Ceres POV Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nakaharang, paulit ulit ko mang pinupunsan ito gamit ang kamay ko pero para itong gripo na walang tigil sa pag agos. Sobrang..sobrang bigat sa dibdib, sobrang sakit na para akong pa unti unting pinapatay. Nag eecho sa isip ko lahat ng mga narinig ko, paulit ulit kaya paulit ulit din akong sinasaksak ng katotohanan na ginamit lang ako ni ninong, lahat sa akin ginamit niya. Dahil kamukha ko ang babaeng mahal niya, ang babaeng patay na. Naging repleka lang pala ako sa isang babae na minahal niya. Hindi ko mapigilang hindi mapahikbi, kahit anong gawin kong pigil ay kusang lumalabas sa bibig ko ang boses kung gaano ako nasasaktan ngayon. Wala na akong pakialam pa kahit pinag titinginan na ako ng mga tao habang andito ako sa gilid ng k

