Third Person's POV
Nang maipasok ni Ceres ang kanyang mga gamit sa magiging kwarto niya ay agad naman siyang lumabas, ni hindi man lang niya napagmasdan ng maayos ang kwarto niya pero kahit sandali lamang niya iyong natingnan ay nagustuhan niya parin ito dahil katulad lang sa kanyang kwarto doon sa bahay nila.
Naglalakad na nga siya kung saan ang office room ng kanyang Ninong Mavroz, naitanong niya na kanina kay manang selya kaya alam niya na kung saan ito.
Gusto niya din naman kausapin ang ninong Mavroz niya tungkol sa kanyang pag aaral, hindi pwedeng hindi siya mag aral dahil konti na lamang at ga graduate na siya sa kursong Accountancy ito nalang ang magagawa niya para sa namayapang ina dahil pinangako niya dito na magtatapos siya ng pag aaral niya.
Napahugot na lamang siya ng hangin at kumatok na nga sa pinto, nakadalawang katok siya bago marinig ang boses ng Ninong Mavroz niya kaya pinihit niya na ang seradura at agad na pumasok, agad niya namang nakita ang kanyang ninong na naka upo at nakatutok ang atensyon nito sa laptop, may suot din itong eyeglasses na sa wari niya ay anti- rad glasses.
Hindi na naman niya mapigilang hindi mapatitig dito, mas naging gwapo kasi ito sa paningin niya dahil sa suot nitong eyeglasses, hindi niya tuloy mapigilang hindi mapalunok at bahagyang napanganga.
"A-andito na po ako Ninong.."
Nag angat naman ito ng tingin sa kanya at tiniklop nito ang laptop at tinanggal ang eyeglasses nito at tumayo, nakatitig lamang siya dito.
"Sit down there, Ceres.."
Turo nito sa pang isahang sofa at ito naman ay naupo sa katapat na pangdalawahan na sofa.
Sumunod naman siya sa sinabi nito at ngayon nga ay magkaharap na silang dalawa, prenting nakaupo ang ninong niya habang naka dekwatro.
"Alam mo na diba kung bakit ka nandito sa poder ka?"
Mariin naman niyang nakagat ang ibabang labi niya at bahagyang napaduko.
"Opo.."
Mahinang sagot niya dito.
"At alam mo na din na pag mamay ari na kita ngayon?"
Dahil sa sinabi nito ay agad na umangat ang tingin niya at agad na nasalubong niya ang matalim na titig nito.
Hindi niya alam ang isasagot dito parang may bolang naka bara sa lalamunan niya ngayon, pero wala nadin naman siyang magagawa kahit pa umangal siya ay hindi niya pwedeng gawin, sa laki ng utang ng papa niya na sampung milyon at meron pang iba ay mukhang tatanda na lamang siya hindi niya parin mababayaran ang ganoon kalaking pera.
"You see, Ceres.."
Napatitig lamang siya dito, itinaas nito ang isang kamay at inikot nito na para bang pinapakita sa kanya ang buong paligid.
"Lahat ng mga bagay na nakikita mo ngayon ay pagmamay- ari ko, and that's includes you.. lahat ng meron ako ngayon ay pinaghirapan ko, and again.. kasama kana dun.."
Bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa sinabi nito, bakit iba ang dating nito sa huling sinabi nito sa kanya, mas lalo pa siyang nanlumo dahil pinapahiwatig lang nito na wala na talaga siyang kawala pa dito, mukhang habang buhay ata siyang maninilbihan sa kanyang Ninong Mavroz.
"N-naiintindihan ko po, Ninong.."
Mahina niyang usal dito.
"That's good to hear from you, being obedient is what i like, Ceres..so stay obedient.."
Napalunok na naman siya sa sinabi nito, ni hindi nito pinuputol ang pagtitig sa kanya kaya pasimple na siyang nag iwas ng tingin dito.
Nang ma alala niya ang gusto niyang sabihin dito ay napatingin uli siya sa kanyang Ninong Mavroz.
"Ah, Ninong may tanong lang po sana ako.."
Tumayo naman ito sa pagkakaupo at lumapit sa maliit na mesa nito na may nakapatong na alak.
"Go ahead.."
Ani nito habang nagsasalin ng alak sa mamahaling baso nito.
Humugot na muna ng hangin si Ceres bago tuluyang tumitig sa kanyang ninong na naka titig na pala sa kanya habang umiinom nang alak, naghihintay sa kanyang sasabihin. Pero naiilang na naman siya sa mga titig nitong kay lalim.
Kailangan niyang lakasan ang loob niya dahil hindi pwedeng hindi niya masabi ang gusto niya, hindi niya pwedeng isakripisyo ang pag aaral niya dahil yun na lamang ang pamana niya sa kanyang namayapang ina.
"Hindi po ako pwedeng tumigil sa pag aaral, ninong.. dahil malapit na po akong magtapos, kaya kung pahihintulutan niyo po sana na makapag aral parin po ako.."
Matapang niyang wika dito at Hindi inaalis ang titig sa kanyang Ninong Mavroz, halos hindi na nga siya humihinga at tuloy tuloy lamang ang pagsasalita niya kanina, mariin niya nading nalukot ang kanyang damit dahil sa kaba.
Hindi sumagot ang kanyang Ninong Mavroz inubos muna nito ang alak nito at naglakad na papunta sa kanya, nang makarating ito sa harap niya ay nagulat pa siya dahil umupo ito sa mesa kaya magkaharap na silang dalawa at magkalapit nadin.
Dinambol na ang kanyang dibdib dahil sa tensyon, ilang beses pa siyang napakurap dahil mas natitigan niya na sa malapitan ang gwapong mukha nito ngayon ang kulay kayumanggi nitong mga mata na kay lalim kung tumitig sa kanya, nanatili din itong nakatitig sa kanyang mukha pero hindi gaya nang dati ay matalim ang titig sa kanya.
Nag iba ang mga titig nito ngayon, naging magaan na ito na ikinagulat niya.
"Of course my dear Ceres, you can still continue your studies, but i have rules.."
Malalim pero malumanay nitong saad sa kanya, bahagya pa siyang napapitlag dahil sa paghawak nito sa kanyang takas na buhok at inilagay ito sa likod ng kanyang tenga, sobrang bilis nang t***k ng puso niya ngayon dahil sa ginawa nito, hindi na tuloy niya magawang gumalaw. May kuryente ding dumaloy sa buong katawan niya dahil lamang sa pag dampi ng balat nito sa pisngi niya.
Tumayo na ito at bumalik sa upuan nito, kaya nakahinga naman siya nang maluwag at pinakalma ang sarili.
"Una, ayaw kong umuuwi ka nang gabi..your curfew is until 8 pm only..kapag lumampas ka nang alas otso, expect your punishment from me.."
Napangiti naman si Ceres, alam niyang kaya niyang gawin iyon. Kung yun lang ang gagawin niya para makapag aral siya ay susundin niya ang mga rules ng Ninong Mavroz niya.
"Second, you need to do your job here.. specially to me, kapag wala kang pasok lalo na pag sabado at linggo ay ikaw ang maglilinis ng kwarto ko, in short."
Tumigil ito sandali at tinitigan siya, siya naman ay napalunok. Gusto man niyang mag iwas nang tingin pero hindi pwede, baka magalit na ito sa kanya at baka makahalata ito na naiilang siyang tumitig dito.
"You're going to be my personal maid.."
Napanganga na nga siya sa sinabi nito at napangiwi pa ang kanyang mukha.
"P-personal maid po?"
Nauutal niyang tanong dito, sinisiguro niya kung tama ba ang pandinig niya.
"Yes.."
Seryoso nitong sagot sa kanya.
Bagsak na nga ang kanyang balikat dahil sa sagot nito sa kanya, at alam niya din naman na hindi ito ang tipo na nagbibiro. Wala na nga siyang nagawa pa kundi ang umu oo na lamang, in the first place wala na siyang karapatan pa na umangal.
HANGGANG natapos ang pag uusap nila nang kanyang ninong ay parang nawalan na siya nang buhay, dahil bagsak lamang ang kanyang mga balikat hanggang sa makabalik siya nang kanyang kwarto.
Akala niya ay yun lang dalawang rules ang susundin niya pero marami pa pala kaya halos manlumo na talaga siya nang makalabas.
Agad niyang ibinagsak ang kanyang katawan sa malambot na kama, di na alintala na umangat na ang kanyang suot na dress kaya lumantad ang kanyang makinis na hita.
Gumaan ang pakiramdam niya dahil sa lambot nang kanyang kama at sobrang bango din sa loob ng kanyang kwarto.
Nakakarelax kaya napapikit na lamang siya, pero nakarinig na lamang siya nang katok sa pinto, awtomatik siyang napatayo dahil baka ang kanyang Ninong Mavroz ito.
Nang mabuksan niya ito ay si manang selya lang pala.
"Ma'am Ceres, ready na po ang dinner ninyu.. hindi makakasabay si Sir Mavroz dahil umalis ito sandali at mamaya pa ang balik.."
Bungad nito sa kanya, ngumiti naman siya dito.
"Sige po manang.."
Lumabas nadin siya at sumunod lamang dito, alas otso nadin nang gabi kaya nakaramdam nadin siya ng gutom.
"Pwede po bang malaman kung saan nagpunta si Ninong?"
Usisa niya dito, hindi niya nadin mapigilan pang hindi magtanong. Na curious lang din siya kasi gabi na.
"Busy na tao si Sir Mavroz, kaya marami siyang pinupuntahan, baka may business meeting o importante lang talaga ang lakad niya.."
Napatango tango naman siya.
"Ceres nalang po ang itawag niyo sa akin manang Selya, katulong din naman po ako dito.."
"Personal maid ka ni Sir Mavroz, at ang sabi niya sa amin na ma'am ang itawag sayo...at hindi namin pwedeng suwayin ang utos niya.."
Wala nadin siyang nagawa pa, at ayaw niya nading ipilit pa, mukhang napaka masunurin talaga ng mga katulong nito sa kanilang amo dahil di talaga nila sinusuway ang utos nito.
Mas lalo tuloy siyang na curious kung paano ito magalit kapag hindi sinunod ang utos nito, ngayon palang parang kinikilabutan na siya kung gaano ito ka samang magparusa.
NANG matapos siyang kumain ay agad nadin naman siyang umakyat nang kanyang kwarto, sobrang tahimik kanina habang kumakain siya dahil mag isa lamang siya sa mahabang lamesa, ayaw naman siyang sabayan ng mga katulong dito dahil mahigpit na pinag babawal iyon ng kanyang Ninong Mavroz. Apat pala lahat ng katulong dito at may isang driver.
Naninibago tuloy siya sa kanyang pagtira dito, naisip niya din sandali ang kanyang ama kung ano ang ginagawa nito ngayon.
Pero nang maisip niya ulit na ito ang dahilan kung bakit andito siya ngayon sa sitwasyon na ito ay naiinis na naman siya dito.
Nang matapos siya sa kanyang night routine at nakapag bihis na nang pantulog ay agad na siyang humiga nang kama, kinuha niya ang kanyang phone at nag check nang kanyang messenger at puno na nga ng chats galing sa tatlong kaibigan niya. Nang imbita ang mga ito na mag gala bukas dahil sabado naman, pero paano niya pa magagawa ang pagsama sa mga ito kung mahigpit ang kanyang Ninong Mavroz sa kanya, madami itong mga rules na kailangan niyang sundin.
Nag reply na lamang siya sa mga ito na hindi siya makakasama at sa lunes na lamang niya ipapaliwanag ang sitwasyon niya ngayon.
Inilagay na nga niya ang kanyang phone sa bedside table, at napatitig na lamang siya sa kesame habang iniisip ang sinabi ng kanyang ninong Mavroz na pag mamay- ari na siya nito, iba ang dating nun sa kanya. Pero alam naman niya na walang ibig sabihin iyon, para dito ay isa lamang siyang bagay. At dahil sa malalim niyang iniisip hindi na nga niya mapipigilan at nilamon na siya ng antok.