Ceres POV GRADUATE na kami!! Masaya kami na nakapag tapos na kami ngayong araw na ito, sa wakas natapos nadin ang mga lahat ng paghihirap namin at nagbunga lahat ng pagsisikap namin. Ito na nga kami sa university at nagsisimula na ang program. Napatingin naman ako sa upuan kung saan naka upo si daddy, syempre siya ang kasama ko na maglakad papuntang stage. Lumawak ang ngiti ko nang makita si daddy at kumaway ito sa akin. Nabaling din ang tingin ko sa audience bench kung saan naka upo ang ninong Mavroz ko, prenting naka upo ito habang nakatitig sa akin, nasa akin lang ang pukos niya pero di niya pinapansin ang mga babae sa paligid niya na panay na pa cute sa kanya. Lahat ng tao na malapit lang sa kanya ay nasa kanya ang atensyon, napaka elegante nga naman niyang titigan kahit hindi n

