Ceres POV Pagkatapos ng introduction tungkol sa akin ay nagsimula na nga ang 18 roses. Tumayo ako at pumunta sa malawak na pabilog na sahig at nagsimula na ngang tumugtog ang malamyos na musika, hindi padin mawala ang ngiti ko ngayon. Ang ibang makakasayaw ko ngayon ay mga kaklase ko kasama si etang dahil kahit pusong babae ito isinali ko padin ito kahit ayaw nito pero dahil pumayag si ninong ay umu oo ito agad. Hindi din mawawala si Kyren na kahit ayaw pa sana ni ninong ay ako pa ang nagpumilit na isali nalang ito, kaibigan ko si kyren at wala nga itong nagawa para hindi na masira ang mood ko ngayon. Nagsimula na nga kami sa unang makakasayaw ko tig isang minuto bawat lalaki. Hanggang sa umabot na nga ng 16 roses at si etang na ang kasayaw ko ngayon. "Bakla, alam mo ba kanina pa n

