Third Person's POV Mariing napapikit si Ceres habang mariin niya ding hinawakan ang ballpen na hawak niya, kung madali lang sana iyong mabali ay kanina pa niya nabali ito dahil sa higpit ng hawak niya. Kahit anong gawin niyang pag pukos sa kanyang binabasa at pag kabisado sa mga ito ay di niya magawang ma memorya. Nang gigigil na nga siya dahil sa sobrang inis na nararamdaman niya ngayon, nakailang ulit nadin siyang napapahugot nang malalim na paghinga. "My gosh! ang ingay nila!!" Marahas siyang napatayo kasabay nang pagbagsak ng dalawang kamay niya sa mesa. "Hindi na makatarungan ang ginagawa nila ngayon! paano ako makakapg pukos kung anlakas naman maka ungol ng bruhang iyon!" Inis niyang turan sa sarili, hindi na nga niya kaya pang makinig sa mga ito. Hindi na nga siya nakatiis

