Third Person's POV Nakarating nadin siya sa wakas ng kanyang mansyon, agad naman na pinagbuksan siya ng gate ng guard at nagmaneho papasok deritso sa garahe niya. Nang makababa siya dala ang kanyang leather bag ay agad niyang niluwagan ang kanyang neck tie, gusto niya agad na makaligo para ma preskuhan ang kanyang sarili. Gusto niya nading masilayan ang dalaga, iniisip niya kung ano ang ginagawa nito ngayon at inaasahan na sasalubong ito sa kanya. Nang tuluyan na nga siyang makapasok ng mansyon ay agad naman siyang sinalubong ng kanyang mga katulong kasama si manang selya. "Good evening po, Sir Mavroz.." Bati nito sa kanya. "Where is Ceres?" Agad niyang tanong sa mga ito, habang hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga, wala ito para salubingin siya. Kunot ang kanyang noo, he was e

