Third Person's POV
“Anong sinabi niyo daddy?!!”
Marahas na napatayo si Ceres mula sa pagkakaupo sa sala, kadarating niya lang galing sa school at ramdam niya ang pagod sa katawan dahil sa dami ng activities na ginawa nila kanina, medyo late na nga siyang naka uwi. Wala siyang ibang gustong gawin kapag nakauwi siya ay humiga sa kama at magpahinga.
Pero hindi niya inaasahan na ito ang ibubungad ng daddy niya sa kanya.
Bakas sa mukha ng kanyang ama ang labis na pagkabalisa, hindi na maipinta ang mukha nito at hindi na makatingin sa kanya ng maayos.
“A-anak, wala na akong choice.. i-i'm sorry..”
Nauutal nitong saad sa kanya, naging malikot nadin ang mata nito, ramdam niya ang frustration na lumukob ngayon sa sistema niya, para ata siyang nahihilo dahil sa pinagsasabi nito.
“Sabihin niyo sa akin na nagbibiro lang po kayo! Na isa lamang itong kalokohan! Daddy naman!”
Stress niyang singhal dito, halos matampal niya na ang noo niya pati sarili niya ay gusto niya na tuloy sabunutan.
“Ceres anak, malaki na ang utang ko sa ninong Mavroz mo..sampung milyon na..at hindi lang iyon..meron pa—-”
“Ano po??! S-seryoso po ba kayo daddy??!!”
Halos malaglag ang panga niya dahil sa rebelasyon nito, ang mga mata niya ay halos lumuwa na nga dahil sa sobrang gulat.
Gusto niyang murahin ang kanyang ama dahil sa pinaggagawa nito sa buhay, ang pagpapahirap nito sa kanya, simula nang mawala ang mommy niya ay nagkanda leche- leche na ang buhay niya, dahil naging lugmok na nga ang daddy niya sa mga bisyo, lalo na sa pagsusugal. Pati ang kompanya na pinaghirapan ng mommy niya ay na bankrupt na dahil sa kapabayaan ng daddy niya at ngayon naman ito ang ibibigay na problema sa kanya.
Gusto na lamang niyang maglumpasay nang iyak dahil sa sobrang inis at galit na nararamdaman niya ngayon.
Nanghihinang napaupo na lamang ulit siya sa sofa, nawalan na nga ng lakas ang tuhod niya at unti unti na siyang naiiyak dahil sa kamalasan niya ngayon, tulala na lamang siyang napatitig sa kawalan.
Naramdaman niya ang paglapit ng kanyang ama at lumuhod ito mismo sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya.
“A-anak I'm sorry..h-hindi ka naman mahihirapan doon kay ninong Mavroz mo..aalagan ka parin niya..mamamasukan ka lang bilang ka—--”
Tuluyan na nga siyang naiyak pa sa sinabi ng kanyang daddy kaya napatigil ito sa pagsasalita, piniksi niya ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya.
“W-why daddy? Bakit niyo ako pinapahirapan ng ganito? B-bakit niyo kailangang gawin sa akin ito?? Bakit?!!!”
Singhal niya dito, namumuhi siya sa kanyang ama. Pinanlisikan niya ito ng tingin at bakas sa mukha nito ang labis na pagsisisi kaya agad itong nag iwas ng tingin sa kanya.
“Simula nang mawala si mommy ay nagsimula na ang kalbaryo ko sa inyu..lahat ng problema niyu sinasalo ko!! Lahat ng mga taong naghahanap sa inyu ako ang humaharap sa kanila! Lahat ng kahihiyan tinanggap ko daddy!! Pero ito ang hindi ko matatanggap..ang gawin niyong pambayad sa utang ninyu!! Hindi na kayo naawa sa akin!!”
Nasusuklam niyang gagad dito, humagulgol na nga siya ng iyak, nagmadali na siyang tumayo pa at umakyat patungong kwarto niya. Nang makapasok siya ay agad niyang nilock ang pinto at sumampa sa kama at doon binuhos lahat ng sama ng loob niya sa kanyang ama.
Sa lahat ng pwedeng gawin ng ama niya ay ang gawing pambayad ay hindi niya matatanggap. Lalo pa sa kanyang ninong Mavroz na kilalang malamig kung makitungo at nakakatakot pag nagagalit, base nadin sa narinig niya sa ibang tao. Kilala kasi ito sa larangan ng negosyo isa itong business tycoon dito sa pilipinas kaya maraming nakakakilala dito at likas na dito ang malamig at masungit na awra.
Although hindi naman ito ganun sa unang pagkikita nila, naalala niya nung sampung taon palang siya mismo sa kaarawan niya ay nakilala niya na ang kanyang ninong Mavroz, natulala pa nga siya sa angking kakisigan nito lalo na ang gwapong itsura nito. At mas lalo pang gumagwapo kapag ngumingiti ito ng matamis sa kanya.
Pero makalipas ang ilang taon ay malaki ang pinag bago nito, ibang iba na ito ngayon kesa noon. Hindi niya alam kung anong dahilan, pero hindi din naman siya interesadong malaman. Ganoon na lamang ang nararamdaman niyang kaba at takot dito,kaya hindi niya matatanggap na ginawa siyang pambayad ng kanyang ama dito.
Parang hindi niya yata kayang pakisamahan ito, matalim ang mga mata nito kung tumitig ni walang emosyon at palaging madilim ang awra nito, nasabi lang naman niya dahil nakikita niya ito minsan sa television ni hindi ito marunong ngumiti sa kapwa tao nito.
Kaya hindi niya kakayanin ang tumira kasama ito, hindi niya alam ang magiging buhay niya doon, at gagawin pa talaga siyang katulong. Paano na lamang ang pag aaral niya may dalawang semester pa siyang kailangan tapusin at ga-graduate na siya, kaya hindi pwedeng hindi siya makapag aral.
Nasusuklam siya sa kanyang ama dahil sa binibigay nitong problema sa buhay niya, kung sana nabubuhay pa ang mommy niya ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Napahagulgol na naman siya ng iyak ng maalala ang namayapang ina, mag iisang taon palang nang mawala ito. Pero araw araw niya itong namimiss, mag de-debut pa naman siya sa susunod na buwan pero mukhang hindi magiging masaya ang magiging kaarawan niya, ang espesyal na araw niya.
Hanggang sa nakatulugan na lamang niya ang kakaiyak.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising dahil maaga ang pasok niya, nang makapag handa na siya lahat ay lumabas nadin siya ng kanyang kwarto, medyo namumugto ang kanyang mata kaya nilagyan nalang niya ng concealer para hindi gaanong halata ang namumugto niyang mga mata.
Nang makababa na siya ay nasa hapag na ang kanyang ama.
“Anak mag breakfast kana..”
Gusto pa sana niyang kumain pero masama parin ang loob niya sa ama niya kaya imbes na mag tungo siya sa lamesa ay hindi niya na tinuloy pa.
“Doon nalang po ako kakain sa school..nagmamadali po ako..”
Saad niya dito at nagmadali nang lumabas ng bahay, nakita niya pa ang reaksyon ng papa niya pero mas nanaig parin ang galit at inis niya dito.
Nang makalabas na siya ng kanilang bahay ay agad siyang sumakay ng taxi, at ilang minuto ang byahe ay nakarating nadin siya sa Ramoz University kung saan siya nag aaral.
“Ceres..”
Napalingon naman siya sa tumawag at lumawak ang ngiti niya nang makita ang bff niyang si Lena.
“Nakagawa ka ba ng assignment mo?”
Agad na tanong nito, namilog naman ang mata niya dahil nakalimutan niyang gawin ang assignment niya dahil nadin sa nangyari kahapon at umiyak lang siya buong magdamag hanggang sa nakatulugan niya na nga at nakalimutan na may assignment pala siyang kailangan gawin, at math pa talaga.
“Shet! Nakalimutan ko..”
Natampal niya ang kanyang noo dahil sa labis na pagkadismaya. Narinig naman niya ang halaklak ng bestfriend niya.
“Himala, hindi mo naman nakakalimutan mga assignment mo ha..may nangyari ba?”
Sa huling sinabi nito ay may pag aalala na ito, napa iwas naman siya ng tingin sa kaibigan niya.
"Don't worry pakopyahin nalang kita mamaya.."
Nakangiting saad nito, natuwa naman siya dahil hindi na nag usisa pa ang bff niya, al din kasi nito ang mga nangyayari sa buhay niya.
“Hooyy! Mga bruha!!”
Sabay naman silang napatingin sa babaeng papalapit sa kanila ngayon, walang iba kundi ang isa pa nilang kaibigan na si Roxanne ang happy go lucky sa kanilang tatlo, si Lena naman ay pa nerd type at siya ay pa normal type lang pwede siyang maging cold, masungit,maldita at maging wild kung kinakailangan. Mabait din naman siya kung sa mga taong deserving naman ng kabaitan niya, ganun siyang klase ng tao.
“Bat kaba tumatakbo??”
Tanong pa niya dito, humahangos kasi ito papalapit sa kanila kaya nagtataka tuloy siya kung bakit kailangan pa nitong tumakbo.
“Tara samahan niyo ako! May macho papa na bisita ang ating prinsipal..”
“Ano, ayaw—-”
Hindi niya na natapos pa ang sasabihin niya dahil bigla nalang silang hinila nito, wala na nga silang nagawa kundi ang nagpatianod sa kaibigan nilang mahilig din sa macho at gwapong mga lalaki.
“Tingnan niyo yung lalaking yun, sobrang gwapo at macho! Ang yummy niyang tingnan! Eeeh!”
Sabay naman silang napatingin sa deriksyon kung saan tinuro ng kaibigan nila, marami nga ang mga istudyanteng napapatingin doon sa lalaking matangkad at kaharap nito ang kanilang prinsipal na si Mr. Santos.
“Di naman kita ang mukha eh..”
Reklamo naman ni Lena dahil di naman talaga nila makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa kanila.
“Ay teka, dito tayo dalii!!”
Hinila na naman silang dalawa sa pwesto kung saan makikita na nila ang mukha nang lalaki.
Nanliit ang mga mata ni Ceres habang mataman na tinitigan ang lalaki, pamilyar ito sa kanya at nang mabaling nga ang tingin nito sa kanya ngayon ay ganun na lamang ang pamimilog ng mata niya nang makilala ito.
Agad na nagtama ang paningin nilang dalawa kaya ganun na lamang ang pagkabog ng dibdib niya.
“Ninong Mavroz??”
Mahinang muntawi niya, sapat na iyon upang hindi marinig ng mga kaibigan niya.
Napalunok na lamang siya ng laway nang mag iba ang tingin nito sa kanya, matalim at malamig na nagpatindig ng balahibo niya ngayon sa braso.