Ceres POV "Kuya Morvan, thank you sa paghatid sa akin.." Matamis akong nakangiti kay kuya Morvan, matamis din itong ngumiti sa akin. "I should be the one thanking you,dahil sinamahan mo ako sa pamamasyal ko, namiss ko lang talaga mamasyal dito sa pinas, and it's worth it na nakita kita sa mall. Thank you, Ceres." Ani nito na ikinatuwa ko din, masaya ako at hindi siya na bored sa pamamasyal naming dalawa, pagkatapos kasi sa mall ay pumunta pa kami sa ibang lugar na gusto niyang puntahan sa matagal na panahon na wala siya dito sa pinas. At dahil naawa din naman ako sa kanya ay sinamahan ko nalang din, pagkatapos kasi nung sa bakeshop ay tuluyan na talagang umalis sila ninong na wala man lang paalam kahit sa kapatid niya lang. "No worries, kuya Morvan..kapag gusto mo pang mamasyal sabi

