Ceres POV "Ma chérie!.." Napalingon naman ako kay kuya Morvan, alam na alam ko dahil sa pagtawag niya sa akin. Napangiti naman ako at kumaway sa kanya, naglakad na ito papalapit sa akin at pansin ko agad ang mga mata ng mga babae dito sa loob ng restaurant na nakatutok kay kuya Morvan. Marami naman talagang mapapalingon dahil sa angking ka gwapuhan niya, magkatulad talaga sila ni ninong. Pero kahit ganun ay bakit hindi ko padin magawang ibaling ang pagtingin kay kuya Morvan, halata ko naman talaga na may gusto ito sa akin pero ako lang itong pinapanatili ang relasyon namin bilang magkaibigan, mas gusto ko na ganito lang kaming dalawa. "I miss you!" Agad na yumakap sa akin si kuya Morvan, nabigla pa ako pero agad ko din naman siyang niyakap, kitang kita ko kung paano mag bulungan an

