kuya, ang galing niya nga po magturo eh. Talagang maiintindihan namin kasi napakalinaw ng pagpapaliwanag niya.”
“Oh I see...”
“Ikaw kuya?”deretsong sabi ko.
“Ano ako?”
Lutang ata si kuya Tyler.
“Bakit po crush mo ako?”biro ko pa.
“Ewan ko rin------wait what?”gulat na tanong niya.
“Hala HAHAHAHHAAHA lutang ka kuya,”tumatawang sabi ko.
Nahawaan naman siya sa tawa ko.
-----
KINABUKASAN...
“TJ at Bashang sumabay na kayo sa'min mamaya, tutal dadaanan din namin ang school niyo.”biglang sabi ni ate Thalia.
May kotse na sila kuya, pinag-ipunan nilang dalawa ni ate Thalia. Pareho silang nurse sa Dubai at do'n din sila nagkakilala.
“Naku ate hindi na po,”pagtanggi ko pa.
“Bashang sumabay kana para hindi kana maglakad,”saad naman ni kuya.
Umiling ako.
“Kuya hindi na po, mas gusto kong maglakad para exercise na rin.”
Napatingin naman sila sa'king tatlo.
“Seryoso ka?”sabay-sabay na tanong nila.
“Mukha po ba akong nagbibiro?”pamimilosopo ko.
Natawa naman sila, “Nakakatuwa ka naman Bashang kasi kung ibang bata 'yan mas gugustuhin nilang sumakay kaysa lumakad.”
Sila 'yon.
“Malapit lang naman po kasi ate kaya mas gugustuhin ko nalang maglakad,”ani ko pa.
“Oh sige... Ikaw naman TJ? Sasabay kana ba sa'min?”tanong niya naman kay kuya Tyler.
Napatingin naman ako sakanya at hinihintay ang sagot nito.
“Hindi ate, sasabayan ko nalang siya sa paglalakad.”pagtukoy niya sa'kin.
Lihim naman akong napangiti.
“Mabuti 'yan Tyler para may magbabantay sa kapatid ko,”wika naman ni kuya.
Mas lalo akong napangiti.
“1 week ko lang naman siya kuya mababantayan,”saad naman ni kuya Tyler.
Ay oo nga pala.
“Oo nga pala noh? Ayos lang 'yan.”
Dito muna makikitira si kuya Tyler sa loob ng isang linggo kasi andito naman si ate Thalia. Sa totoo lang dapat sa school namin siya matutulog kaya lang naipagpaalam naman siya.
“Tara na bata,”aya pa niya sa'kin.
Agad ko namang kinuha ang bag ko at akmang ilalagay ko na 'to sa likod nang biglang hablutin niya ito.
“Ako na magdadala,”
Lah si kuya talaga oh!
“S-sige po...”
Patuloy na kami sa paglalakad nang muli siyang magsalita.
“Hawak-kamay naman tayo bata para holding hands while walking kuno,”natatawang sabi ni kuya Tyler.
HHWW?
HALA!
“Eh 'di ba kuya para lang 'yon sa magjowa? Hindi naman tayo magjowa ah?”kunot-noong tanong ko.
“Sa ngayon, hindi pa...”
Chapter 5
“Sa ngayon, hindi pa...”pahina nang pahinang sabi ni kuya Tyler.
“A-anong ibig mong sabihin kuya?”kunot-noong tanong ko.
Napangiti naman ito, “Wala! Sabi ko tara na,”aniya pa niya bago kinuha ang kamay ko at hinila ako nito.
Hanggang sa sabay na kaming naglakad. Kinuha ko naman agad ang kamay ko.
Habang naglalakad bigla naming nakasalubong ang grupo nina Sheena. Mga maldita grupo nila, mga pala-away hindi naman kagandahan.
Mga kasing-edad lang nila si kuya Tyler.
“Hoy Bashang, gwapo ng kasama mo ah? Pakilala mo naman kami,”ani pa ni Sheena.
Lantod noh?
Napatingin naman ako kay kuya Tyler at bigla itong napailing na para bang sinasabing 'wag siyang ipakilala.
“Ayoko,”pagtanggi ko pa.
“Wow Bashang? Ayos ka ha? Kaano-ano mo ba 'yan? Napakadamot mo ah?”sabi naman ni Hazel.
“May jowa kana kuya?”malanding tanong ni Paula bago pasimpleng humaplos sa braso ni kuya Tyler.
Tila biglang nag-init ang ulo ko sa ginawa niya.
Tatanong lang tapos may pahaplos? May gano'n?
Napansin ko naman ang pasimpleng pag-iwas ni kuya Tyler. “Why you are asking?”masungit na tanong nito.
Hala si kuya Tyler ba talaga 'to?
“Woah englishero!”sabay-sabay na sabi nila.
“Ano... I asked because ano... I'm ano- I'm...”hindi makuha ni Paula ang idudugtong.
Trying hard mag english.
“You are?”tanong pa ni kuya Tyler na siyang hinihintay pa ang sagot.
“Pretty,”masiglang sagot niya.
Anong connect?
Hindi nalang ito pinansin ni kuya Tyler at agad akong hinila para talikuran na sila.
“Ang sungit-sungit hindi naman gwapo!”sigaw pa ni Paula.
Muling napaharap si kuya Tyler.
“Did I say that 'I'm gwapo'? As far I know, I didn't said that,”masungit pa ring sabi niya.
Napairap na lamang si Paula at tinalikuran na nila kami.
Buti nga sainyo.
Pero ano...
Ano kayang meaning ng sinabi ni kuya Tyler? Wala akong naintindihan eh. Ba't kasi english? Bobo pa naman ako.
Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad.
“Kuya ano meaning ng sinabi mo?”tanong ko pa.
Napatingin naman siya sa'kin.
“Alin do'n?”
“‘Yong sinabi mo kay Paula bago niya tayo tinalikuran,”sagot ko pa.
“Ah 'yon? Wala, ang sabi ko pangit sila.”nakangiting sagot nito.
Napangiti naman ako.
Sabagay pangit nga naman sila ta's feeling magaganda.
Napansin ko naman ang lihim na pagtawa nito at napailing-iling pa. Pinagsawalang bahala ko na lamang ito.
-----
“Pasok na ako sa room ko kuya Tyler, ingat ka.”paalam ko pa.
“Sige bata, mamaya sabay ulit tayo pag-uwi ha? Susunduin kita sa room mo,”saad pa nito.
Nanlaki naman bigla mata ko.
“S-sige kuya Tyler...”
Ako naman ang lihim na napangiti nang tuluyan na akong pumasok sa room.
Hinatid niya pa kasi talaga ako dito sa room at hinintay makapasok.
“Hoy Bashang! Bakit kasama mo si sir Tyler? Ikaw ha!”bungad naman sa'kin ni Tina.
Tsismosa din 'to eh.
“Sa bahay muna siya natuloy kasi ando'n din kapatid niya na si ate Thalia na siya namang girlfriend ni kuya.”paliwanag ko pa.
“Ah kaya pala...”tumatango-tango pang sabi niya.
Napatango nalang din ako.
“Nga pala, kanina hinahanap kasi siya ni ma'am Fiona,”saad pa nito.
Napakunot-noo naman ako.
“Sino naman 'yon?”
“Girlfriend daw siya ni sir Tyler, grabe ang ganda niya. Bagay na bagay silang dalawa.”
Girlfriend?
May girlfriend siya?
ITUTULOY...