Ceres POV At dahil sabado ngayon ay kailangan kong pumunta ng mall at bumili ng mga gamit sa loob ng apartment ko, maaga nga akong nagising at nagluto agad ng breakfast ko. Syempre toasted bread at peanut butter jam lang ang breakfast ko, may kasamang kape at meron ding hotdog, tama na ito sa akin. Ito na talaga ang nakasanayan kong breakfast simula pa noon. Nang matapos ako ay agad naman akong naligo at nagbihis, sa susunod nalang din ako uuwi kina daddy dahil kakauwi ko lang din naman nung nakaraang linggo. So ngayong araw na ito ay my me time! Napangiti naman ako habang nakatitig sa salamin. "Mag gagala ako, magsasaya ako! na ako lang.." Malawak ang ngiti ko, sa susunod yung mga kaibigan ko naman ang isasama ko para mag gala at syempre ililibre ko sila, nagkausap naman kami ng

